"Choice." (One Shot)
© kimkimmy16, wattpad2012.
+++++++++++++++++++++++++++
"Huhuhu. Bes, sinaktan niya ko!" tsk. Kung sino mang hinayupak ang nanakit dito, humanda siya sa akin!
"Sino ba 'yang lokong lalaki na 'yan?!" Nakakabanas eh. Hirap na hirap nga akong patawin 'yan tapos siya papaiyakin lang niya?!
"Si Cedric. 'Yong boyfr-- I mean, ex-boyfriend ko." Sabi ko na nga ba hindi mapagkakatiwalaan 'yong pagmumkha nung pesteng lalaki na 'yon eh. Banas. Humanda 'yon sa akin mamaya.
"Nasaan siya?!" Nag-iinit na talaga 'yong ulo ko!!
"Xander, kumalma ka nga. Parang ikaw naman 'yong sinaktan nung lokong lalaki na 'yon eh." Sinamaan ko nga ng tingin. "Sabi ko nga ako ang sinaktan eh. Pero hayaan mo na siya. At least, nalaman ko kaagad na manloloko pala 'yong lalaki na 'yon. May pakiss kiss pa sila ha. Pwes magsama silang dalawa! Saka hindi ko naman talaga mahal 'yong kolokoy na 'yon eh!" 'Yan. 'Yan ang best friend ko. Palaban. Hahaha. Mas lalaki pa ata sa akin 'to eh.
Playgirl talaga. Tsk. Pero kahit ganiyan 'yan. Mahal na mahal ko 'yan.
"Ikaw naman kasi eh, piliin mo naman 'yong magiging shota mo. Kilalanin mo muna hindi 'yong kung sino ang manligaw sayo eh sinasagot mo na kaagad kahit hindi mo pa ganon kakilala." Playgirl kasi eh. Alam ko naman na wala siyang minahal ni-isa sa mga naging shota niya. Kaya lang naman siya umiiyak kasi natapakan 'yong pride niya. tsk.
"Yae mo na nga. Saka, kinikilala ko naman sila ah? In fact alam ko nga ang name, age, c--" Loko talaga 'tong best friend ko na 'to.
"Basic information lang 'yang nalalaman mo. 'Yong ugali dapat ang kilalanin mo." Sabay gulo ko ng buhok niya.
"Tss. Wa'g mo ngang guluhin 'yong mukhang rebonded pero nirejoice ko lang na buhok. Kainis 'to!" Natawa naman ako sa sinabi niya. Kahit kelan talaga masyadong maloko.
"Mukhang rebonded daw. Mukha ngang dinaanan ng napakalakas ng hangin 'yang buhok mo sa sobrang gulo eh!" Sinamaan naman niya ako ng tingin. Ang ganda talaga niya kahit na galit siya.
"Ang sama neto. Sige ka magtatampo na ko." Sabay pout niya. Ang cute cute talaga! Pinisil ko nga 'yong pisngi niya. "ARAY NAMAN BES!"
"Oh ano? Magtatampo ka pa?"
"Sabi ko nga hindi ako nagtatampo eh! Sino bang may sabing nagtatampo ako? Wala naman ah?" Hahahahaha!
"Tara libre mo ko ng ice cream!" Kung hindi niyo naitatanong eh mahilig talaga ako sa ice cream. Kaya kong umubos ng isang galon na ako lang mag-isa.
"At ako pa talaga ang manlilibre ha? Nasan ang dugong pagkagentleman mo bes?"
"Nawawala kaya ilibre mo na ko."
+++++++++++++++++++++++++++++++
"Bes! May ipapakilala ako sa'yo." Kinunutan ko nga ng noo.
"Sino?" Hula ko may bago nanaman 'tong shota. Gustuhin ko mang ako eh, di bale na lang.
"Si Dexter. Dexter meet Xander, my ultimate, the best of the best friend! Xander meet Dexter, my new boyfriend." Tinanguan ko na lang 'yong Dexter daw. Okay kami basta ba huwag niya lang sasaktan ang best friend ko. Kung saktan niya, makakatikim talaga siya.
"Ingatan mo 'yang best friend ko. Pag nalaman ko lang na niloko mo 'yan? Makikita mo ang hinahanap mo."
"Xander! Tinatakot mo naman si Dexter eh!" Parang bata talaga kahit kailan! Tsk.
"Hindi ako nananakot. Nagsasabi lang ako ng totoo."
"Pare, makakaasa ka." Tinanguan ko na lang siya.
++++++++++++++++++++++++++++++++
OL ako ngayon sa facebook. Nakakabanas nga kasi ang daming nangchachat sa akin na babae. Hindi ko naman sila type. Para kasi sa akin, sapat na 'yong best friend ko.
Tama kayo, mahal ko si Queenie. Higit pa sa best friend pero...
ZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZ
1 week later.....
Pagkagising ko kinabukasan pumasok na ako kaagad matapos kong maligo. Hindi pa nga ako nakakarating sa school eh tinawagan na ako ni Queenie. Ano naman kayang problema nito?
"Oh bakit?"
[*Huk* *Huk*---] Aba't?!
"Anong nangyare? Ba't ka umiiyak?!" Tae. Ba't nanaman umiiyak 'to?!
[Pwede ba tayong magkita?]
"Oh sige, saan ba?"
[Sa cafe diyan malapit sa school.]
"Oh sige, on the way nako." Binaba ko na 'yong cellphone bago pa siya makapagsalita. Ano naman kaya ang problema ni Bes ngayon? Kapag talaga sinaktan 'yon ni Dexter humanda sa akin 'yong hayop na lalaki na 'yon!
Hindi naman nagtagal nakarating na agad ako sa cafe. Hindi ako nahirapang hanapin siya kasi kabisadong kabisado ko na 'yong itsura niya. Umupo ako sa tabi niya.
"Anong problema?" sabay hawak ko sa kamay niya.
"Kasi Bes, hindi ko na kaya eh." Ha?
"Ano? Hindi kita maintindihan." Anong hindi na niya kaya?
"Hiwalay na kami ni--" Sinasabi ko na nga ba eh. Humanda sa akin 'yong hinayupak na 'yon.
"Anong ginawa niya?! Niloko ka ba niya?!" Nakakabanas naman talaga!
"Patapusin mo muna ko pwede?" Sabi ko nga! Tumango na lang ako. "Mahal kita. Higit pa sa pagiging magbest friend natin. Alam ko mali pero hindi ko na talaga kaya pang pigilan 'yong nararamdaman ko para sayo. Hiniwalayan ko na si Dexter hindi dahil niloko niya ako kundi narealize ko na hindi tama 'yong ginagawa ko. Masyado siyang mabait para sa akin." Nangingilid na ang luha niya habang sinasabi 'yan. Mahal niya ko? Pero...
"Hindi tayo pwede. Hindi pwedeng maging tayo." Hindi talaga pwede. Ayoko.
"Pero bakit? Hindi mo ba ako mahal?"
"Mahal kita. Mahal na mahal pero hindi ko kayang isacrifice ang friendship natin para maging tayo. Sorry Bes kung magpapakaselfish ako. Sorry kung ang hinahangad ko lang naman ay maging friends tayo. Sorry kung ang pinipili ko lang ay kung saan tayo mas magtatagal. Sana naman maintindihan mo ako. Masyado kitang mahal kaya hindi ko kayang isacrifice ang pinakainiingat-ingatan nating friendship. Pero ito ang tatandaan mo, balang araw, pasasalamatan mo rin ako."
Sorry bes. Maski ako nasasaktan sa mga sinabi ko. Hindi ko kayang dumating 'yong araw na kung maghiwalay tayo ay mawala ka sa akin. Sapat na sa akin 'yong alam ko na magkaibigan tayo. Na kahit anong mangyari mananatili tayong ganito. Walang ilangan. Sapat na rin sa akin na ako ang tagapagtanggol mo. Na ako ang magiging tissue mo kapag umiiyak ka. Balang araw mahahanap din natin 'yong mga taong nakatadhana para sa atin.
LESSON: Hindi sapat na mahal niyo lang ang isa't-isa para maging kayo. Minsan kailangan mo ring isipin kung saan kayo mas magtatagal. =))
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
VOTE/COMMENT KUNG NAGUSTUHAN. =)
NAPAPADALAS NANAMAN ANG PAGGAWA KO NG ONE SHOT. SORRY NAMAN. XMAS BREAK NA KAYA. HAHAHAH. =)))))))) XOXOXOXO
BINABASA MO ANG
One Shot Collection
Short StoryAll rights reserved. © 2013-2014. Credits to the owners of the quotes and banats I posted here. ☠ uy salamat sa pagbabasa nito kahit na sobrang corny and if yung concept is paulit ulit lang. Highly appreciated 💯 u the best! 😘