"Love Test." (One Shot)
© kimkimmy16, wattpad2012.
December 9, 2012. (trip ko lang lagyan ng date kung kelan ko sinulat. moahahaha ^O^)
:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::eto na!::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
FR.: Baby Ko,
Hi. Let's meet at the nearby cafe. 5:00 sharp.
Ba't naman kaya niya gustong makipagkita? Siguro namimiss na ako nito! Pero, kakakita pa lang namin kanina ah. Di bale..
TO: Baby Ko,
Sure. :) You miss me that much, eh?
Hinintay ko ang reply niya pero walang dumating. Baka naman nag-cr lang 'yon. O kaya naman lumabas ng bahay ng hindi dinadala 'yong cellphone niya. Naligo na ako at nagbihis. 4:00 na rin naman nun. Ayaw ko namang magpalate dahil hindi uso sa akin 'yon.
Saktong 4:45 ng matapos ako. Naglakad na lang ako papunta ng cafe dahil malapit lang naman 'yon sa amin. Mga 10 minute-walk.
Habang papunta ako dun, marami akong naiisip. Ano naman kaya ang dahilan at biglang gusto niyang makipagkita sa akin? Kakakita pa lang namin kanina. Hindi kaya... Imposible. Hindi. Hindi pwede 'yong naiisip ko. Napaparanoid nanaman ako.
Pumasok na ako ng cafe at hinanap siya. Hindi naman ako nahirapang hanapin siya dahil kabisado ko na ang bawat features niya. Napangiti ako ng makita ko siya. Hay. Ang sarap talagang ma-in love. Lalong lalo na kung kagaya ni Dane ang mamahalin mo.
I sitted accross from his seat.
"Ba't mo nga pala gustong biglang makipagkita?" As far as I know, kakakita pa lang naming umaga dahil pinuntahan niya ako sa bahay at nagmovie marathon lang kami.
"Kate, I want a break-up." My jaw literally dropped.
Naiiyak ako. Taeng 'to oh. Ba't naman niya gustong makipagbreak? May nagawa ba akong mali?
"Bakit?" Tanong ko habang pinipigilang pumatak ang luha ko.
"Gusto ko lang." WOW. Ang galing. Amazing. Gusto niya lang.
"Okay. You want a break-up? Goodbye then." Pagkatayo ko, parang nakita kong nasaktan siya sa sinabi ko? Oh c'mon. Papaanong mangyayari 'yon eh diba, siya naman ang may gusto? I shook that thought away and just exited the cafe.
Gusto kong maiyak na ayaw lumabas ng luha ko. Taeng buhay naman 'to o-oh. Hindi ako dapat umiyak. Oo. Hindi ako iiyak. Hindi niya deserve ang luha ko. Tama hindi ako iiyak. Instead, magmomove on na lang ako. Kaya ko 'yan. Ako pa? Nabuhay nga ako dati na wala siya sa buhay ko papaano pa kaya ngayon? Okay nga lang ako dati nung wala siya, syempre magiging okay din ako ngayon no. Strong kaya ako!
AFTER 5 MONTHS.
Naglalakad ako sa park. Ewan ko nga kung bakit ako nandito ngayon eh. Nakatingin lang ako sa may paa ko kaya naman hindi ko napansin na may nabunggo na pala ako.
"Sor--" Shit. Si Dane.
"Oh, hi Kate." Ba't parang okay na lang sa kaniya ang lahat? Ba't parang hindi siya nasasaktan? Ba't parang nakamove on na siya? Oh c'mon Kate, siya naman kasi ang nakipagbreak. Malamang sa malamang eh nakalimutan ka na niyan.
"Hi Dane."
"Kamuta ka na?" At may gana pa siyang tanungin 'yan pagkatapos ng lahat ng ginawa niya? Kate, huwag kang mag pakabitter please.
"Eto masaya." Okay. Ako na ang sinungaling. Alanganamang sabihin ko sa kaniya na, eto nalulungkot at nasasaktan pa rin. G*go ka kasi. Syempre may pride pa rin akong pinanghahawakan. At oo, tama kayo ng iniisip. Hindi pa rin ako nakakamove on. Ang shit no?
"Buti ka pa masaya." Hu. Buti nga sa kaniya. Ay Kate ang sama mo naman. Huwag kang ganiyan!
"Bakit naman? Hindi ka ba masaya?" Nacucurious ako eh. Akala ko pa naman ang saya saya na ng love life niya. Akala ko sobrang nagpoprogress na. Akala ko kaya siya nakipagbreak dahil may bago na siyang mahal.
"Hindi eh. Paano kasi, binigo mo ako." At siya pa ang may ganang magsabi ng ganiyan sa akin? Ang kapal naman talaga ng mukha niya.
"At ako pa talaga ako bumigo sa'yo ha? Oh c'mon. Gusto mong makipagbreak kaya naman binigay ko kung ano ang gusto mo." Totoo naman. Binigay ko kung ano ang hinihingi niya.
"'Yon na nga eh. Binigo mo ako. Tinetest ko lang nung mga oras na 'yon kung gaano mo ako kamahal. Kaso hindi ka nakapasa dahil hindi mo ako pinaglaban. Hindi mo ipinaglaban ang pagmamahal mo sa akin." After he said that, he walked away.
Napayuko ako. Ang tanga ko. Ba't nga ba hindi ko siya pinaglaban?
*The End*
BINABASA MO ANG
One Shot Collection
Short StoryAll rights reserved. © 2013-2014. Credits to the owners of the quotes and banats I posted here. ☠ uy salamat sa pagbabasa nito kahit na sobrang corny and if yung concept is paulit ulit lang. Highly appreciated 💯 u the best! 😘