PUBLISHED under Pastrybug, an imprint of Life is Beautiful (Partner of Precious Pages)
Php119.75
Available in all Precious Pages Book Store, National Book Store, Pandayan Bookshop and Expressions Nationwide!
--
Chapter 30
“Meant to be is when after all the sadness and cries,
you still end up happily in each other’s arms.”
Georgina
Pang-apat na bahagi ng surprise niya sa’kin ang aming honeymoon. A week after our wedding, we headed to France and stayed there for a month. Sobrang saya! I dreamed of going there when I was a teen. Hindi ko akalain na ang first and last boyfriend ko na ngayo’y asawa ko ang magdadala sa’kin doon. I was extremely happy.
Nag-hire pa si George ng isang Pranses para maging photographer namin. During our first day kasi, hirap na hirap kaming mag-picture using our DSLR. Mayro’n pero sa phone. Madalas solo pics na kinainis niya.
“Gusto ko tayong dalawa,” reklamo niya.
O kaya naman, ako ang kinukuhanan niya. Puro stolen shots pa! Bawat paglingon ko yata, pinipiktyuran niya.
“Masyado ka bang adik sa’kin?” I laughed.
“Oo, e,” sabi niya habang tinitingnan ang mga pictures namin sa camera. “I am deeply and madly in love with you, hon.”
I smiled. He never failed to make me blush.
“Talaga ikaw, asawa ko.” I pinched his nose.
“Ulitin mo nga,” utos niya. Nakatingin na siya sa’kin.
“Ang alin? ‘Asawa ko’?”
He suddenly smiled – a very sweet and happy one.
“Asawa ko,” he uttered. “Ang sarap namang pakinggan niyon.” Tapos, niyakap na niya ako nang mahigpit.
Lagi lang kaming nagyayakapan noong nasa France kami. Lagi pang may nakiki-picture sa’min telling we’re a perfect couple. Bagay na bagay daw kami. Kami naman ni George, sobrang flattered.
And yes, sa France, we made it.
Awkard feeling, though, kasi pareho naming first time. Pareho kaming nahihiya, lalo na ako. Ano ba namang malay ko sa bagay na ‘yun? But then, we let ourselves go with the flow. We let our bodies made the trick. We suddenly made it, and we’re happy. Wala naman nang masama. Mag-asawa na kami.
“Good morning, asawa ko.”
He kissed me on the cheeks, on the neck, on the lips.
“Hmm…”
Kagigising ko lang. Actually ginising niya ako.
“I love you, asawa ko.” He’s grinning.
“George…antok pa ako.”
Hindi na niya na ako kinulit. Napadilat ako to check kung ano’ng ginawa niya. Aba’t tinalikuran pala ako. Niyakap ko siya habang nakatalikod pero inaalis niya ang kamay ko.
“Ay, nagtampo?”
Hindi pa rin siya kumikibo. Ang kulit lang. Parang bata. Pinilit ko siyang humarap sa’kin pero ayaw niya kaya ako na lang ang lumipat ng puwesto.
“Problema mo?” I asked. Oh, my! He’s pouting! So cute. “Hon? Uy. Bakit?”
“Ikaw, e.” Nagtatampo talaga siya.
“Natutulog pa kasi ako, ginigising mo na.”
“Gusto ko lang naman mag-‘I love you’, e.”
“I love you!”
“Tapos, hindi mo pa ako tinawag na ‘asawa ko’.”
Oh. So, ayun ang dahilan.
“Ang asawa ko naman, o. Para ‘yun lang e.” I kissed him on the lips.
Tapos hindi na niya ako binitawan. I was trapped in his arms. Bigla niya akong pinaibabaw sa kanya, knowing na wala pa kaming suot pareho. I felt it! Kaloka ka, George!
“Asawa ko, don’t tell me...” Pero hindi siya sumagot. He began to caress every part of me.
We did it again.
After nine months pagkabalik namin from France…
“Asawa ko! Ah! Ah! Lalabas na!”
Pumutok na ang panubigan ko. Kabuwanan ko na.
“Kalma, asawa ko. Kalma.”
Pero ang asawa ko, pabalik-balik lang. Hindi ako pinapansin.
“Tumawag ka ng tulong, asawa ko!”
Saka pa lang niya tinawagan sina Mama. Binuhat niya ako papunta sa kotse at nagmadali nang pumunta sa ospital.
“Asawa ko, hindi ko na kaya. Lalabas na. Lalabas na.” Hihingal-hingal ako. Nararamdaman ko na talaga ang paglabas ng baby ko!
“Asawa ko, malapit na. Pigilan mo muna.” Natataranta si George. Ang bilis-bilis niyang magpatakbo. Nang makarating kami sa ospital, nagmadali ang mga nars na dalhin ako sa operating room.
Isang mabilis na iri, my little girl saw the world.
Today, Christmas Eve, we were complete. NanditoPatrick, sina Boss Lee at Maynard, si Sir Kason at ang kanyang asawang si Ella.
“Family picture nina George,” Bianca said while holding her DSLR. Siyempre, hindi mawawala ang picture-taking.
Umupo ako sa sofa namin, dala-dala ang aming baby Gia. George was on my left, nakaakbay sa’kin habang kalung-kalong si Geeo. Dahil color-coding ang bawat family, we were wearing red.
“1, 2, 3, say ‘cheese’!”
I looked at the picture and smiled. Hindi ko akalain na magiging ganito ako kasaya. Na after kong maging NBSB sa loob ng dalawapung taon, mahahanap ko rin pala ang kaligayahan ko.
Now, I must say, hinding-hindi talaga ako nagsisisi sa paggamit ng 10 ways na iyon. Kung hindi dahil doon, walang George, Geeo at Gia sa buhay ni Georgina.
“10, 9, 8, 7, 6…”
It’s nearly Christ’s birthday.
“5, 4, 3, 2, 1…Merry Christmas!”
Sabay-sabay naming binati sa isa’t-isa. I hugged my parents, George’s parents, my friends, and, of course, my life: my babies and my husband. Then, we happily ate.
Lumabas ako sa terrace para magpahangin. Nag-star gazing. I closed my eyes. “Happy birthday, Papa Jesus. Thank you for everything.”
Nakaramdam na lang ako ng mga bisig na nakayakap sa’kin.
“Mahal na mahal kita, asawa ko.”
It’s my life.
“Mahal na mahal din kita, asawa ko.”
We both looked at the starry night sky. May bulalakaw na dumaan. We both uttered our wishes.
“More Christmas with him or her and my babies.”
Nagkatinginan kami. Ngumiti. And we kissed – the last kiss for the day but definitely not the last on our lifetime.
BINABASA MO ANG
I'm 20 but still NBSB (Published)
Teen FictionPUBLISHED IN 2014 UNDER PRECIOUS PAGES CORP. ADAPTED TO TV5 WATTPAD PRESENTST IN 2015 Minsan, kahit gaano kaganda, kabait at katalino ang isang tao, hindi pa rin niya magawang maging masaya. May kulang pa rin sa buhay niyang "close to perfection" n...