"Aminan." (One Shot)
© kimkimmy16, wattpad2012.
"PUNO ANG LANGIT NG BITUIN! AT KAY LAMIG PA NG HANGIN! SAYONG TINGIN AKO'Y NABABALIW, GILIW AT SA AWITIN KONG ITO, SANAY MAIBIGAN MO! IBUBUHOS KO ANG BUONG PUSO KO! SA ISANG MUNTING HARANA, PARA S--"
"Grabe naman Alisha! Nakaligtas nga tayo sa end of the world, nagkanda basag basag naman ang salamin dito sa room!" Kantyaw ni Jerry.
"Ang epal mo rin no? If I know, inggit ka lang sa golden voice ko!" sabay dila ko sa kaniya.
"Ikaw may golden voice? Baka rusting voice." Ang sama naman neto!
"Ang sama mo! Alam mo 'yon?!" Nakakainis. Tagusan kung magsalita eh! Eh di ako na ang hindi maganda ang boses!
"Sa'yo lang naman ako masama eh!" At?!
"Napaka mo talaga eh no?! Inaano ba kita?! Ha?!"
"Wala! Nababanas lang ako sayo!"
"ABA?! WALA NA NGA AKONG GINAGAWA SAYO DIYAN TAPOS NABABANAS KA PA SA AKIN!? NI HINDI NGA KITA PINAPASIN DIYAN EH!"
"'YON NA NGA EH! HINDI MO AKO PINAPANSIN! TAPOS 'YONG IBANG TAO PINAPANSIN MO?! ANG UNFAIR MO ALAM MO 'YON?!"
"AT ANO NAMAN ANG KINA-UNFAIR KO DUN?! BAKIT?! KAPANSIN PANSIN KA BA?!"
"OO! LAHAT NGA NG TAO SA ROOM PINAPANSIN AKO TAPOS IKAW HINDI MO KO PAPANSININ?!"
"EH ANO NAMAN SA'YO?!"
"'YON NGA EH! HINDI KO ALAM!"
"ABA EH DI PROBLEMA MO NA 'YON!"
"KAYA NGA! SINABI KO BANG PROBLEMA MO?!"
"HINDI! A--"
"Guys. Libreng kumalma." Awat sa amin ng president ng classroom namin. Tinignan lang namin siya ng masama. Sabay sabing...
"EH BA'T KA BA NANGINGIELAM?!" Sabay naming sabi. Tinignan ko ng masama si Jerry at Ganun din siya sa akin.
"GINAGAYA MO BA KO?!" Sabay ulit naming sabi.
"TIGILAN MO NGA!" Sabay ulit naming sabi.
"AY EWAN KO SA'YO! CHE! MAKAALIS NA NGA LANG SA ROOM! BV ANG ENVIRONMENT DITO!"
"AALIS DIN AKO! TARA MAGSAMA NA LANG TAYO!" This guy is so unbeliveable!
"EH BA'T KA SASAMA SA AKIN?!"
"EH SA GUSTO KO EH! IT'S A FREE COUNTRY YOU CAN DO WHAT YOU WANT!"
"OH EH DI MAG-ISA KA. IKAW NA LANG ANG UMALIS. DITO NA LANG AKO." Kabanas eh.
"EH DI DITO NA LANG DIN AKO!"
"EH BA'T KA BA GAYA-GAYA HA?!"
"EH SA GUSTO KITANG GAYAHIN EH, PROBLEMA MO?!"
"NAKOOOOO! NAKAKAINIS! IKAW! IKAW ANG PROBLEMA KO!"
"AT BAKIT NAGING AKO HA?!"
"EH KASI NAKAKAINIS KA! PALAGI MO NA LANG AKONG INAASAR! BAT MO BA AKO INAASAR HA?! HA?! MAY PROBLEMA KA BA SA AKIN?!"
"ANG KULIT MO NA NGA! ANG MANHID MO PA!"
"AT AKO PA TALAGA ANG MANHID NGAYON HA?! NAGSALITA ANG HINDI MANHID HA?!"
"HIYANG HIYA NAMAN AKO SAYO. BAKIT?! TOTOO NAMAN ANG SINASABI KO AH?! MANHID! MANHID MANHID MANHID! AT AKO? MANHID?! DI NO!"
"NAGDEDENY KA PA DIYAN?! BA'T HINDI MO NA LANG AMININ NA MANHID KA TALAGA HA?!"
"OH SIGE NGA! PATUNAYAN MONG MANHID AKO!"
"AT AKO PA TALAGA ANG HINAMON MO HA?! OH SIGE, ANO..." isip isip. Di ko pwedeng sabihin na mahal ko siya. Hindi pwede kasi matatalo ako.
"OH ANO?! WALA KANG MAISIP NO? HINDI AKO MANHID! IKAW. IKAW ANG MANHID!"
"PARA PATAS, PATUNAYAN MO RIN!"
"HINDI MO RAMDAM NA MAHAL KIT--" Napatakip siya ng bibig. Halata ang pagkagulat sa mga mata niya. Nanlaki talaga. Ganito oh ---> O_O
"Mahal mo ko?! Weh, di nga?!" Makajoke naman kasi wagas eh.
"Tutal nadulas na rin naman ako, aamin na ko. Oo mahal kita. Matagal na." Huminahon na kami niyan.
"Ba't di ko ramdam?!" Nakakainis kasi eh!
"Paano mo mararamdaman eh ginawa mong hobby ang pagtuturok ng anesthesia sa katawan mo."
"Ang sabihin mo, hindi mo lang kayang iparamdam sa akin."
"Pinaparamdam ko naman sa'yo ah?!"
"At papaano aber?!"
"Sa pang-aasar ko sa'yo!"
"At sa tingin mo mararamdaman kong mahal mo ako kung ang palagi mong ginagawa ay ang asarin ako?"
"Bakit?! Masama ba bang magpapansin sa'yo?!"
"Hindi. Sana man lang inayos mo diba?!"
"Oh eh di ako na ang mali. Sorry na. Bati na tayo." sabay hug niya sa akin. Ay ang tae naman nito oh. Kinilig naman ako eh!
"Oo na. Sorry na rin kung sinagaw sigawan kita kanina! Ikaw naman kasi eh! Kung makapagsabi ka ng harsh words tungkol sa boses ko wagas eh!" Naramdaman kong napangiti siya.
Bumitaw siya mula sa pagkakayakap sa akin sabay tinignan ako ng diretso sa mata.
"Halika nga dito! Ikaw man ang may pinakapangit na boses sa buong mundo! 'Yang boses mo pa rin na yan ang hahanaphanapin ko. Alam mo kung bakit? Kasi para sa akin, ikaw ang may pinakamagandang boses sa pandinig ko." Eh ba't ang sweet?! Tae di ko na mapigilan! Kinikilig na talaga ako! Hinampas ko naman siya ng sobraaaaaaaang lakas sa may likod niya. Kasi diba nakayakap siya sa akin?! Napa-aww naman siya. Nako naman!
"Ang sakit mo naman manghampas?!"
Hinawakan ko ang dalawang pisngi niya sabay sabing, "Sorry na! Kung magpakilig ka naman kasi wagas eh!""Alisha, pwede ka na bang maging official na musika ng buhay ko?"
"Oo naman Jerry!"
"YUN YUN EH!" Sabay sabay na sigaw ng mga kaklase ko. Nakakahiya naman!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
EWAN KO BA KUNG BAKIT KO 'TO SINULAT. TRIP TRIP LANG 'TO KAYA PAGPASENSYAHAN NIYO NA LANG. BORED LANG TALAGA AKO. XD
BINABASA MO ANG
One Shot Collection
Short StoryAll rights reserved. © 2013-2014. Credits to the owners of the quotes and banats I posted here. ☠ uy salamat sa pagbabasa nito kahit na sobrang corny and if yung concept is paulit ulit lang. Highly appreciated 💯 u the best! 😘