*Insert Title Here* (One Shot)

43.5K 875 174
                                    

"*Insert title here*" (One Shot)

© kimkimmy16, wattpad2013.

 

PS: Suggest naman kayo ng title pretty please? =)
Sa comment box niyo na lang po ilagay ha?

 

"KYAAAAAAAAAAH! PJ! Please be mine?"

"Bloody hell! Why you so pogi?"

"Akin ka na lang please?!"

"OH EM JI!"

"PJ THE HEARTTHROB!"

Feeling ko, tumigil na ang mundo ko.
Ang lakas nang hiwayan ng mga schoolmates ko nang dumating ang so-called heartthrob na si PJ.

Ako? 
Eto nananahimik. Bakit? Sino naman ako hindi ba? Isa lamang akong hamak na kaklase niya na sa tingin ko ay hinding hindi ako mapapansin. Isang average teenage girl lang ako. Unlike nung ibang babaeng naghahabol sa kaniya, di hamak na mas kagusto-gusto 'yong mga 'yon kumpara sa isang katulad ko.

Crush.
Crush ko siya. Sino namang hipokritang babae ang hindi? 
Makalaglag panty kung ngumiti. Isang ngiti pa lang niya, feeling mo lumilipad ka na sa cloud 9. Tingin pa lang niya parang nahihypnotize ka na. Sa lakad niya na pang model, hindi mo alam napapasunod ka na pala. Sa boses pa lang niya, akala mo isang anghel ang kumakausap sa'yo. Ngayon. Sabihin niyo sa akin, sino ang hindi magkakagusto sa isang katulad niya?

*SILENCE*

Finally, tumahimik na rin. Siguro nagpunta na siya sa room.
At tama nga ako.

Sigh.

Makapunta na nga lang sa room. May quiz pa pala kami.

++++++++++++++++++++++++++++

"Huy, kanina ka pa sa page na 'yan ha?"

Hindi rin ako makapagreview. Papaano naman ako makakapagreview kung siya na lang palagi ang laman ng isip ko. Feeling ko sa 8GB na memory ko eh puro mukha lang niya ang laman. Kailangan ko na ata siyang tanggalin sa isip ko. Mababaliw na yata ako eh.

"Earth to Yumi."

Kailan kaya dadating 'yong araw na 'yon hano? 'Yong hindi ko na siya pagpapantasyahang maging akin? 'Yong hindi ko na siya kailan man iisipin pa. 'Yong makakapagconcentrate na ako sa pag-aaral ko. Sigh. Hindi ata mangyayari 'yon eh. Dibale, sa oras na makaalis ako sa school na 'to, maghahanap ako ng bago. Kaya ko pang magtiis niyan. Tutal, 2 months na lang college na ako.

"YUMIIIIIIIIIIIIIII!"

"AY P---!" Buti na-control ko ang bibig ko. Kundi, patay. Mabubuko ako ng wala sa oras.

"Ikaw ha, si PJ nanaman ang nasa isip mo. Napapadalas na 'yan ah." Mapang-asar na bulong ni Tinnie.

Yeah right. Alam nga pala niya.

"Nako Tinnie, makapagbintang ka diyan ha." Kahit naman alam niya nahihiya pa rin akong aminin no. Hindi naman ako kagaya ng iba. Pero kagaya ko sila sa ibang bagay--'yon ay kaparehas ko silang may gusto kay PJ.

PJ. PJ. PJ.
Puro si PJ na lang ang nasa isip ko. Harujusko! He's not good for the brain.

"Hindi naman ako nagbibintang sinasabi ko lang ang totoo. NA SI TUTUT NA LANG ANG PALAGING LAMAN NG ISIP MO." Nilakasan niya pa talaga ang bandang huli kaya naman nagtinginan ang mga kaklase ko--kasama siya dun.

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon