“Dahil Sa Starbucks”
© kimkimmy16, wattpad2012.
--
Nakakatamad naman sa bahay. Kaya ayaw ko ng sembreak hangga't maaari eh. Papaano naman kasing hindi ko aayawan eh wala akong magawa. Feeling kotuloy nasasayang ang napakahalaga kong oras. Siyempre half-true 'yon.
*ring ring ri--
Sinagot ko 'yong tawag ng hindi tinitignan 'yong caller ID. What for? Nakakapagod lang 'yon. Hahaha. Nasesense niyo na sigurong isa akong tamad na tao no?
[Girl, tara starbucks tayo? Ang lamig na ng panahon at sa tingin ko nararapat lang na uminom tayo ng masarap na kape.] Taeng 'yan. Napakahaba ng intro.
“Alam mo namang hindi ako umiinom ng kape hindi ba?” tama kayo. Hindi talaga ako umiinom ng kape. Sabi kasi ni mommy, nakakanerbyos daw 'yon kaya huwag na huwag daw akong iinom hanggat maaari.
[Reasons mo ha. Ayaw mo lang lumabas ng bahay eh. May mga frappucino naman dun. 'Yon na lang ang orderin mo.] Kilalang kilala talaga ako nito.
“PAYN.” Wala na. Talo na ko eh. Ba't pa ako magdadahilan kung alam ko namang talo na ako, right?
Hindi pa siya nakakasagot eh, binabaan ko na siya ng telepono. Aba. Baka kasi kung saan nanaman mauwi ang usapan namin eh.
*beep
'Bruha ka. Binabaan mo ko kaagad. Paano tayo magkikita? Hahaha. Loka. Ano, sunduin na lang kita sa bahay niyo ha? Bihis ka na. On the way na ako. -Leigh.'
Oo nga naman! Hindi ko pa nga alam kung paano kami magkikita. Ang epic fail ko talaga kahit kailan.
Nagbihis na ako. Nagdress na lang ako since wala ako sa mood magmatch ng ibang damit. Hindi rin nagtagal, dumating na si Leigh. Tae talaga 'tong isang 'to, palibhasa kasi spoiled brat kaya nakukuha ang lahat ng gusto. May kotse na siya tuloy kahit 1st year college pa lang! Inggit na me! Ayaw kasi akong bilhan ng kotse nila daddy eh. Baka daw kung saan-saan lang ako magpunta. Watta' reason, right?
Sumakay na ako sa passenger seat at gumora na kami. Ang dami lang niyang kwento chuchu na sa tingin ko ay hindi matatapos. Kesyo may bago daw siyang crush chuchu na hindi ko na lang pinapakinggan.
Ang speaking of crush, meron din ako crush. Hihihi. Si Mark. Tae, napakapogi. Sinasabi ko sa inyo. Same university kami ng pinapasukan. AT, halos same classes kami. Hindi ko nga lang alam kung napapansin ako nun. Tae niya.
Bumaba na kami ng sasakyan at dumiretso na sa starbucks.
“Alam mo nanaman na 'yong akin hindi ba? Chocolate Frapp.” coffee-free eh.
“Ibahin mo naman! Palagi na lang 'yan. Saka, ang lamig lamig frapp pa ang naisipan mong bilhin. Okay ka lang?” Ba't niya ba kinokontra? Eh sa dun lang ako nasasarapan eh.
“Huwag ka ngang mangielam ng order ng may order. Saka ikaw naman ang nagsuggest niyan kanina eh!” Inirapan na lang niya ako at umorder na lang siya.
Umupo na ako sa may pinakadulong upuan kasi, uhm, bakit nga ba? Wala lang. Trip ko lang. Sumunod naman sa akin si Leigh after niyang umorder.
“Uy, alam mo parehas kayo nung gu--” Naputol siya nung bigla siyang tawagin.
“Leigh?” Napatingin ako dun sa lalaki. Tae, si Maaaaaaaaaaaaark! Watda. Hindi ko alam kung okay lang ba 'yong itsura ko. Tae. Tae. Tae!
“Uy, Mark. Long time no see ah?” At nagpatuloy lang ang usapan nila. Kailan pa sila naging close? Hindi kaya siya 'yong sinasabi ni Leigh na new crush niya? Pero ayaw ko namang agawan siya kung nagkataon.
![](https://img.wattpad.com/cover/2085508-288-k6386.jpg)
BINABASA MO ANG
One Shot Collection
Short StoryAll rights reserved. © 2013-2014. Credits to the owners of the quotes and banats I posted here. ☠ uy salamat sa pagbabasa nito kahit na sobrang corny and if yung concept is paulit ulit lang. Highly appreciated 💯 u the best! 😘