Ikaw pa rin (one shot)

23.1K 264 75
                                    

“Ikaw pa rin.” (One Shot)

© kimkimmy16, wattpad2012.

 

PS: GUYS.... THIS IS NOT A TRUE STORY, K?

I'M TIRED OF ANSWERING YOUR QUESTIONS ONE BY ONE. XD

AND BESIDES, I DON'T HAVE ANY FREAKING EXPERIENCE! -____-

ARE WE CLEAR NOW? HAHAHAHA. [CHOS :P]

_____________________________________

Naranasan nyo na ba na may isang taong nakipagbreak sayo?

'yong tipong hindi naman nya sinabi sayo kung bakit?

Nang dahil doon napapaisip ka kung ano ang pagkukulang mo?

Nang dahil dun sa unknown reason na 'yon ay hindi ka makapagmove on?

Na minsan tinanung mo sa sarili mo na... Bat sya pa rin? Hirap noh?

Basahin nyo na lang. ;)

_____________________________

"BREAK NA TAYO." Nagulantang ang mundo ko nang sinabi nya ang salitang ayaw kong marinig na nangagaling sa kanya. Halos hindi na ako makapagsalita at parang naparalize na lang ang katawan ko. Ano ba Cindy?! Say something...

"Bakit? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?" Yan ang lumabas sa bibig ko. Biruin nyo naman... Parang kahapon lang ang saya saya namin... tapos sinabi nya pang mahal nya ko... Tapos itong word na to ang maririnig ko sa kanya? Ang sakit lang eh.

"Bastaa..." Lintek na sagot na yan...

"Nakikipagbreak ka nang hindi mo sinasabi sa akin ang rason? Letseng basta na yan!!" After kong sabihin 'yon... Tumakbo na ko... Kasi I know... Malapit nang bumagsak ang kanina ko pa pinipigilang luha. Peste ka, Dylan...

Takbo lang ako nang takbo... Ni hindi ko nga alam kung saan ako pupunta eh. Masakit. Sobrang sakit pala. Dati napapanuod ko lang toh sa tv ngayon sa akin na mismo nangyayare.

Akala ko... Hindi nya ako sasaktan. Kasi sabi nya never nyang gagawin iyon. Pangako nya iyon eh. Akala ko ako lang ang mamahalin nya. Pangako nya iyon eh. Akala ko kami na forever. Kasi sabi nya never kaming maghihiwalay. Pangako nya din sa akin iyon eh. Shit lang.

Pesteng AKALA YAN!! At pesteng mga pangako iyan! Sa kakatakbo ko napadpad ako sa park. Dun ako nag-iiiyak. Mukhang tanga nga lang ako eh. Pinagtitinginan na ako ng mga tao dito pero wala akong pakielam. Eh sa nasasaktan ako eh.

Inabot ako hanggang gabi dun, kakaiyak. Umuwi na din ako nang mahimasmasan ako. Baka mamaya nag-aalala na ang mga magulang ko sa akin eh. Pagkadating ko sa bahay.... mga tinatanung nila ako pero hindi ako sumagot. Dumiretso na lang ako sa kwarto ko at naglock ng pinto. Katok nga sila nang katok pero hindi ko na lang sila pinansin. Umiyak lang ako nang umiyak. Hindi ko namamalayan... nakatulog na pala ako.

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon