"Banatero't Banataera." (One Shot)
© kimkimmy16, wattpad2013.
@#$%^&*--------------------------------------------------------------
Free time namin ngayon. Ang swerte nga kasi may urgent meeting 'yong mga teacher.
"Cassandra, kanta ka naman oh!" Sira ulo talaga 'tong si Mikay. Ako nanaman kasi ang napagtripan.
"Ayoko nga. Ba't naman ako kakanta?" Hindi naman sa pagmamayabang pero meron kasi akong golden shiny voice. Ay ansabe naman nun?
"Dali na. Kahit na ano lang!"
"Oo nga Cass!" Gustong marinig ni Hans ang boses ko? Namaaaaan eh! Hahahaha. Honglonde ko po!
"Oo na. Ano bang kanta?" Matatanggihan ko ba ang love of my life ko? Kaso may iba ata 'tong pinopormahan eh. Tss.
"Kahit ano. Ikaw na lang ang mag-isip." Ako na nga ang kakanta ako pa ang mag-iisip ng kakantahin? Wow. Teka, ano nga kayang magandang kantahin?
AHHHHH! Oo, tama. 'Yon na lang!
*ehem* para malaman nila na magi-start na ako.
(to the tune of barney) "I LOVE YOU YOU HATE ME. YOU'RE IN LOVE BUT NOT WITH ME. NOW MY HEART IS SCATTERED AND PIECES 'COZ OF YOU. WHEN WILL I BE HAPPY TOO?"
"BOO! Ang drama mo dre!" Hahahaha! Ganun talaga. Walang basagan ng trip. Saka, para kay Hans talaga 'yon eh! Siya kasi ang dahilan ng pagkanta ko. Kaya sa kaniya dedicated 'yon. LOL.
"Kainis kayo. Wala naman kasing basagan ng trip."
"Ibang kanta na lang kasi!"
"Pero teka, kanino ba dedicated 'yang kanta mo?"
"Oo nga. Sino ba 'yang tangang lalaki na 'yan?" Wow ha. Flattered much naman ako dun. Mehehe.
"Si.." Natatawa ako sa kanila. Seriously. Paano ba naman kasi halatang eager silang malaman. As if naman sasabihin ko no. Masyado naman ata silang sinuswerte! "Sii... Sikreyt!"
"Kainis naman 'to eh! ready-ing ready na akong makinig eh!" Mga sira ulo talaga 'tong mga 'to XD
"Ang swerte mo naman kung sasabihin ko sa inyo."
@#$%^&*--------------------------------------------------------------
"Punta tayong cafeteria!"
"Tara, gutom na rin ako eh." Nakakagutom pa lang kumanta nang kumanta. Hayy.
"Bagay talaga kayo ni Hans." Good way to ruin the mood. Kainis! Kinalimutan ko na nga 'yong nangyare kanina eh!
"Bagay my foot."
"Wushu! Pero in fairness ha, ang ganda ng blending ng boses niyo. Tapos kung magtitigan pa kayo kanina parang h--" Nag-init bigla 'yong mukha ko. "Oh ba't ka nagblush on? Ang bilis naman! Hahahaha!" Ba't ang lakas niyang mang-asar? Napailing na lang ako at dumiretso sa cafeteria.
Wala namang masyadong tao kaya nakabili rin kami kaagad ng pagkain.
"Pare ang galing niya talaga kaninang kumanta." Si Hans 'yon ah? Oy di ako nage-eavesdrop ha. Sadyang narinig ko lang.
BINABASA MO ANG
One Shot Collection
Short StoryAll rights reserved. © 2013-2014. Credits to the owners of the quotes and banats I posted here. ☠ uy salamat sa pagbabasa nito kahit na sobrang corny and if yung concept is paulit ulit lang. Highly appreciated 💯 u the best! 😘