PUBLISHED under Pastrybug, an imprint of Life is Beautiful (Partner of Precious Pages)
Php119.75
Available in all Precious Pages Book Store, National Book Store, Pandayan Bookshop and Expressions Nationwide!
--
Chapter 5
“Sometimes it's not the pain that makes you suffer,
But your own negative thoughts that make things seem worse."
-Unknown
Georgina
Nag-dinner date kami ni Blesie. Inilibre niya ako sa Tokyo Tokyo. Minsan lang siyang manlibre kaya um-order na ako nang bongga! Beef Misono, sushi, coffee jelly, and red iced tea—sarap. Sakto at unli rice pa.
Hindi nga siya nagreklamo, e. Masyado niya talagang ikinatuwa ang pagsisimula ko sa 10 steps. And I am proud to say, step 3 na ako. Madali lang naman pala, e? My fingers are crossed.
“Tingin mo ba, okay lang ‘tong ginagawa ko?”
Minsan kasi ay nag-aalangan pa rin ako. Oo, gusto ko na, pero natatakot pa rin talaga ako.
“Hangga’t wala kang nasasaktang ibang tao, okay ‘yang ginagawa mo,” simpleng sagot ni Blesie.
After naming kumain, dumaan muna kami sa Precious Hearts Romances stall sa ground floor to buy some books. Book worm din kasi itong si Blesie kaya talagang nagkakasundo kami. Next naman, sa Book Sale. Sakto, may “The Filthy Rich Bitch” ni Jhing Bautista.
Nang wala na kaming magawa, umuwi na kami. Medyo magkalayo kami ng bahay kaya magkaiba ang way namin. Naghiwalay na kami sa terminal.
“Bye, B. Ingat ka. Salamat sa treat.” Nagbeso ako sa kanya.
“No problem. Ikaw naman ang manlilibre kapag naging kayo na ni George.”
“Mag-dilang anghel ka sana.”
“Tiwala lang. Osiya, bye.”
I waved her goodbye bago ako pumunta sa sakayan ng pa-Bayan. Habang nasa bibiyahe, hindi tumitigil ang isip ko sa kaiisip sa mga “what if”s:
What if magmukha lang akong tanga?
What if paglaruan niya lang ako? Sakyan? Tapos saktan?
What if mahulog na talaga ako sa kanya?
What if may nagugustuhan naman pala siyang iba?
What if pinagtitripan lang ako ng nagpadala ng message sa’kin? Na baka kilala niya si George at alam niya ang tungkol doon?
What if magustuhan niya ako pero pansamantala lang? Na baka may bigla siyang makilala na mas better sa’kin?
What if mahalin ko siya nang sobra? Pero siya ni katiting, walang nararamdaman sa’kin?
What if pilit ako nang pilit na siya pero mayro’n naman palang ibang nagmamahal sa’kin?
What if magkamali ako sa maging desisyon ko?
What if hindi ako maging masaya pagkatapos nito?
Alam kong maling mag-isip ng mga ganitong bagay.
Pinapangunahan ko ang fate. Hindi pa man nangyayari, nagpapaka-nega ako. Pero normal lang naman ito, ‘di ba?
Kung sakali, ngayon lang ako magmamahal.Nakakatakot.
Ayaw kong masaktan.
Ayaw kong umiyak.
Ayaw kong maiwan.
Hindi lang simpleng paghahangad na mawala na ako sa organisasyon ng mga NBSB ang gusto kong mangyari. Mas malalim pa riyan: Gusto kong matutong magmahal at maranasang mahalin. Posible ba? Ito na nga ba ‘yon? O pinaniniwala ko lang ang sarili ko sa bagay na hindi naman mangyayari?
Napabuntung-hininga na lang ako sa pag-iisip. Bigla akong nalito sa kung ano ang tama at mali. I am so confused. I don’t know what to do.
“‘Yong iba nga riyan, masyadong desperada. Hindi na lang tanggapin na walang magtitiyaga sa kanya kaya hindi siya nagkakadyowa. Alam mo ‘yon, Khate? Nakakainis, ‘di ba?!”
Napalingon ako sa kasakay ko sa jeep na nasa bandang unahan. Nag-uusap sila ng kaibigan niya.
“Bakit mo ba pinakikialaman ang ibang tao, Eloisa? ‘Yaan mo nga sila. Ikaw talaga,” sagot ng kasama niya.
“Like, duh! Ang pangit kayang tingnan na parang naghahabol ang babae at ang babae ang gumagawa ng moves.”
“Iba na ang panahon ngayon.”
“Kahit na, ‘no. Manong, para po.”
At bumaba na ‘yong Khate at Eloisa.
Sa narinig kong ‘yon, natamaan ako. Hindi man para sa’kin, my heart got hurt. Kasi totoo naman. It’s for me, I know. It’s also a sign.
Nawala ako sa konsentrasyon. Pumara ako at bumaba ng jeep. Medyo nakalagpas pa nga. Pagpasok ko sa bahay, naghihintay si Mama.
“’Nak, kumain ka na?”
“Opo, Ma,” sabi ko sabay mano. “Magpapahinga na po ako. Medyo napagod po.”
“May problema ba, G?”
“Wala po, Ma. Ayos lang po ako. Good night po.”
Hinalikan ko siya sa pisngi saka ako pumasok sa kuwarto. Naglinis ako ng katawan at nagpalit ng pangtulog. I lay down on my bed and stared blankly at the ceiling.
“Ayaw ko na.” I closed my eyes.
I will delete that spam message that might ruin my life.
BINABASA MO ANG
I'm 20 but still NBSB (Published)
Teen FictionPUBLISHED IN 2014 UNDER PRECIOUS PAGES CORP. ADAPTED TO TV5 WATTPAD PRESENTST IN 2015 Minsan, kahit gaano kaganda, kabait at katalino ang isang tao, hindi pa rin niya magawang maging masaya. May kulang pa rin sa buhay niyang "close to perfection" n...