Letter ♥ (one shot)

23.7K 318 53
                                    

“Letter.” (One Shot)

 © kimkimmy16, wattpad2012.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Dedicated to kay Ate Glim kasi ang galing nyang magsulat!

Basahin nyo stories nya.. For sure, di kayo magsisisi :))

P.S: Naiintindihan ko po kung hindi nyo to mababasa :)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ ~~~~~~~~~

______________________________________________

Hi, my name is Pola. Weird name right? Bat hindi na lang ginawang Paula, di hamak naman na mas kaaya-aya 'yong pakinggan. Oh well, so much for that. Andito ako sa school namin. Fourth year highschool na ako. NBSB. Bakit? Ewan ko. Wala pa kasi akong nagugustuhan. Ay meron pala kaso mukhang iba ang gusto eh. :( Drama. Di bali. XD

"POLAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!" Si Japmine. Yeah, Japmine talaga. Di ako nagkakamali.

"Oh, bat nanaman? Makasigaw ka dyan akala mo ikaw may ari ng hallway eh." sabi ko nang pabiro.

"Eh kasi may pumuntang estudyante sa room natin tapos hinahanap ka." err?

"Sino naman?" tanong ko.

"Di nagpakilala eh, basta sabi ibigay ko daw ito sayo." then she handed me a letter. A letter? Uso pa pala ito ngayon? Weird, but I like it. :)) Binuksan ko na iyong letter, at ito ang nakasulat....

♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥

Dear Pola,

Maniwala ka man o hindi.. Simula nung una kitang nakita.. napansin na kaagad kita. Hindi ko nga alam kung nung napansin ba kita eh napansin mo din ako.. Hindi ko alam kung anung meron ka at nagkaganito ako sayo. Simula nung nakita kita, pinagtanong ko ang pangalan mo. Masyado bang stalker? Secret admirer naman. Para maganda pakinggan 8)

Gusto kong malaman mo na..

POLA-gi kitang iniisip.. ni hindi ko nga alam kung kahit ba minsan sumagi din ako.. Pero sana.. OO..

POLA-gi ko ding iniisip kung kumain ka na ba.. kung ano na ginagawa mo.. So gayish.

POLA-gi kitang tinititigan sa malayo.. hindi naman kasi kita malapitan, siguro dahil nahihiya ako.. OO, sabihin mo nang parang pambakla pero totoo eh.

Pero hwag kang mag-alala dadating din ang panahon na malalapitan at makakausap din kita. Basta ito ang tatandaan mo.. Hindi ka nawawala sa isipan ko dahil POLA-gi kitang mamahalin. Makikilala mo din ako.. Hwag kang mag-alala.

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon