"Lumavel-up." (One Shot)
© kimkimmy16, wattpad2012.
~*~ ~*~ ~*~ ~*~ ~*~ ~*~ ~*~ ~*~ ~*~ ~*~ ~*~ ~*~ ~*~
Dati crush lang kita. Ngayon, lumavel-up na! Hehe.
~*~ ~*~ ~*~ ~*~ ~*~ ~*~ ~*~ ~*~ ~*~ ~*~ ~*~ ~*~ ~*~
Hanggang nakaw tingin na lang ba talaga ako? Sa totoo lang, matagal ko ng crush 'yang si Vaughn eh.
Nakikipagtawanan siya sa mga kaibigan niya ngayon. Shiz. Ba't ba kasi may nilikhang ganiyan kagwapo si God? Mala-Adonis ang kagwapuhan eh! >o<
"Oh awat na. May bukas pa. Baka matunaw." Nabalik naman ako bigla sa katinuan ko.
"Hindi ko naman siya tinititigan!" Nakakahiya. Feeling ko namumula na ako.
"Lokohin mo lelang mo. Sa akin ka pa ba magsisinungaling?" Tch.
Napabuntong hininga na lang ako. "Oo na. Kung bakit naman kasi may nilikhang ganyang nilalang si God."
"Nakanangchuchu naman si Wendy! Kuma-crush na! Parang dati mga artista lang ang mga gusto mo." Hahaha. Oo nga no. Kada kasi tatanungin nila ako kung sino ang crush ko, lagi kong sinasabi ay ang mga gwapong artistang lalaki. Alanganamang sabihin ko na si Vaughn, hindi ba?
"Huwag ka nga." 'Yan na lang ang nasabi ko. Nakakahiya kaya.
"Pero huwag ka, bagay kayo." Napailing na lang ako. Ayaw ko namang taasan 'yong pag-asa ko. Malabo eh. Sobrang labo.
Napatingin nanaman ako sa direksyon niya. Kaso, bigla akong itinuro ng mga kaibigan niya at nagulat ako sa sinabi nila.
"Pare 'yong pangarap mo." Ang sarap namang pakinggan. Kaso naalala ko, hindi nga lang pala ako ang mag-isa na nakatayo dito. Tatlo kami. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Shiella. Sigh. Siguro si Shiella 'yong tinuro nung mga kaibigan niya. ARAY. Baka si Shiella nga. Napakaimposible namang maging ako, hindi ba? ARAY.
Inaya ko ng pumasok ng room si Ria. Wrong move nanaman dahil nakita kong magkausap si Shiella at Von. ARAY. Can't this day be any better?! Pumunta na lang ako sa designated na upuan ko at naupo.
Napatulala na pala ako kaya naman hindi ko namalayan na may tumabi pala sa akin. Pagtingin ko kung sino 'yon..
DugDug.DugDug.
Ang puso ko naman! Grabe magwala!
"Oh Vaughn, ba't dyan ka naupo?" kasi naman, hindi pa rin ako makapaniwala na tinabihan niya ako. Tsaka first time 'to! First time niya akong tinabihan! First time niya akong kinausap! Madalas kasi mga kabarkada lang niya 'yong kasama niya.
"Masama bang tabihan ang asdfgh ko?" Hu?
"Teka, ano ulit? Masyadong mabilis 'yong sa bandang huli kaya naman hindi ko naintindihan." Mabilis naman kasi talaga masyado kaya di ko nagets.
"Sabi ko, masama bang tabihan ang asdfgh ko?" Hindi nanaman ako nakasunod!
"Last na, bagalan mo lang 'pag sa bandang duluhan na."
"Last na talaga 'to. 'Pag hindi mo pa naintindihan, hindi ko na uulitin pa." Talaga namang nakinig ako ng mabuti at inilapit ko pa 'yong tenga ko sa bandang bibig niya. Kaso wrong move pala dahil biglang bumilis ang tibok ng puso ko. WAAAAAAAAAH. Ba't ba ganiyan na lang kalakas ang tama ko para sa kaniya?!
"Sabi ko, masama bang tabihan ang pangarap ko." Napaikot ang mukha ko para tignan siya sa mata. Kaso, wrong move nanaman dahil nagkadikit ang mga labi namin. WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! First kiss ko 'yon!
"AHHHHHHHH! Sorry! Sorry!" Nakakahiya naman ako! Wala na, turn-off na. Pero totoo ba 'yong sinabi niya?! No joke?! Kasi baka maniwala ako!!
"Ayos lang." Napatingin ako kaagad sa kaniya nun. Nakangiti siya. Ngiting aso! Ang pogiiii! *O* Bigla naman akong nabalik sa wisyo. Totoo ba talaga?
"Tama ba 'yong dinig ko? Pangarap mo ko?" Umuo ka! umuo ka! 'Yan ang mga isinisigaw ng mga internal organs ko! Kasi namaaaaaan!
"Oo nga. Ba't ba ayaw mong maniwala?" nakatingin siya ng diretso sa mata ko habang sinasabi niya 'yan! Why so pogi? Ugh!
"Eh kasi, alam mo na. Hindi naman tayo masyadong close tapos biglang ganun." totoo naman hindi ba?
"Kailangan ba maging magkaclose tayo bago magkaroon ng gusto sa isa't-isa? Hindi naman diba?" Oo nga naman!
"Hindi nga."
"Oh, ba't kumokontra ka pa?" Oo nga naman!
"Eh kasi, hindi lang talaga ako makapaniwala." pag-amin ko sa kaniya.
Masyado kasing mabilis ang pangayyari. Parang kanina lang, nalaman na ni Ria na crush ko siya tapos biglang itinuro nung mga kaibigan niya si Shiell-- teka.. Eh di ibig sabihin, ako talaga 'yong itinuro nila?
"Ba't naman?"
"Kasi, masyadong mabilis?" patanong ko pa talagang sabi. Shiz.
"Actually, matagal na kitang gusto. Simula pa lang nung 2nd year tayo. Crush na kita." ibig sabihin 1 year na niya akong gusto? 3rd year na kasi kami ngayon eh. "Kaso lumavel-up eh." Lumavel-up?
"Baka lumevel-up." pagkokorek ko sa kaniya. Wala naman kasing salitang lavel-up eh.
"Hindi ah. Tama lang. Lumavel-up. As in, love. Ganun. Love na kita, ganun." LOVE?
"Ang cheesy mo ha!" Pang-aasar ko sa kaniya. Ganiyan ko na lang kasi matatago ang kilig ko! Hahahaha! Shiz!
"Eh ikaw? Wala ka bang nararamdaman para sa akin?" Ayayayay. Ehhh. Nahihiya ako! Hahaha. Hanglonde ko!
"Dati crush kita ngayon lumavel-up na rin." AAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! Nakakahiyaaaa!
"Talaga?"
"Aha."
"Wendy and Vaughn, get out! Kanina pa ko nandito, ligawan pa rin kayo ng ligawan?!" HALA! NANDITO NA PALA SI MA'AM?!
Nagtawanan naman 'yong mga kaklase namin. Tumayo naman kami mula sa pagkakaupo at lumabas ng room na magkahawak ang kamay. Ang sarap mainlove.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~*~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
DI AKO SATISFIED. I DUNNO WHY. HINDI SIYA MAGANDA! UGH! KALA MO NAMAN UNG IBANG GAWA KO MAGANDA EH NO? HINDI TALAGA AKO SATISFIED. PERIOD. EXCLAMATION POINT! PASABI NAMAN SA AKIN KUNG BAKIIT! PLEASE? AYOS LANG PALA KUNG HINDI NIYO IVOTE! BYE
BINABASA MO ANG
One Shot Collection
Short StoryAll rights reserved. © 2013-2014. Credits to the owners of the quotes and banats I posted here. ☠ uy salamat sa pagbabasa nito kahit na sobrang corny and if yung concept is paulit ulit lang. Highly appreciated 💯 u the best! 😘