"Sabi niya." (One Shot)
© kimkimmy16, wattpad2012.
::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::BASAAA::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
"Wacky, kailangan ko ng tulong mo." Nahihirapan na kasi akong i-carry 'yong mga books na daladala ko. Kung bakit naman kasi sa lahat ng estudyante, ako pa ang napiling utusan. Ang dami-dami namang boys dito sa school.
"Oh ano nanaman ang maitutulong ko? Palagi mo na lang akong inuutusan." At nagreklamo pa ang loko. Nako. Pasalamat siya at crush ko siya. Nakita ko naman si Brent na naglalakad papaakyat sa classroom namin. Sa kaniya na nga lang ako magpapatulong.
"Oh eh di hindi na lang. Psh. Oy Brent pat---"
"Ano nga kasi 'yon?" Tamo 'to. Hindi na nga ako sa kaniya hihingi ng tulong tapos nag-iinsist pa siya ngayon. Mga lalaki talaga, hindi mo maintindihan ang takbo ng utak.
"Hindi mo ba nakikita 'tong dala dala ko?" Sura.
"Syempre nakikita ko. Kung hindi mo alam, may mata ako." Nakoooo. Nakakainis! Nabibigatan na nga ako't lahat lahat, nakikipagtalo pa. Pasalamat talaga siya...
"UGH! Di bale na nga lang. Ako na lang ang magdadala nitong lahat na MGA MABIBIGAT NA BOOKS." Diniinan ko talaga 'yon para malaman niya. Bigla siyang napatingin sa dala dala ko. Talagang hindi niya nakita? =________=
"Amina nga. Baka mamaya hindi ka na tumangkad sa bigat niyang dala dala mo." Parang sinasabi naman niyang maliit ako. Aminado naman akong maliit ako. Huwag naman sana niyang ipamukha. Ginagawa ko na ngang tubig 'yong cheriffer para tumangkad na ko. Hahahaha. De, joke lang.
Binigay ko na sa kaniya 'yong kalahati ng mga dala ko at nagsimula na akong maglakad papalayo.
"Ako na nga magdadala lahat eh. Amina." Sabi ko patulong lang. Hindi ko naman sinabing siya magdala ng lahat ah?
"Di na. Nakakahiya naman sa'yo."
"Nako Thea, di bagay ha. Sa araw-araw na ginawa ng Dios hindi bagay sa'yo ang nahihiya sa dinami-dami ng favor na nahingi mo sa akin." Ay ganon? Tss. Nagtataka siguro kayo. Kahit naman crush ko siya hindi naman ako masyadong naiilang. Dahil na rin siguro sa medyo close kami. Saka hindi siya exception no. Hahaha. Saka, ganito naman ako sa lahat.
"Oo na. Oh eto na lahat. Dalhin mo ha. Iintayin na lang kita sa room! BYE!" Sabay takbo ko papuntang room. Hahahaha. Lumingon ako para makita ang mukha niyang gulat na gulat. Hahahaha. Ginusto niya 'yan eh.
Ang pogi talaga nung itsura niya nung nagulat siya. hahaha. Nakakainlove. Joke. De, hindi joke 'yon. Ay joke pala. Ay ewan.
~~~~~*****~~~~~
"Wacky, umamin ka nga. Nakadrugs ka ba?" Nanlaki naman ang mata ko sa narinig ko. Oy. Hindi ako chismosa ha. Sadyang napadaan lang ako kaya naman narinig ko. Inosente ako paramis!"Upakan kaya kita? Ba't naman ako magdadrugs?"
"Ewan ko sa'yo. Ba't ba high ka ngayon? Secret lang naman natin. Ano? Nagdadrugs ka?"
*PAAAAAK!
"Aray naman pare. Wala namang ganiyanan. Baka mamaya niyan hindi na kita makilala sa sobrang lakas ng banat mo."
"Mga nalalaman mo kasi eh no. Besides, why would I pollute myself from those drugs when I only need is her smile to make me high?" Awtsa. Ang sakit. Ba't naman ako nasasaktan eh crush ko lang naman siya. Tss. Ah basta 'yan ang napapala ng nag-eevesdrop eh. Sino naman kaya 'yong babae na 'yon? She's one heck of a lucky girl.
"APIR NAMAN TAYO WAX! MGA BANAT MO TALAGA EH NO. Sino naman 'yong babae na 'yan ha?"
"Si T--"
"Thea!" Napalingon ako kay Abby na kumakaway kaway pa. Ano ba naman 'to o-oh. Wrong timmming. Kung kailan sasabihin na niya kung sino ba 'yong mapapatay ko sa panaginip eh. Hehehe. Joke lang. Hindi ako mamamatay tao no.
Narinig kong tawa ng tawa si Wacky.
"SIYA PRE!" Napatingin ako kay Nate--'yong kausap niya kanina. Na naguguluhan. Mga 2 minutes siguro siyang ganun bago niya narealize kung ano 'yong sinasabi ni Wacky.
"Siya pre?!"
"Oo. Hahahaha. Siya 'yong drugs ko." Sino?!
"Thea naman. Pansinin mo naman ako. Kanina kumakaway ako ni hindi ka man lang kumaway pabalik." Wrong timming ka kasi.
"May iniisip lang." Sino ba kasi 'yong drugs daw niya?
~~~~~****~~~~~
Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip ko kung sino ba 'yong babaeng gusto ni Wacky. Wrong timming naman kasi si Abby eh.
Nagfe-facebook lang ako ng biglang may nagpost sa wall ko.
"Oy. Ikaw daw ang drugs ni _ _ _ _ _. Pinapasabi niya." Sino naman kaya 'to? May pa drugs drugs pang nalalaman. Eh kung sipain ko kaya 'to? Pamysterious mysterious effect pa ang loko. Sino ba 'yan? Magrereply na sana ako kaso may nagpost nanaman sa wall ko.
"Uy. Mahal ka daw niya. Pinapasabi ni _ _ _ _ _." Sino ba 'yang tao na 'yan? Ngayon naman mahal. Hay. Kaloka. Magtatype na ulit sana ako kaso may nagpost nanaman.
"Oy. Ikaw daw ang drugs ni _ _ _ _ _. Pinapasabi ni tooots." Ngayon naman toots. May nagpost nanaman. Hanggang sa mapuno ang wall ko ng puro ganun lang ang nakasulat. Sino ba talaga 'to.
"Oy. Ikaw daw ang drugs ni _ _ _ _ _. Pinapasabi niya."
"Oy. Mahal ka daw ni _ _ _ _ _. Pinapasabi niya."
"Oy. Ikaw daw ang drugs ni _ _ _ _ _. Pinapasabi niya."
"Oy. Mahal ka daw ni _ _ _ _ _. Pinapasabi niya."
"Oy. Mahal ka daw ni _ _ _ _ _. Pinapasabi niya."*Wacky Delos Santos posted something on your wall.
*Dugdug Dugdug.
May abnormality na ata si heart. Tss. Ano naman kaya ang sasabihin nito? Baka naman mamaya kagaya rin nung iba. At tama nga ako.
"Oy Thea. Mahal ka ni
ako. Pinapasabi ko. :">"
Ako ang drugs niya? Lord, why are you so good to me?! Eh ba't ang saya ko?! Shit. Kinikilig ako. Hahahaha! :"""""""""">*Wacky Delos Santos Posted something on your wall.
"AT, IKAW DAW ANG DRUGS NI
AKO."
BINABASA MO ANG
One Shot Collection
Short StoryAll rights reserved. © 2013-2014. Credits to the owners of the quotes and banats I posted here. ☠ uy salamat sa pagbabasa nito kahit na sobrang corny and if yung concept is paulit ulit lang. Highly appreciated 💯 u the best! 😘