MaKo (one shot)

24.9K 306 37
                                    

"MaKo." (One Shot)

© kimkimmy16, wattpad2012.

************************************************************************************************************

"MaKo na lang ang tawag ko sa 'yo ha?"

...Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niyan pero pumayag ako na 'yan na lang ang itawag mo sa akin. Ang kulit kulit mo kasi! Kahit na ilang beses kong sabihin na ayaw ko, nagpupumilit ka pa rin. Hindi naman tayo close. Pero, mahal kita kahit hindi tayo nag-uusap. Mahal kita kasi ang kulit kulit mo. Mahal kita kasi iba ka. Ibang-iba ka sa mga lalaki. Pinatuyan mo sa akin na hindi kayo pare-pareho. Pinatunayan mo na hindi lahat ng lalaki, manloloko. Salamat.
*************************************************************************************************************

"Hi MaKo!" Kahit hindi ako lumingon, alam ko na kung sino ang tumawag sa akin. Siya lang naman ang tumatawag sa akin ng ganiyan! At sa boses pa lang, kilalang kilala ko na kung kanino. Kay Ash. Ang ever makulit kong classmate.

"Diba sabi ko sa'yo na huwag mo na akong tawagin na ganiyan?" Ang kulit talaga nito!

"Eh bakit ba? Ang cute cute nga eh! MaKo. Ba't ba ayaw mo?" Bakit nga ba ayaw ko? Hmm..

"Ano ba kasi ang ibig sabihin niyan? 'Pag 'yan offensive! Nako!" Hindi ko kasi alam kung ano ba ang ibig sabihin nun. Aminin ko man o hindi, cute nga 'yong endearment niya para sa akin.

"Hindi offensive 'yon promise!" Mukha namang nagsasabi siya ng totoo. Peroooo...

"Kung hindi 'yon offensive, eh di sabihin mo sa akin 'yong ibig sabihin nun!" Bigla namang nagseryoso 'yong mukha niya. Napatitig ako bigla sa mga mata niya. Ang ganda! Caramel ang kulay. Kakaiba. Ang tangos pa ng ilong niya. Tapos, ang pula pula ng labi niya. Parang ang sarap ha-- WAAAAAAAAAAAAH! Ano ba 'tong pinag-iisip ko?! (-__-")7

"Sasabihin ko rin sa 'yo 'yon. Huwag kang mag-alala. Sa Birthday ko." Kailangan talaga sa birthday pa niya? I guess I have to wait for four more days. August 16 kasi ang birthday niya.

"Okay." Mukha naman kasing kahit na ano'ng gusto kong ngayon niya sabihin sa akin, hindi rin siya papayag. Pumunta na siya sa circle of friends niya na kanina pa pala siya hinihintay. Hindi ko sila napansin ha. Tumingin uli sa akin one last time si Ash bago umalis. Tinitigan ko na lang ang likod niya.

Ang hirap magpigil ng feelings! Kahit na ano'ng pilit kong kalimutan ang nararamdaman ko para sa kaniya, hindi ko magawa. Kahit na gaano ako kataray pagkaharap siya, sa huli, nanlalambot ako. Oo, mahal ko si Ash. Hindi naman kami close. Pero, mahal ko siya kahit hindi kami masyadong nag-uusap. Mahal kio siya kasi ang kulit kulit niya. Mahal ko siya kasi iba siya.

Alam niyo ba na una naming pag-uusap ay nung wala siyang ballpen? May seatwork pa naman kami nun. Nanghihiram siya ng ballpen dun sa iba naming classmates kaso, lahat sila wala. Mukhang ako na lang ang natitira niyang choice kaya naman tinanung niya ako. Pinahiram ko na rin siya kahit pa nakakainis na second choice lang ako pero okay lang no. Crush ko na kasi siya nun. Malandi na kung malandi, nagsasabi lang ako ng totoo. Hahahaha!

"Earth to Jade?" Napalingon ako kay Faye na kanina pa pala nandito. Masyado na pala akong preoccupied sa mga iniisip ko.

"Kanina ka pa ba nandiyan?" Kaya ayaw kong nag-iisip eh!

"Ay? Nasa outter space lang ang utak?" Natawa na lang ako.

"May iniisip lang." Hindi naman ako nagsisinungaling. Totoo namang may iniisip ako. Ayaw ko pang sabihin sa kaniya 'yong feelings ko para kay Ash. Kahit pa na best friend ko siya. Tanging ako lang ang nakakaalam! Galing kong magtago no? Well. I suppose, it's a talent. Lol.

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon