Summer Like (one shot)

19.1K 174 20
                                    

“Summer like.” (One Shot)

© kimkimmy16, wattpad2012.

__________________________________

 "Summer, magready ka na. Paalis na tayo." si mommy. Haish, ayoko naman talagang umalis eh. Etoh lang talaga si mommy ang makulit. (-_-)

"Okay."

Oh sorry, di pa pala ako nagpapakilala. I'm Summer. 16 years old na ko. Obviously, summer ngayon and we're off to vacation in Boracay. Yeah right! Vacation. Sigurado namang mabobore lang ako dun. Eh kung hindi kami aalis eh di sana gagala na lang ako kasama ang barkada ko, mas enjoy pa.

--

Nakarating na kami sa Boracay. Masyado bang mabilis? Eh alanganamang ikwento ko pa sa inyo kung paano kami nakarating ng airport at kung ano ang ginagawa namin sa eroplano. -_-" Masyadong effort 'yon tsaka boring pa.

Andito ako ngayon, naglalakad lakad. Oo, tama kayo ng iniisip. Mag-isa lang ako. Sabi kasi nila mommy napagod daw sila sa byahe kaya ayon, magpapahinga daw muna sila. See? Sabi ko sa inyo magiging boring ang vacation na ito. Bat ba kasi hindi na lang nila ako ginawan ng kapatid, diba? Para naman may kasama ako ngayon.

Sa palakad lakad ko... napadpad ako sa isang fast food chain. Since kanina pa ako palakad lakad... Pumasok na ako sa loob. Umorder lang ako ng drinks dahil kanina pa ako nauuhaw tsaka busog pa naman ako. Naghanap ako ng vacant table. Grabe! Wala akong mahanap. Ang dami kasing kumakain ngayon. Kanina pa umiikot 'yong mata ko at may nakita akong lalaki, mag-isa lang naman syang kumakain kaya baka naman pwede akong makishare diba?

"Uhm, excuse me. Pwede pong makishare ng table?" Nako. Sana naman gentleman itong lalaking toh at payagan akong makishare ng table sa kanya.

"Yeah, sure." sabi nya tapos nagsmile sya. Shet! Ngayon ko lang napagtanto na pogi pala itong nilalang na toh. After nya akong payagang makishare ng table sa kanya naupo na ako. Ang tahimik nga namin eh. Hanggang sa sya na mismo ang bumasag ng katahimikan.

"Uhm, kadadating nyo lang ba dito?" pagtatanong nya.

"Oo eh, kani kanina lang... kayo ba?" sagot ko naman.

"Yep. Halos magkasabay lang pala tayo." sabi nya. Grabe! Ang bait nya. Diba, 'yong mga pogi ngayon kadalasan ang sasama ng ugali?

"Oo nga eh." sagot ko.

"So, ikaw lang mag-isa?" tanong nya. Ang daldal naman neto. Pero cool. At least hindi nagiging boring ang ambiance.

"Oo eh, sila mommy kasi nasa hotel pa nagpapahinga."

"Parehas pala tayo eh. 'Yong parents ko din nasa hotel lang." aba! Mukhang magkakasundo kami ah? Buti na lang at may karamay ako.

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon