Cyber Love (one shot)

23.3K 217 5
                                    

“Cyber Love.” (One Shot)

© kimkimmy16, wattpad2012.

---------------------------------------------------------------------------------------

Ang mga magulang natin palaging nagagalit pag gumagamit tayo ng computer.

Kesyo wala daw magandang maidudulot sa atin ito. Na makakasama ito sa kalusugan natin. At marami pang iba.

Hindi naman talaga masamang gumamit ng computer e.

Syempre may magandang naidudulot naman ito sa atin.

Kagaya ng, hindi na natin kailangan pang pumunta sa library para lang magresearch. I google mo lang un, tapos na! Hindi pa time consuming.

Nakakapagcommunicate ka sa mga taong malayo sayo. Halimbawa, may kapamilya kang nasa ibang bansa. Pwede mo na lang syang sendan ng email tapos marereceive na nya un. Pwede mo syang i-chat. Tsaka dahil sa computer, mababawasan ang pagkamiss mo sa kanila. Marami pang iba pero hindi ko na iisa-isahin.

Sa mga sinabi ko na yan, wala dyan ang rason ko kung bakit gustong gusto kong nagbababad sa computer.

Kasi ng dahil sa computer, nagkalove life ako. Akalain nyo un?

Curious ba kayo kung paano? Basahin nyo na lang =)

------------------------------------------------------------------------------------------

'Hi.' chat sa akin ni Mysterious chatter ko. Ayaw nya sa aking magpakilala e. Basta ang palagi lang nyang sinasabi sa akin ay kilala ko daw sya.

'Hindi ka pa ba talaga magpapakilala sa akin? Ang tagal na rin nating magkachat e.' reply ko sa kanya. Oo, matagal na kaming magkachat. More than one month na ata pero hindi ko pa rin sya kilala. I mean, di ko pa rin alam ang real name nya. Nagtatago sya sa anonymous username nya na 'Banana'. Nakakatawa no? At first natawa rin ako kasi sino ba namang matinong tao ang gagamit ng ganyang klaseng username?

'Hwag kang masyadong atat. Don't worry, malapit na. ;)' magrereply na sana ako kaso nagchat nanaman sya sa akin.

'Musta na pala?' pagtatanong nya.

'Ayos naman. Ikaw ba?'

'Ayos lang rin naman.' and the chat goes on and on. Usual, topic sa chat. Kamustahan, kwentuhan at marami pang iba. Pero ang ipinagtataka ko naman e kung bakit hindi kami nagsasawa sa ganung topic.

Nagbubye na ako sa kaniya since pinapapatay na ni mommy ung laptop ko. Masyado na daw akong adik. Hindi naman.

Ay hindi pa pala ako nagpapakilala! Ako si Barbie Forteza. Pwede nyo kong tawaging barbs since un naman ang palaging tinatawag sa akin ng mga friends ko.

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon