"Hiling." (One Shot)
© kimkimmy16, wattpad2012.
***********************************************************************************************************
"Sydney, tayo na lang ulit please?"
...alam mo ba kung gaano ako kasaya simula ng sabihin mo sa akin ang katagang 'yan?
***********************************************************************************************************
Minsan di ko maiwasang isipin ka...
Lalo na sa t'wing nag iisa...
Ano na kayang balita sayo...
Naiisip mo rin kaya ako...
Simula nang ikaw ay mawala...
Wala nang dahilan para lumuha...
Damdamin pilit ko nang tinatago...
Hinahanap ka parin ng aking puso...
Parang kulang nga kapag ika'y wala...
Alam mo ba? Kahit na ano'ng pilit kong kalimutan ka, hindi ko magawa. Minsan nga, napapaisip ako. Kamusta na ba ang minsang naging mundo ko? Kamusta na ba ang minsang naging dahilan ng bawat ngiti ko? Naiisip mo pa ba ako? O di kaya naman, mahal mo pa ba ako?Kahit ano'ng pilit kong isipin na ayos lang ako 'pag wala ka, kahit pilit kong sinasabi na magiging ayos rin ang lahat, tinatraydor ako ng puso at ng luha ko.
Sabi ko magiging ayos ako. Sabi ko okay lang kahit wala ka. Sabi ko makakalimutan rin kita. Pero diba, sabi ko lang 'yon?
At hihiling sa mga bituin...
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin...
Hihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin...
Patungo...Pwede bang ako na lang ulit? Pwede bang ibalik na lang ulit natin 'yong dati? Pwede bang ako na ulit ang mundo mo? Pwede bang ako na lang ulit ang maging dahilan ng bawat ngiti mo? Kaso malabo dahil mukhang nakamove-on ka na. Mukhang ako na lang itong mukhang tangang umaasa pa rin na magkakabalikan tayo. Dapat lang naman sa akin 'to eh. Dahil ako ang nakipagbreak pero ba't ganto? Ba't parang ako ang mas nasasaktan? Kung pwede sana, tayong na lang ulit please?
Ala ala mong tinangay na ng hangin...
Sa langit ko na lamang ba yayakapin...
Nasan ka na kaya, aasa ba sa wala...
Ibinalik ko sa'yo lahat ng mga ibinigay mo sa akin noong 'tayo pa'. Ganun naman talaga ang palaging ginagawa ng mga nagbebreak hindi ba? Kahit na gusto kong itago para naman hindi ka tuluyang mawala sa buhay ko, ibinalik ko pa rin sa'yo. Mahal mo pa kaya ako? May aasahan pa ba ako? May lugar pa ba ako sa puso mo?At hihiling sa mga bituin...
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin...
Hihiling kahit dumilim...
Ang aking daan na tatahakin...
Patungo sa iyo, patungo sa iyo...
Kahit ano gagawin ko mapasa akin ka lang ulit. Lahat gagawin ko maging tayo lang ulit. Kaso, may patutunguhan ba ang 'lahat' ng gagawin ko para maging tayo ulit?Ipipikit ko ang aking mata dahil...
Nais ka lamang mahagkan...
Nais ka lamang masilalayan...
Kahit alam kong tapos na
Kahit alam kong wala ka na...
Sa panaginip na lang ba ulit mangyayari ang lahat? Gusto ko lang naman, makita kang muli. Gusto ko lang mayakap ka kahit sandali. Kahit sandali lang. Alam ko wala na tayo, pero pwede bang gawin ko ang lahat ng 'yon kahit sandali lang? Pagkatapos nun, promise, kakalimutan na kita. At least, gagawin ko ang lahat, makalimutan ka lang.At Hihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Hihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin
Patungo sa iyo, patungo sa iyo
Maraming salamat dahil tinupad mo ang hiling ko na 'yon. Ang maging tayo ulit. Akala ko, hinding hindi na mangyayari 'yon. Akala ko sa panaginip ko na lang ulit mararamdaman ang lahat ng 'yon.Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya simula ng bigkasin mo ang katagang 'yon. Ang katagang gustong gusto kong marinig na nanggagaling sa'yo. Ang katagang... "Sydney, tayo na lang ulit please?"
Naisip ko nanaman ang mga nangyari nung nakaraang linggo. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makaget-over sa nangyari. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Sa t'wing mapapakinggan ko na lang talaga ang kantang 'yon, bumabalik ang isip ko sa nakaraan.
"BEB!" Hindi pa rin ako makapaniwala na kami na ulit. Kami na ulit ni Jepoy.
"Hii." Bati ko sa kaniya pabalik.
Hindi pa rin talaga siya nabibigo na patibukin ng pagkabilis bilis ang puso ko, kagaya ng dati. Kaso, mas lumala lang ata ngayon.
"I love you." sabay halik niya sa pisngi ko.
"I love you more!" pakikipagtalo ko sa kaniya.
"I love you most!" Mukhang hindi 'to papatalo ha?
"Oo na. Para walang away, pantay na lang okay?" pakikipagkasundo ko sa kaniya.
"Sige, pero sa isang kondisyon." Ay? Parang bata naman 'to oh. Natawa na lang ako.
"Oh sige, ano 'yon?" Sakyan na lang natin. Hahaha.
"Bigyan mo ko ng POWERHUG!" sabay spread niya ng arms niya. Yinakap ko naman siya ng pagkahigpit higpit.
This time, hindi ko na siya papakawalan pa. Gagawin ko ang lahat para lang mas mapatagal pa ang relasyon namin. Hinding hindi ko na hahayaan pang mawala ang isang Jepoy sa buhay ko. Minsan na akong naging tanga. At hinding hindi na mauulit 'yon.
**********************************************************************************************************
VOTE AND COMMENT KAYO HA? NAPAPADALAS NANAMAN ANG PAGGAWA KO NG ONE SHOT! PASENSYA NAMAN. BORED NANAMAN AKO EH. IIMAGINE NIYO NA LANG NA PALAGING NASA LOOB NG BAHAY AT HINDI PUMAPASOK NG SCHOOL? WELL, BULPRISA NAMAN KASI NGAYON AT MAS GUGUSTUHIN KO PANG MATULOG NA LANG! HAHAHAHA. SANA MAGUSTUHAN NIYO! LABLAB!
BINABASA MO ANG
One Shot Collection
Short StoryAll rights reserved. © 2013-2014. Credits to the owners of the quotes and banats I posted here. ☠ uy salamat sa pagbabasa nito kahit na sobrang corny and if yung concept is paulit ulit lang. Highly appreciated 💯 u the best! 😘