'Pag lumingon ka... (one shot)

30.3K 443 36
                                    

"'Pag lumingon ka..." (One Shot)

© kimkimmy16, wattpad2012.

--

Bakit kasi lahat ng taong magugustuhan ko ay ang isang taong alam kong hinding hindi ako magugustuhan? Ang cliche hindi ba? Common na 'tong nangyayari. Magugustuhan ni girl si guy. Aakalain ni girl na walang gusto sa kaniya si guy. Mag-eemote si girl. In the end, marerealize ni girl na gusto pala siya ni guy dahil nagconfess ito ng pag-ibig sa kaniya. Sus. Sa stories, movies lang naman nangyayari ang ganiyan. At sinasabi ko sa inyo. Malabong mangyari sa akin.

"Pau. Pasama naman sa library oh?" Tinignan ko ang ever loving best friend ko. At tumango. Siyempre chansa ko na 'to para makita siya. Si, James. Madadaanan kasi namin ang room nila papuntang library.

"Ano bang gagawin mo dun sa library? Mag-aaral ka nanaman? Take a break par!" Masyado kasi 'tong studious. We're totally opposite. Ako kasi, tamad mag-aral.

"May assignment pala kami sa civics eh nakalimutan kong gawin."

Papalapit na kami ng papalapit sa room nila. Kinakabahan ako na ewan. Sana naman mapansin niya ako. Sana lingunin naman niya ako. Never niya pa kasi akong nilingon! Huhuhu.

"Uy Lea, pasabi naman sa akin kung ano, alam mo na kung tinignan ba niya ako o hindi basta 'yong ganun. Basta tignan mo lang kun--" Tama ba namang putulin ako? Hindi pa nga ako tapos magpaliwanag eh!

"Oo na! I get it. Masyado kang maraming sinasabi. Pwede namang sabihin mo na lang na 'tignan mo kung tumingin siya sa akin ha'?" Oo nga naman!

"Ah basta, tignan mo ha. O ayan na. Malapit na tayo." inayos ko 'yong itsura ko. Sinuklay suklay ko pa ang unat na buhok ko gamit ng kamay ko. Inistraight ko ang straight ko na uniform at humingang malalim.

Sa pagdaan ko sa may room nila, naririnig ko ang boses niya. Boses na hindi ka magsasawang pakinggan. Nagiging corny na ako! >o<

Siniko ako ni Lea sabay bulong, "Tinignan ka niya." Halos tumalon ang puso ko sa nalaman ko. Sa unang pagkakataon, tinignan niya ko. Oh c'mon Pau, don't get your hopes too high. Malay mo napatingin lang pala siya.

"Baka naman napatingin lang siya." Masamang masama pa ang loob ko habang sinasabi ko 'yan.

Hindi kalayuan ang library kaya nakarating kami agad. Nagsign lang kami ng pangngalan dun sa record book nila tsaka dumiretso sa loob.

Naupo lang ako sa unahang table. Hindi ko na balak samahan pa si Lea dahil hindi ko naman alam kung saan nakalagay ang kailangan niya.

Ba't ba kasi ako tinamaan ng ganito sa kaniya? Papaanong nangyari 'yon? Tao ba talaga siya o reincarnation ni Adonis?

~*~ ~*~ ~*~ ~*~

"Ma'am! may I go to the restroom?" tumayo kaagad ako pagkasabi ko niyan. Hindi naman talaga ako magrerestroom. Gusto ko lang umalis dun sa room. I need a fresh air.

Sa paglalakad ko sa hallway, nakasalubong ko siya. Si James. Kaagad kong inayos ang itsura ko at umarte na parang normal lang ang lahat. Na kunwari, wala lang siya sa akin. Na kunwari hindi ako apektado sa presensya niya.

"Hi Pau." Nagulat ako ng batiin niya ko. Pero ang pinakapumasok sa isip ko, kilala niya ko! Kilala niya ako! Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko

"Hello James!" Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Feeling ko pupwede na akong kuhain ni Lord!

"Saan ka pupunta?" Ay shiz! Ihahatid ba niya ako? Ang landi ko naman. Hahaha.

"Sa puso mo." Napalaki ang mata ko! Nasabi ko lang ba talaga 'yon? Lumabas ba talaga ang mga salitang 'yon sa bibig ko?! Namula naman ako kaagad nun.

"A-Anong sabi m-mo?" tanong niya sa akin na medyo nauutal. I heaved a deep sigh--which I didn't know I was holding. Buti na lang at hindi niya naintindihan!

"Ah-eh s-sa washroom." Buti na lang talaga! Sa susunod talaga tatahiin ko na ang bibig ko para tumigil sa kakasalita.

"Sige. Una na ko ha?" Umalis na siya pagkasabi niya niyan. Ang kaibahan lang, nakangiti siya. Toothy grin. Shiz. Ano'ng nangyari sa kaniya?

Bumalik na ako sa room. Laking tuwa ko nga dahil umalis na 'yong science teacher namin.

"Ba't ang tagal mo?" Napalingon ako kay Lea sabay ngiti.

"Leaaaaaaa! Kilala niya ako! Kinausap niya ako kanina!!!" pasigaw kong bulong sa kaniya. Golly! Kinikilig ako!

"Oh easy, may bukas pa! Hahaha."

~*~ ~*~ ~*~ ~*~

Ang sakit sa mata ng nakikita ko. Si James, may kayakap na babae. Humahapdi ang mga mata ko. Alam ko naiiyak ako. Hindi ako pwedeng maiyak ngayon. Naramdaman ata ni James na may nakatingin sa kanila kaya naman lumingon sila. Nanlaki 'yong mata ni James ng makita niya ako. Tumakbo na kaagad ako papaalis ng school.

Ba't ba ako nasasaktan? Crush ko lang naman siya ah.

Tsaka, may karapatan ba ako? Wala naman hindi ba? Wala akong karapatan dahil wala naman ako sa kaniyang pinanghahawakan.

Dumiretso ako sa park at naupo sa swing. Ang sarap ng simoy ng hangin. Dun na nga ako sumabog. Naiyak na ako. Ang puffy na nga ng mga mata ko. Feeling ko nag gain ng wait ang mata ko. Ang bigat eh. Tatayo na sana ako kaso may biglang nagsalita.

"Pau, 'paglumingon ka, akin ka na." Kilala ko ang boses niya. Kilalang kilala. Lumingon kaagad ako para maconfirm kung tama nga ang hinala ko. At tama nga ako. Pero bakit naman niya sinabi 'yan?

Nakita ko ang saya sa mga mata niya nung lumingon ako. What did he mean by that? Bago ko pa maitanong, sinagot na niya kaagad. "Mahal kita Pau." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Pero paano 'yong kasama niyang babae? Tatanungin ko na sana siya kaso inunahan nanaman niya ako. Para bang nababasa niya ang iniisip ko. "'Yong nakita mo kanina, wala lang 'yon. Kinomfort ko lang siya dahil, naghiwalay na sila ng boyfriend niya."

"Ba't ka nageexplain sa akin? Eh ano naman kung kinomfort mo lang siya?" Dumadaloy pa rin sa akin ang dalagang Filipina no.

"Alam ko may paki ka. Sa sagot mo pa lang kanina nung nakita kita. Sa tingin mo pa lang sa amin nang makita mo kaming magkayakap. Alam ko may paki ka." teka, ano'ng sagot kanina?!

"Ano'ng sagot kanina?" Hindi ko talaga alam. Wala akong maalala =_______=

"Nung tinanong kita kung saan ka pupunta, sabi mo sa puso ko." Namula naman ako sa sinabi niya! Shiz. Narinig niya pala?! Nakakahiyaaaa!

"Nakakainis ka naman eh! Sabi mo hindi mo narinig?!" Nakakahiya talaga!

"Wala akong sinabing hindi ko narinig. Pinapaulit ko lang 'yong sinabi mo. Ang sarap kayang pakinggan!" WAAAAAAAAAAAH! Ba't ba ganito ang pinag-uusapan namin? EHHHH! Kinikilig ako!

"Manahimik ka nga." sabi ko na lang sa kaniya.

"Pano ba 'yan, akin ka na?"

"Hindi mo ako pag-aari." sabay dila ko sa kaniya.

"Lumingon ka, kaya akin ka na!" sabay kiliti niya sa akin.

"Lumingon ako kasi alam ko ikaw 'yon. Kung ibang tao 'yon aba'y, hinding hindi ako lilingon. Ayaw ko nga sa isang stranger." pageexplain ko sa kaniya.

"Dapat lang!" Kainis naman! Kinikilig talaga ako!

"Mahal kita, James!"

"Mas mahal kita, Pau"

********************************************************************************************

K. PAGPASENSYAHAN. BORED LANG TALAGA AKO! SINIPAG PA! HAHAHAHAHA. VOTE AND COMMENT NAMAN KAYO OH? ALAM KO PANGIT PERO PLEASE?! WITH CHERRY ON TOP? *O*

AGAIN, VOTE AND COMMENT! :DD x

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon