“Ice ka ba?” (One Shot)
© kimkimmy16, wattpad2013.
*
“Ice ka ba?” Inirapan ko naman si Joshua. Paulit-ulit na lang kasi niyang itinatanong sa akin ang linyang ‘yan.
“Hindi,” sagot ko sa kaniya dahilan para mapakamot siya sa ulo niya.
“Sabihin mo kasi bakit,” reklamo niya sa akin.
Di ko na lang siya pinansin at iniwan ko na lang siya doon. Marami pa akong dapat gawin.
Sa classroom ako dumiretso para gawin ang assignment na nakalimutan kong gawin sa bahay. Iba na talaga ‘pag likas na tamad. Hehe.
“Oy Cynthia,” tawag sa akin ni Dindi.
“Bakit?” sagot ko sa kaniya nang hindi tumitingin.
“Oh, kopya ka na lang sa akin,” aba! Sino ba naman ako para tanggihan ang grasya?
“Inihulog ka talaga ng langit!” sabay kuha ko sa assignment niya. Hahaha!
*
Pauwi na ako sa bahay kaso ‘pag nga naman minamalas ka o-oh.
“Ice ka ba?” Ayan nanaman po tayo.
“Di,” sabay takbo ko papaalis. Malapit lang kasi ‘yong bahay namin sa school.
Nagbeso lang ako kila mommy saka umakyat sa taas. May project pa kasi akong gagawin na ipapasa next week. Mabuti nang gawin ko na ngayon kesa magahol nanaman ako.
Binuksan ko ang laptop ko at inopen muna ang fb ko.
*TING*
Joshua: ‘Ice ka ba?’
Ugh. In-off ko ‘yong chatbox ko at hindi na lang pinansin ang tanong niya. Nakakairita na rin kasi.
*
“Nakita mo ba si Dindi?” tanong ko kaagad sa kaklase ko nang makarating ako sa room.
Umiling naman siya. Siguro hindi pa dumadating ang isang ‘yon. Tss.
“Cynthia, ice ka ba?” Umirap na lang ako kay Joshua saka lumabas ng room. Haay. Sana naman tumigil na siya sa kakatanong niya nang walang kakwenta-kwentang bagay. Bwisit naman, oh.
*
Lumipas ang ilang araw at palagi pa rin akong tinatanong ni Joshua nang paulit-tulit na tanong. Kaya naman nasigawan ko siya nang hindi sinasadya.
BINABASA MO ANG
One Shot Collection
Short StoryAll rights reserved. © 2013-2014. Credits to the owners of the quotes and banats I posted here. ☠ uy salamat sa pagbabasa nito kahit na sobrang corny and if yung concept is paulit ulit lang. Highly appreciated 💯 u the best! 😘