10 reasons why I hate you (one shot)

31.6K 386 13
                                    

"10 reasons why I hate you." (One Shot)

© kimkimmy16, wattpad2012.

=-=-=-=-=-=-=-=

1. I hate the way you smile.

Lumalabas kasi ang dimples mo. Nakakainis ka. Lalo ka kasing nagiging cute at attractive sa paningin ko. Saka, halos lahat ng babae sa school nginingitian mo. Dahilan para magkagusto sila sayo.

I hate you. Bakit mo sila nginingitian ng ganun? Siguro gusto mong hinahabol habol ka nila. Siguro plano mong bihagin ang mga puso nila.

I hate you kasi ba't ganun na lang ako naiinis kada ngingiti ka sa ibang babae?

2. I hate the way you look at me.

Sa kada titig mo kasi, pakiramdam ko natutunaw ako. Ba't mo naman kasi ako tinitignan ng ganun? Hindi mo ba alam na sa kada tingin mo sa akin ng ganun, nanghihina ako? Saka, ba't ba kasi color blue pa ang mata mo? Weakness ko kaya 'yon!

I hate you kasi ba't ganun na lang ako kaaffected sa mga tingin mo sa akin?

3. I hate the way you talk.

Nadadala kasi ako. Sa kada salita mo, hindi ko rin mapigilang hindi magsalita. Nang dahil sayo nagiging madaldal ako. Alam mo ba na pinakaayaw ko ang nagsasalita? Ayaw ko kasi sa boses ko. Ano bang meron ka at pagdating sayo nagiging madaldal ako?

I hate you kasi kada maririnig ko ang boses mo, napapangiti ako. Papaano namang hindi sobrang lakas kaya. Tapos nakakatuwa ka pang magsalita.

I hate you kasi ba't ganun ka na lang kapowerful sa akin?

4. I hate the way you laugh.

Kapag tumatawa ka kasi napapatawa na rin ako. Parang may kung ano sa tawa mo na kayang patawanin din ako. Alam mo ba na mahirap akong patawanin na sa isang tawa mo lang mapapatawa na rin ako? Kahit nga 'yong mga kaibigan ko nagmumukha ng tanga mapatawa lang ako tapos ikaw? Hayy.

I hate you kasi ba't ng dahil sa tawa mo napapatawa na rin ako?

5. I hate the way you walk.

Ang angas kasi ng lakad mo. Malakas pa ang dating. Kala mo modelo ang naglalakad kahit na hindi naman. Minsan nga nahuhuli ko na lang ang sarili ko na sinusundan ka. Nakakainis, bakit ganun?

I hate you kasi ba't napapasunod mo ako sayo ng hindi ko nalalaman?

6. I hate your hair.

Ang lambot kasi. Minsan nga nakikita ko na lang ang sarili ko na nagdeday dream na hinahawakan ko daw ang napakalambot mong buhok. Nakakaasar, ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito eh. Kung hindi ko lang sana accidentally na nahawakan ang buhok mo, hindi naman ako magkakaganito eh. Kasalanan mo ang lahat ng ito kung bakit naman kasi napakalambot ng buhok mo.

I hate you kasi ba't ganun na lang ako kaaffected sa napakalambot mong buhok?

7. I hate the way you make me think of you.

Palagi kasi kitang naiisip. Ba't naman kita iisipin? Sino ka ba ha? Isa ka lang namang hamak na lalaki na wala lang sa buhay ko. Saka, hindi ka naman worth it isipin.

Pilit kong sinasabi na wala ka lang sa akin kaya dapat ko ng tigilan ang pag-iisip sayo pero sino ba ako? Hindi ko naman hawak ang takbo ng isip ko. Hindi ko kayang pigilan ang isip ko na isipin ka. Hayy. Ano ba 'tong pinag-iisip ko? Hindi ko na rin maintindihan.

I hate you kasi ba't ba kita laging iniisip?!

8. I hate the way you make my heart melts.

Kasi isang kita ko pa lang sayo, isang isip ko pa lang, isang dinig ko pa lang ng boses mo, isang ngiti mo lang sa akin, isang tingin mo lang sa akin, NATUTUNAW NA ANG PUSO KO.

Nakakainis ka, ba't pag sayo natutunaw ang minsan ko ng ginawang pusong bato?

I hate you kasi ba't ba ganun mo na lang kabilis tunawin ang puso kong bato?

9. I hate the way you make my heart beats so fast.

Kasi makita lang kita nagwawala na ang puso ko. Nakakairita ka. Ba't ba ganun mo na lang kung control-in ang puso ko? Minsan nga parang hindi ko na hawak ang puso ko. Parang may sarili na siyang pag-iisip na kahit anong sabihin kong hindi nararapat itong tumibok para sayo, hindi ito nakikinig sa akin.

Nakakasar. Nakakairita. Nakakainis. Ang bilis bilis tumibok ng puso ko makita lang kita! Na akala mo sasabak sa karera, sa sobrang bilis. Kung ikukumpara mo nga sa bilis ng sasakyan, overspeeding na. Kung ikukumpara mo naman sa takbo, parang takbo ng kabayo.

I hate you kasi ba't ganun mo na lang kabilis kung patibukin ang puso ko?

10. Most of all, I hate the way you make me fall for you.

Kasi kahit na gaano karami ang dahilan ko para kaayawan kita, 'yon naman ang nagtulak sa akin para mahalin ka. Nakakainis ka, ba't hindi mo man lang ako binigyan ng warning? Warning na mahuhulog na ako sa'yo.

I hate you kasi ba't sa kabila ng lahat ng kinaaayawan ko, minahal pa rin kita ng ganito?

I hate you but I love you.

I love you kasi kahit na hindi ako ang dream girl mo sinalo mo pa rin ako. Hindi mo ako hinayaan na mahulog lang ng basta basta.

I love you kasi palagi mong pinaparamdam sa akin kung gaano ka kaswerte dahil ikaw ang minahal ko. At ganun din naman ako sayo.

=====================================

WAAAAAAAAAAAAAAAH! SORRY KUNG PANGIT. BORED LANG TALAGA AKO KAYA NAMAN NAPAGPASYAHAN KONG GAWIN NA LANG NA ONE SHOT. LOL. PERO SANA MAGUSTUHAN NIYO PA RIN. =)))))) XOX.

VOTE/COMMENT. <3

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon