"Akala ko..." (One Shot)
© kimkimmy16, wattpad2012.
-
AKALA.
Maraming nalilinlang sa akala.
Maraming nasasaktan sa maling akala.
Akala mo, mahal ka niya, 'yon pala, hindi.
Akala mo, importante ka sa kaniya, 'yon pala, hindi.
Akala mo, hindi ka niya iiwan, 'yon pala, iiwan ka niya.
AKALA AKALA AKALA AKALA AKALA. MALING AKALA.
Nakakainis no? 'Yong tipong mali ang lahat ng naiisip mo. Mali ang lahat ng inaassume mo. Kaya ang lesson, HUWAG MAG-EXPECT. Masakit sa pakiramdam na mapatunayan na mali ang inaassume mo. At least, kung hindi ko masyadong mag-eexpect, konti lang ang sakit na mararamdaman mo.
~*~ ~*~ ~*~
"HAHAHAHA! T-Tam-a n-na! HAHAHAHAHA!" Mangiyak ngiyak na ako sa katatawa dahil kinikiliti ako ni Gio.
"Hindi ako titigil hanggang sa sabihin mo na ang pogi ko." Kahit kailan talaga napaka kapal ng mukha! Hahahaha! Don't get me wrong, pogi naman sa kaniya. I mean, sobrang pogi kaso masyadong conceited. Sinabihan ko lang ng isang beses na pogi siya, lumaki ulo. -_-
"Nah-uh never." Kasabay ng pagkasabi ko niyan, ang pagkiliti ulit sa akin ni Gio. "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! T-tama n-na HAHAHAHAHA! k-kasi! HAHAHAHAHA! O-Oo n-na! HAHAHAHAHA. A-Ang HAHAHAHAHA! P-pogi m-mo HAHAHAHAHA! G-Gio."
"Good Girl, Jia." Ginawa pa akong aso! -________-
"Che!" sabay punta ko sa circle of friends ko na kanina pa pala kami pinapanuod. Nakakahiya naman! Nakita pa talaga nila ang kabaliwan namin.
Hindi kami magbest friend. Hindi rin kami friends. Ay ewan! Ang gulo ng relationship namin ni Gio. Basta dumating na lang sa punto na medyo nagiging close na kami. Friends siguro? Siguro nga.
"Ba't ganiyan kayo makatingin?" =_= Makatingin naman kasi, parang sinusuri akong mabuti. Naconscious naman daw tuloy ako sa itsura ko.
"Kailan pa kayo naging close ni Gio?" Pagsisimula ni Yeng.
"Uhm, hindi ko alam."
"Ano'ng hindi mo alam?" Hindi ko naman talaga alam!
"Hindi ko alam kung kailan kami naging close?" nasabi ko 'yan na patanong. Ba't naman kasi ganun makatanong? Akala mo isa akong suspect at sila ang pulis.
"Hindi mo alam? Nagkikilitian kayo kanina. Daig niyo pa ang magshota." namula naman ako sa sinabi ni Daisy. M-Magshota?
"Hindi ah! Ganun lang naman ata talaga siya." Hindi ko siguradong sabi. Hindi ko pa naman kasi siya nakikita na makipag-usap sa ibang babae. Kaya, I am completely clueless.
"Sabi mo eh." Alam ko hindi pa rin sila naniniwala sa sagot ko. Eh ano'ng gusto nilang marinig? Nagsimula na kaagad ako ng bagong topic para naman mabaon na sa limot 'yong tungkol sa amin ni Gio.
~*~
Naglalakad lang kami ngayon pauwi. Mas masaya kasing umuwi ng bahay kasama ang mga kaibigan mo. Tawanan dito. Tawanan doon. Kulitan dito. Kulitan doon. Asaran dito. Asaran doon.
Nagulat ako nang biglang may nagtakip sa mata ko kaya naman medyo napatalon ako. Narinig ko namang natawa silang lahat sa reaksiyon ko. Sila kaya ang biglang takipan ng mata?! =________=
BINABASA MO ANG
One Shot Collection
Storie breviAll rights reserved. © 2013-2014. Credits to the owners of the quotes and banats I posted here. ☠ uy salamat sa pagbabasa nito kahit na sobrang corny and if yung concept is paulit ulit lang. Highly appreciated 💯 u the best! 😘
