"Wrong Send." (One Shot)
© kimkimmy16, wattpad2012.
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~~*~*~*~*~
'OY. Mahal kita.'
...Kinabahan ako ng itext ko sa kaniya 'yan. 'Pag hindi ko nagustuhan ang nireply niya, sasabihin ko na lang na wrong send! >o< Kakahiya.
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~~*~*~*~*~
"Seryoso ka? Itetext mo talaga siya?" Ugh! Nafufrustrate na ako. Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko o hindi. Makareact naman kasi 'tong si Yuri eh."Aha." 'Yan na lang ang naisagot ko.
"Magtigil ka nga! Paano kung mareject ka?" Beyen. Hindi ko pa nga nagagawa, 'yong rejection na kaagad ang iniisip.
"Simple lang, sasabihin ko wrong send!" 'Yan na lang kasi ang tanging naiisip ko na magandang pangsalba. Kung hindi ko man magustuhan ang sagot niya. Mas maganda sana kung maging okay ang sagot niya! TT^TT
"Nahihibang ka na ba? Sa tingin mo, maniniwala 'yon?" AAAAAAAAAAAAH! Ayoko na!
"Wala na kong maisip na ibang pwedeng ipangreply kung sakali mang hindi ko magustuhan ang sagot niya." Ano pa ba ang pwede?
"HAAAAAY! Ewan ko sa'yo LJ." WAAAAAAAAAAAAAH!
"Yuri, pwede bang maging supportive ka kahit minsan lang?" Lagi na lang kasing nakakontra eh.
"Alam mo namang ayaw ko lang na masaktan ka hindi ba?" Awwe. That's really sweet of her.
"Siyempre naman alam ko! Naaappreciate ko naman talaga 'yon eh. Kaso, please? Kahit ngayon lang?" sabay puppy dog eyes ko. Alam kong hindi na siya makakatanggi.
"Oo na! Oo na! Fine. Do what you want. Basta, binalaan na kita ha?" Yehey! Kaya naman love na love ko 'yang si Yuri eh.
"Thank youuuuuu!" sabay yakap ko sa kaniya.
~*~*~*~*~*~*~
Eto na. This is it. Itetext ko na siya. AAAAAH!
Kung bakit naman kasi sa kaniya pa ako nagkagusto eh. Ni hindi ko nga malaman kung gusto rin ba niya ako. Pero sana, gusto niya rin ako!!
'OY. Mahal kita.'
Okay na kaya 'yan? Hindi naman mukhang malandi 'yong text hindi ba? Ayokong mabigyan ako ng wrong impression >o<
SENT.
Takte! Nasend ko!! AAAAAAAH! Wala na hindi na pwedeng palitan! Huhuhu. Sana naman hindi magmukhang malandi 'yong text ko.
MESSAGE RECEIVE.
Kinlick ko kaagad 'yong reply. Kaso, sa iba ko pala nasend! Kay Yuri pala! Kung bakit ba naman kasi magkasunod ang pangalan nila? Yuan. Yuri. AAAAAAAAAAH!
'Mahal rin kita Best friend!'
'Yan 'yong reply ni Yuri. Golly!
'Wrong send. Para kay Yuan talaga 'yon eh. Hehe. Pero mahal namang talaga kita!'
SENT.
Okay lang naman ata 'yong ganung text eh. Pwede na siguro 'yon. It's now or never.
'OY. Mahal kita.'
Chineck ko na talaga kung sa kaniya ko nga masesend 'yong text ko. Huminga muna ako ng malalim at napapikit habang kiniclick ko ang send button.
SENT.
Kinakabahan ako sa pwede niyang ireply. Ugh. Kainis. Pero tama lang naman hindi ba?
MESSAGE RECEIVE.
Inopen ko kaagad 'yong text niya. At ikinagulat ko ang reply niya.
'Maka-oy ka naman diyan. Mahal rin naman kita.'
Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwala. Teka.. Nasabi ko na bang hindi ako makapaniwala?
'WEH?'
'Yan ang reply ko. Malay mo nagjojoke time lang pala 'tong si Yuan? Kailangan muna siyempre maging sure no.
'Oo nga. Maniwala ka. Nung una pa lang na makita kita, alam kong ikaw na ang babaeng nakatakda para sa akin.'
AYYYYYYYYY? Ang corny! Pero nakakakilig! Hahaha.
'Walang halong joke?'
Hindi pa rin kasi talaga ako makapaniwala. Mahal rin niya ako.
'Oo. Simula nung nakabunggo kita sa hallway. Simula nung tinulungan mo ako sa math lessons na hindi ko maintindihan. Basta, simula't sapul pa lang, mahal na kita. Maniwala ka man o hindi.'
Awwe.
'Eh ba't hindi ko maramdamang mahal mo ako?'
Hindi ko naman talaga maramdaman eh. Kasi sa t'wing magkasama kami, ang tahimik lang niya. Tapos 'pag sa ibang babae na, ang daldaldaldal niya. Hindi ko tuloy alam kung gusto ba niya akong kasama o hindi.
'Paano mo mararamdamang mahal kita kung ang palagi mong iniisip ay may mahal akong iba?'
Ay antaray ng reply! Hahaha.
'Oo na. Naniniwala na ako.'
Tama na 'yong mga sinabi niya para maniwala ako.
Shete. Can this day get any better? Mahal ako ng taong mahal ko.
'Labas ka ng bahay niyo.'
EHHH?
'Bakit?'
'Nandito po kasi ako.'
Pagkabasang pagkabasa ko niyan, dali dali akong lumabas ng bahay namin. At tama nga, nandun nga siya sa labas. Ang pogi talaga niya! Don't get me wrong, hindi 'yong kagwapuhan niya ang dahilan kung bakit ko siya minahal. Kundi, ang personality niya. Bonus points lang 'yong kapogian niya. Hahaha.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" pambungad tanong ko sa kaniya.
"Eh kasi naman po, dapat aamin ako sa'yo ng nararamdaman ko kaso sa kasamaang palad, inunahan mo naman po ako." WEH?
"Talaga?" Nauna lang pala ako ng ilang segundo. Hahaha.
"Yep. Magbihis ka na nga lang tapos date tayo." Date?
"Saan naman tayo magdedate?" First date ko 'to no. Hahaha.
"Basta, handa na ang lahat kaya naman tayong dalawa na lang ang kailangan. It's a surprise." Pagkasabing pagkasabi niya niyan, pumasok na ako sa loob ng bahay namin at nagbihis.
Hihihi. May date kami ng taong mahal ko!
***********************************************************************************
Pangit. I know. VOTE AND COMMENT PLEASE? WITH CHERRY ON TOP? IT MEAN THE WORLD TO ME! SERIOUSLY. XD KAGAYA NGA NG LAGI KONG SINASABI, BORED AKO. 'YAN LANG NAMAN ANG DAHILAN KUNG BAKIT AKO NAGSUSULAT. TO EASE TO BOREDOM THAT I AM FEELING AT THIS VERY MOMENT. <333
BINABASA MO ANG
One Shot Collection
القصة القصيرةAll rights reserved. © 2013-2014. Credits to the owners of the quotes and banats I posted here. ☠ uy salamat sa pagbabasa nito kahit na sobrang corny and if yung concept is paulit ulit lang. Highly appreciated 💯 u the best! 😘