Makabagong Confession (One Shot)

40.7K 693 50
                                    

"Makabagong Confession." (One Shot)

© kimkimmy16, wattpad2013.

[a/n: HAPPY NEW YEAR EVERYONE! START THE YEAR WITH A SMILE PLASTER ON OUR FACES! HAVE A GREAT NEW YEAR AHEAD! LOVELOTS, KIM =)]

Ayan nanaman siya, nakasalampak nanaman ang headphone sa may tenga niya habang nakapikit ang mga mata niya. Napatitig ako sa mukha niya. Ang gwapo niya. Hindi mo aakalaing may nabubuhay na taong kasing gwapo niya. Hindi ba dapat ilegal ang may ganiyang mukha? Baka mamaya may makasuhan sa salang rape.

Napatingin siya sa direksyon ko kaya naman kaagad-agad kong itiningin sa iba ang mga mata ko. Palagi na lang ganito ang ginagawa namin: Tititigan ko siya, pag napatingin siya sa akin sabay iwas ko naman. Hindi kaya nakakahalata na siya? Ay ewan.

Pumunta na ako sa cafeteria para i-meet ang best friend ko. Sigurado akong mag-aalburoto nanaman 'yon sa galit dahil sa pinaghintay ko siya. Pero alam ko namang alam na niya ang dahilan.

"HOPPPPS! WA'G MO NA AKONG PAGALITAN OKAY?" Inunahan ko na. Hindi pa handa ang tenga kong marinig ang nakakarindi niyang boses. Wa'g kayo ha.. Kahit ganiyan 'yan, mahal na mahal ko 'yan.

"Eto naman. Hindi naman kita papagalitan no. Alam ko naman kung bakit eh." sabay bigay niya sa akin ng knowing smile. Kahit kelan talaga 'to! Napaka.

"Wa'g mo nga akong ngitian ng ganiyan! Kinikilabutan ako eh."

"At ba't ka naman kikilabutan aber?" sabay taas pa ng kilay niya.

"Ewan ko. Para kasing may alam ka na hindi ko alam?" Para kasing sa likod ng mga ngiti niya eh may nakatagong kahulugan na hindi ko alam kung ano.

"Wushooo. Kyla, alam mong alam ko na may gusto ka dun kay Lester." Says who?!

"Halalalala?! Ikaw ha. Wa'g kang issue. Gumagawa ka nanaman ng kwento." Wala naman kasi akong gusto kay Lester. Lik duh? Wala nga ba? Haish ano ba naman 'to! Pati sarili ko, kinokontra ko. What the hell. Basta, hindi yong tipo niya ang ideal man ko.

"Aminin mo na kasi. Halata ka naman eh. Ba't mo naman kasi siya palaging tinititigan kung wala lang naman 'yon?" Si Girly talaga. Napapaisip tuloy ako.

Ba't ko nga ba siya palaging tinititigan? Basta, hindi siya ang ideal man ko.

"Siguro kasi agaw pansin siya. Palagi na lang kasing nakasalampak 'yong headphone niya tapos palagi pang nakapikit 'yong mata niya." Ninanamnam siguro 'yong music. Hehe.

"Alam mong hindi lang 'yan ang dahilan. Wa'g kang in denial please." Tignan mo 'to. Hindi ko naman talaga alam ang dahilan. At 'yong mga sinabi ko kanina, 'yon lang ang naiisip kong pwedeng dahilan kung bakit. Hayy. Saka, ano naman ang dinedeny ko? Pasabi naman sa akin kung anoman 'yon.

"Ewan ko sa'yo. Hindi ko alam kung ano ang gusto mong ipahiwatig." sabay tayo ko para umorder ng makakain. Sumunod naman siya sa akin ng napapailing.

^&**((%$#@@-------------

"Turn your book on page 2---" Ayan nanaman si Ma'am. Hindi ba pwedeng pagpahingahin muna niya kami? Palagi na lang aral ng aral. Nakakainis.

Napatingin ako sa katabi ko. Ayan nanaman siya. Nakasalampak ang headphone at nakapikit. Buti na nga lang at hindi napapalingon 'yong teacher namin sa may gawi namin eh. Kundi, patay siya pag nagkataon. Kung tapikin ko kaya siya? Oo tama. Hindi naman siguro masama. Nagmamagandang loob lang ako para hindi siya mapagalitan.

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon