Ayoko sa tulad mo... (one shot)

28.8K 458 51
                                    

"Ayoko sa tulad mo..." (One Shot)

© kimkimmy16, wattpad2012.

--

"Oy. Gusto kita." Masyado namang straight to the point. Hindi man lang pinag-isipan?

"So?" Aba siyempre, kailangan kong magpakipot. Kahit pa na gusto ko siya.

"Gusto ko lang naman ipaalam sa'yo." Breathe in. Breathe out. Pigilan mo ang kilig mo.

"Ayoko sa tulad mo..." Bigla siyang umalis. Ba't ba bigla na lang siyang umalis? Hindi pa nga ako tapos sa sinasabi ko eh!

Dumiretso na ako sa room at naupo sa upuan ko.

"Chelsea,  ba't mo ba ginanon si Niall?" Ha?

"Ang alin ba?" Hindi ko talaga alam kung ano ang sinasabi niya.

"Ba't ganun ang sinabi mo?" Ahh. 'Yong kanina pala.

"Eh ayaw ko naman talaga sa isang tuad niy--" Tama bang putulin ako?

"Napakasama mo." Ay grabe? Hindi na nga ako pinatapos, nasabihan pa akong masama. Tsk.

"Ewan ko sa'yo."

~*~ ~*~ ~*~ ~*~

"Chelsea, pansinin mo naman si Niall!" sigaw ni Will. Napatingin ako kay Niall, tahimik lang siya sa isang sulok. Hindi ko alam kung bakit pero kumirot ang puso ko. Inaway ba nila? Lagot sila sa akin.

"Pinapansin ko naman siya ah?" Totoo naman. Hindi ako snob no.

"Hindi 'yon! Pansinin mo 'yong nararamdaman niya." Ahh. 'Pag ako hindi nanaman pinatapos sa sasabihin ko ha.

"Ayoko sa tulad niy--"

Pinutol niya ako sabay sabing, "Masyado ka namang direct to the point Chelsea! Pwede mo namang dahandahanin eh." Nakakairita! Inirapan ko na lang si Will sabay alis dun.

Lagi naman nila akong hindi pinapatapos. Paano kaya nila malalaman 'yong gusto kong sabihin kung ayaw nila akong patapusin? Tapos sasabihin napakasama ko. Haish.

Bumili lang ako sa cafeteria ng pagkain sabay punta sa room. Kailangan ko ng peace of mind. Nakakairita ang mga taong nakakasalubong ko.

Pagpasok ko ng room...

"Kawawa naman si Niall, ba't ganun lang ang sinabi ni Chelsea?" bulung bulungan nila na hindi ko alam kung talaga bang bulong o ipinaparinig nila sa akin.

"Chelsea, magsorry ka kay Niall." sabi ni Lian.

"Ba't naman ako magsosorry?" Wala naman akong ginawang mali ah.

"Masyado mo siyang sinasaktan." Ay ang deeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeep!

"Ano ba kasing sinasaktan? Hindi ko naman siya sinasaktan ah?" Hindi naman kasi talaga!

"'Yong mga pinagsasasabi mo, nakakasakit." Shiz.

"Eh ayaw ko naman kasi talaga sa tulad niy--" Peste. Pinutol nanaman ako!!

"Ay grabe, pwede mo naman kasing dahandahanin eh." Sa sobrang inis ko sa kanila, lumabas ako ng room. Ibinalibag ko ang pinto para naman malaman nila na hindi ako natutuwa sa mga pinagsasabi nila.

Naglalakad ako sa hallway ng makasalubong ko si Niall.

"Hi Chelsea!" Bati niya sa akin.

"Hi Niall." Natitigan ko ang mukha niya. Ang pogi niya. Sino ba namang babae ang hindi magkakagusto sa isang nilalang na katulad niya?

"Ayaw mo ba talaga sa tulad ko?" Eto nanaman po tayo.

"Oo. Ayaw ko sa isang tulad m--" Umalis siya bigla kaya hindi ko na natuloy pa ang gusto kong sabihin. Kailan ba nila ako patatapusin?

~*~ ~*~ ~*~ ~*~ ~*~

Pumasok ako kinabukasan. Kaso hindi ko nagustuhan ang nakita ko. Si Niall kasi, may kausap na babae. Take note ha, nagtatawanan pa. Mukhang ang saya saya ng usapan nila. Nakita niya akong nakatingin sa kanila kaya bigla kong inilipat ang tingin ko.

Umalis na rin ako dun. Hindi man lang niya ako hinabol. Tss. Siguro hindi na niya ako gusto at may bago na siya? Mapapatay ko siya 'pag ganun! Kung pinapatapos niya kasi ako.

Pumasok na ako sa room at nakipagkwentuhan sa mga kaklase ko. Pero, hindi ko masyadong naiintindihan ang pinagsasabi nila. Nagpeplay pa rin sa utak ko 'yong sa nakita ko. Nagseselos ako!

 Dumating ang recess. Pumunta ako sa cafeteria at nakita ko nanaman siyang may kausap na babae. 'Yong katawanan niya kanina. Nagseselos talaga ako! Ba't naman siya ganiyan?

Pinipigilan ko ang sarili ko na huwag silang pansinin kaso, hindi nakikiayon ang sarili ko. Sa halip, pumunta ako sa kanila sabay sabing..

"Babe, nandito ka lang pala. Akala ko ba magdedate tayo?" tumingin ako sa babae na halata mong gulat na gulat sa mga sinabi ko. Tumingin rin ako kay Niall at ganun din ang reaksyon ng mukha niya. "'Pagtapos na kayong mag-usap ng babae na 'yan, puntahan mo na lang ako ha? Huwag masyadong matagal ha? Sige ka, baka magselos ako." Kinindatan ko sya at hinalikan ko ang cheeks niya.

Umalis na ako dun wearing my victory grin!

"Wait lang, Gloria ha. Hahabulin ko lang 'yong GIRLFRIEND KO." Narinig kong sinabi niya. Medyo natawa ako sa pangngalan nung girl. Gloria? Hahaha. At ito pa, inemphasize niya pa talaga ang girlfriend ha?

Hindi pa ako nakakalayo masiyado, may humila na kaagad sa kamay ko.

"Ano 'yong eksena kanina?" panimula niya.

"Wala naman." Alanganamang sabihin ko na nagseselos ako?

"Ewan ko sa'yo Chelsea. Sabi mo ayaw mo sa tulad ko and then sasabihin mo ang mga bagay na 'yon?" Ba't ba nagagalit siya? Ayoko naman talaga sa tulad niya ha!

"Ayoko naman talaga sa tulad m--"

"Ano ba talaga ang gusto mo? Oo na nga. Ayaw mo na sa tulad ko. Kailan pinagduduldulan?" Ayaw naman kasi akong patapusin! Palagi na lang ha!

"LECHE! PATAPUSIN MO MUNA KASI AKO! PAANO MO MALALAMAN KUNG ANO ANG GUSTO KONG SABIHIN KUNG PALAGI NIYO NA LANG AKO PINUPUTOL? PALAGI NA LANG HA." Isinigaw ko talaga 'yan! Parang nagulat pa nga sila sa pagsigaw ko including him. "OO! AYAW KO SA ISANG TULAD MO" Magsasalita na sana siya kaso pinigilan ko. "HUWAG KA MUNANG MAGSALITA HANGGAT HINDI PA AKO TAPOS." Tumango siya kaya pinagpatuloy ko na ang sinasabi ko. "AYAW KO SA ISANG TULAD MO DAHIL ANG GUSTO KO.. IKAW MISMO." Nagulat siya sa sinabi ko. Nagulat sila. Ngayon alam na nila?

"Gusto mo ko?" pagcoconfirm niya.

"Oo gusto kita." Mahinahon na ako niyan. Hinuhuli ko pa ang hininga ko dahil napakarami kong sinabi at sumigaw pa ako.

"Talagang talaga? Walang halong biro? 'Pag 'yan hindi mo binawi tapos naniwala ako, wala ka ng kawala." Natawa naman ako sa sinabi niya. Para kasi siyang bata na eewan-ewan.

"Oo nga! Gusto mo yatang bawiin ko eh." Pangloloko ko sa kaniya.

"Hindi no."

"Ayiiiiiiiiii." Nagreact na nga ang buong populasyon ng school.

Ang sarap pala sa feeling na nasabi mo ang lahat ng gusto mong sabihin. 'Yong hindi ka pinuputol.

********************************************************************************************

BORED + SINIPAG = STORY! HAHAHAHAHAHA. 'YAN ANG INGREDIENTS NG STORY KO. LOLOLOL.

VOTE AND COMMENT NAMAN KAYO! *O* MOO-RAMING SALAMAT PO! ^__________^

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon