Chapter 1

216K 2.7K 313
                                    

PUBLISHED under Pastrybug, an imprint of Life is Beautiful (Partner of Precious Pages)

Php119.75

Available in all Precious Pages Book Store, National Book Store, Pandayan Bookshop and Expressions Nationwide!

--

Chapter 1

 

“Wait for you turn. God knows what you wanted.”

Georgina

While on my way to work, napagdesisyunan kong dumaan sa SM Dasma para mamili. I needed some sort of displays–mugs, gift wraps, picture frame, and so on. Sa company kasi, kailangan naming dekoreytan ang aming mga tables.

It was not required but we found it amusing. Company tables decorated with cute things? That’s pleasing to the eye, relaxing, nakakawala ng stress. Trip-trip lang ‘yan ng Head of Finance Department na si Miss Nadine. Actually, nagdyo-joke nga lang siya pero hindi niya akalain na papatulan pala namin.

Sa mall, masyadong crowded. Ang babaan ng dyip ay sa second entrance. Since sa kabilang dulo pa ang National Book Store, kailangan ko pang maglakad. Holding my local Hermes bag, I scanned the place. Ang daming tao.

I saw couples anywhere and everywhere kaya unti-unti ay nawawala na ako sa konsentrasyon. Have I ever told that I easily get irritated whenever I see er—lovers, couples, boyfriend and girlfriend? ‘Yong magka-holding hands na naglalakad o kaya nakakawit ang kamay ng babae sa lalaki na akala mo may kukuha rito. Tapos ‘yong landian ng landian, harutan nang harutan. Nakakabuwisit kaya! Masyado kung makapag-public display of affection. Lantaran! Wagas! Nakakainit ng ulo.

It’s just that, hindi ko talaga kayang makakita ng mga gano’n. Due to mood swings, I think? Hindi ko alam.

Hindi ko na lang pinansin ang mga honeybee na pakalat-kalat. Bahala nga sila sa buhay nila.

Habang naglalakad, biglang dumagsa ang mga tao at sumilip sa gitnang part ng mall, ‘yong place para matanaw ang event center. Parami sila nang parami. Nagsisiksikan sila para makita kung ano’ng mayro’n. Maya-maya, nagtitilian na ang mga babae. Maging ang mga lalaki, parang kinikilig?

Dahil dakila akong usisera, kahit siksikan na, pinilit ko pa ring makahanap ng magandang view para malaman kung ano ang event na pinagkakaguluhan ng mga ito. Na-curious lang ako sa nagaganap na talagang ikinatuwa ng mga nanonood at itinigil pa ang kanilang pagsa-shopping para lang matunghayan iyon.

To my surprise, I saw a man proposing to her girlfriend. May hawak-hawak itong singsing sa isang kamay habang nakaluhod sa harapan nito. May malaking tarpaulin ng pictures nilang dalawa na naka-post sa stage. Suddenly, may nag-play na video sa isang screen. Sweet songs were playing, a slideshow of their pictures was flashing, and the audience was giggling.

Okay. So that’s it? ‘Yan na ‘yong pinagkumpulan ng maraming tao at pinagaksayahan ng oras nila? Wow! Super wow!

Walang ekpresyon ang mukha ko. Na-speechless ako. Nakakainis, effort much si guy! Nagsalita na siya.

“You became my world since I met you. You became my universe since I’ve known you. You complete my life. You became my love. You suddenly became my everything.”

Cheesy.

“Thank you for giving me the honor of becoming your boyfriend. But if you’ll let me, I want to resign already. I don’t want to be your boyfriend anymore because it’ll be happier if you and I will move closer to our dreams. My Wavehelm Zara, are you willing to be future Mrs. Bertillo? If it’s a no, please kiss me on the cheek. If it’s a yes, kiss me on the lips.”

The audience started to cheer. Lalong umingay. Nakakainis!

That Wavehelm was already red. Nahihiya siguro siya, but more of kinikilig. Baka humindi pa siya, ha?

“Come on, babe, I’m keyed up. I want your answer.”

“Kiss sa lips!” sigaw ng mga tagapanood.

Ang tagal ni ate. Kaloka!

Hindi na ako makapaghintay. Nakipagsiksikan na ulit ako para makawala. Inayos ko ang damit ko na bahagyang nagusot. Bakit ba kasi naki-usisa pa ako roon.

“Yes! Yes!” narinig kong sigaw ng lalaki.

Happy ending. I sighed.

Naglakad na ako nang mabilis. Hindi na ako bibili. Saka na lang. Gusto ko nang umuwi.

Nawala na ako sa mood. Pakiramdam ko, may mga guhit-guhit na naman ako sa noo. Ugh! I hate that scene! Sa susunod kasi, Georgina, ‘wag ka nang mag-usisa! Nakakainis talaga!

I suddenly felt…bitter.

Why those people turned to be happy? Bakit ako, hindi?

Why those people found their match already? ‘Yong sa’kin, wala pa rin?

Why those people fell in love and are loved in return?

Ang unfair!

I am supposed to be happy.

I deserve to be happy.

But when?

When will my love story be written?

I am 20 but still NBSB.

Damn it!

I'm 20 but still NBSB (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon