"Paasa" (One Shot)
© Kimkimmy16, Wattpad2013.
-----
(ALIYAH'S POV)
Nagulat naman ako nang biglang magvibrate ang cellphone ko.
Si Vince. At nagulat naman ako sa tinext niya sa akin.
("Mahal kita.") Seryoso ba talaga 'to o joke time? Tss.
("Weh?") I replied the safest answer. Aba. Mahirap na ang mag-assume ngayon.
("Ay sorry. Wrong send,") reply niya sa akin.
Oo na. Disappointed ako. Langya, paasa rin 'to e no?
("K,") reply ko. Langya, e.
Di naman na siya nagreply. Expected. Alanganamang magreply pa siya, e, K na lang ang sinagot ko.
-----
"Oh, ba't ang namumukadkad ang eyebags mo?" sabi agad sa akin ni Ayesha nang makita niya akong parang zombieng naglalakad.
"Si Vince kasi, e," sabi ko.
Langya kasi, e, nawrong send nanaman sa akin.
Ang text ba naman, e,
("Pwedeng manligaw?") talaga namang nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko 'yan.
Nagreply naman ako, ("Weh?") Oo. 'Yan ulit ang reply ko. Wala akong masabi, e.
Nagreply naman siya agad, ("Ay wrong send ulit. Sensya na.")
Kamuntikan ko na ngang mabato 'yong cellphone ko sa inis, e. Paasa talaga, e. Hayuuup.
"Oh, ano'ng ginawa niya sa'yo?" And again, kinwento ko nanaman sa kaniya.
Humagalpak naman siya sa tawa nang matapos kong ikwento sa kaniya ang buong pangyayari.
"Ayos din pala si Vince no?" Inirapan ko na lang si Ayesha sa sinabi niya sa akin.
"Hmp. Ewan ko sa'yo," sabay walk-out ko.
-----
("Hi Crush,") text sa akin ni Vince. For the nth time, napalaki nanaman ang mata ko sa gulat. 'Wag mong sabihin na wrong send nanaman siya sa akin? Langya, hobby ang pangwro-wrong send?
("Weh?") Opo. 'Yan nanaman ang reply ko.
("Ooops. Wrong send. Sorry.") Nakuuu! Kung 'di ba naman siya isa't kalahating paasa, e, no? Pasalamat talaga siya mahal ko siya kundi, nasapok ko na 'to.
("Napapadalas ahh?") - ako.
("Sensya na talaga. Palagi kasi akong nagmamadali, e.") - Vince.
("Okay lang. Paasa ka rin, e, no?") Shet, bago ko pa macancel, e, nakita ko na nagsend. Sht talaga.
("Ba't naman ako naging paasa aber?") - Vince.
Di ko na lang sinagot ang tanong niya. Matutulog na lang ako. Paasa kasi, e. Lintek.
-----
"Ba't di ka na nagreply kagabe, Aliyah?" tanong sa akin ni Vince nang pumasok ako ng room.
"Nawalan ng load, e," pagsisinungaling ko.
Shet naman kasi. Ba't niya ba kasi ako kinakausap? Di naman kami nag-uusap ng personal ahh?
"Ay. Sayang," narinig kong sabi niya.
"Ba't naman sayang?"
"Wala. Gusto lang kitang makatext," nanlaki nanaman ang mata ko sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
One Shot Collection
Short StoryAll rights reserved. © 2013-2014. Credits to the owners of the quotes and banats I posted here. ☠ uy salamat sa pagbabasa nito kahit na sobrang corny and if yung concept is paulit ulit lang. Highly appreciated 💯 u the best! 😘