Long time crush (One Shot)

102K 1.2K 127
                                    

"Long time crush" (One Shot)

© Kimkimmy16, Wattpad2014.

A/N: REPOST LANG PO ULIT!

ENJOY READING!!! =)

--

"Hi Julia."

'Yung nag-hi sa akin, siya si Jared, ang long time crush ko.

"Hello Red!" sabay kaway ko pa.

Mabait siya. Oo. Totoo 'yun. Hindi kasi siya snob. Basta makita ka niya, kakausapin ka niya.

"Gumaganda ata tayo ngayon ahh?"

Meron pa pala siyang katangian. Bolero siya. Hahaha! Pero kahit ganun siya, 'di ko pa rin maiwasan ang kiligin sa bawat pambobola niya.

"Nasa dugo na kasi namin 'yan. Hahaha," pagbibiro ko na ikinatawa niya.

Palagi lang ganito ang nangyayari. Bobolahin niya 'ko, bibiruin ko, at magtatawanan kami. Simple pero masaya na nakakakilig.

"Sabi ko nga. Sabay na tayong pumasok ng room?"

Tumango naman ako at sabay kaming pumunta ng room habang nagkukwentuhan.

Pagkapasok namin ng room, pumunta na kami sa designated places namin.

"Psst. Julia," tawag sa akin ni Keana.

"Oh?"

"Iba na ata ang namamagitan sa inyo ni Red ahh?" pangloloko niya sa akin.

"Hay nako Keana, how I wish. De, wala lang 'yun ano ka ba. Ganyan naman siya sa lahat, e," pagpapaliwanag ko.

'Yun nga lang ang nakakalungkot. Ganun ang trato niya sa lahat ng babae.

"Pero 'di naman niya sinasabayang pumasok ng room. Duh."

"Hay nako Keana, tumigil ka nga diyan! Nagkataon lang na nakasalubong ko siya sa hallway."

'Yan lang ang nakakainis sa iba. Masyadong binibigyan ng kahulugan ang mga bagay-bagay. Sila rin ang dahilan kung bakit minsan, napapaisip ako. Pa'no kung espesyal pala ako para kay Red? Kaso inaalis ko kaagad 'yan sa isip ko. Ayokong mag-assume.

"Sabi mo, e," at nanahimik na siya. Salamat naman.

--

"Vina, blooming ahh. In love ka ba?" narinig kong pamumuri ni Red kay Vina. 'Yung muse namin.

Sabi naman sa inyo, e. Ganiyan siya sa lahat.

"Oo in love ako. Sa'yo. Chos!" at nagtawanan sila.

Ang sweet naman nila...

Lalagpasan ko na sana sila kaso hinarang ako ni Red.

"Hello magandang binibini." Sabay bow pa niya na parang alipin.

Natawa naman ako dun. Sira ulo talaga. Hahaha.

"Hi pogs!" pagsasakay ko sa trip niya.

"Papunta ka na ba ng room niyan?" pagtatanong niya sa akin.

"Yep."

Bumaling naman siya kay Vina at sinabing, "Oh pa'no? Una na kami ha?" sabay kaway pa niya.

"Dapat 'di mo iniwan si Vina dun," sabi ko sa kaniya.

'Di naman niya kasi ako kailangang sabayan, e.

"Edi wala akong kasabay papuntang room."

"Duh, pwede ka namang sumabay kay Vina."

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon