Gift (One Shot)

36.9K 509 21
                                    

"Gift." (One Shot)

© kimkimmy16, wattpad2012.

+++++++++++++++++++++++++++++++++

Kailangan kong maghanap ng pangregalo kay Keanbeybs ko! TTOTT Seriously, buong araw na akong naghahanap ng pupwedeng ipangregalo kaso wala eh. Wala akong makita. Nakakahiya naman kung magkita kami mamaya tapos wala akong regalo diba? Nakakainis. Tapos alam niyo ba kung ano 'yong lalong nakakapagpainis sa akin?

*FLASHBACK

Kailangan kong mag-isip kung papaano ko matatanong si Kean kung ano ang gusto niyang regalo ng hindi niya nahahalata.

"Kean, anong magandang uso ngayon?" Huhuhu. Papaano baaa? Baka mamaya hindi pala niya nagets eh.

"Hindi ko alam. Hindi naman ako interesado sa kung ano ang uso ngayon." Ano pa ba pwede kong itanong ng hindi niya nahahalata? Uhm...

"Eh ano na lang 'yong gusto mo? I mean..--"

"Wala naman akong gusto ngayon. Except sayo syempre. Kaso hindi kita gusto eh. M--"

"Ah ganon? Tsk." Nakakainis. How dare him to say that he doesn't like me? >o<

"Patapusin mo muna kasi ako pwede? Ikaw talaga.." sabay hawak niya sa magkabila kong pisngi. "Hindi kita gusto kasi mahal kita. Ay hindi pala. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita." sabay kiss niya sa akin sa lips. Ay ano ba naman 'yan. Hahahaha. Nakakainis. Kinikilig ako!

*END OF FLASHBACK.

Hindi ko na rin natanong dahil nacarried away na ako sa kasweet-an niya. huhu. Paano na? Nalibot ko na ata lahat ng stalls dito sa mall eh. Kaso wala pa rin akong makita na magandang christmas gift for him!

Promise! Last na 'to. Kung ano na lang ang makita promise, 'yon na ang bibilhin ko. Malapit na rin kasing pumunta si Kean sa bahay namin eh. Ewan ko ba dun. Saka kailangan din daw niya kasing makauwi sa bahay nila para sa Noche Buena. Alam ko naman na kailangan talaga niyang makauwi before 12 kaya naman eto ako, nagmamadali na makahanap ng regalo para sa kaniya.

Wala namang maganda dito! Nagtingin tingin lang ulit ako hanggang sa may makita ako. Hmm.. Bola ng basketball? Alam ko mahilig siyang magbasketball pero ano ba naman 'yan? Talagang bola ng basketball ang ipangreregalo ko? Eh ano kaya kung jersey? 'Yong monthsary number namin dapat! Hahaha. Honglende. Pero ano ba? Naguguluhan na ako.

Knee pad kaya? Rubber shoes? Eh marami na pala siya nun. Eh kung polo shirt na lang kaya? Pwede pa naman akong pumunta sa department store at mamili. Tama. Polo shirt na lang. Kainis naman masyadong common ung ipangreregalo ko sa kaniya. Pero di bale na nga lang! Rush hour na eh. Kaya ayokong naglalast minute shopping eh! >o<

Pumunta na akong department store at dun na lang bumili. Hindi naman ako nahirapang maghanap since marami namang magagandang polo shirt akong nakikita dun. Dalawa na nga ung binili kasi hindi ako makapili. Ang hirap kayang pagpilian nung dalawa dahil parehas na maganda! Pinabalot ko na rin 'yon sa counter. Alanganamang ako pa ang magbalot nun eh libre na lang naman ang pambalot, maganda pa!

Sumakay na kaagad ako ng tricycle at umuwi. Sakto lang naman ung dating ko dahil kararating lang din naman ni Kean. Kumunot pa nga ang noo niya siguro nagtataka kung saan ako nagpunta. Hindi ko na lang siya pinansin at pilit tinatago ung regalo ko sa may likudan ko. Papasok na sana ako sa loob kaso bigla niya naman akong hinila.

"At saan galing ang magaling kong girlfriend?" Eh ba't ang gwapo niya ngayon? Hahaha. Fine. Gwapo naman siya palagi sa paningin ko at sa paningin ng iba. Nakakainis.

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon