[ dead or alive ]
Gelo's POV
Ngayong araw ang libing ng mga magulang ni Shane. Hindi ako makapaniwala na magkasunod lamang ang kanilang pagkawala.
Ang inaalala ko ay itong si Shane. Pano na siya? Pano na ang buhay niya? Ngayong wala na ang kaniyang mga magulang ay alam kong mahihirapan ng lubos si Shane.
Naisip kong ipasok si Shane sa pinagtratrabahuan ko total alam ko namang responsable ito at Laki sa hirap.
Pagkarating ko sa bahay nila ay nadatnan ko si Shane na umiiyak. Mapupula ang mga mata dahil sa gabi gabing pag iyak.
Agad ko siyang linapitan at niyakap. "Shane, lumaban ka andito ako tutulungan kita, hindi Kita iiwan" sabi ko. Hindi siya sumagot bagkus ay humagulhol siya at umiyak ng umiyak.
Hindi ko kayang Makita Si Shane ng ganito. Hindi ko kayang Makita siyang nagdurusa.
Inakay ko Si Shane papasok ng Van. Ililibing na ang mga magulang ni Shane. Gobyerno ang bumayad sa lahat ng ito dahil alam naman nilang si Shane ay mag isa nalang ngayon.
Habang nasa biyahe ay iyak pa rin ng iyak si Shane. "Gelo, bakit ako? bakit kami? bakit?! Saan ba ako nagkulang? May pagkukulang ba ako? Tangina ang saya saya namin eh. Bakit?!" sabi niya sa gitna ng kaniyang pag iyak.
"May mga bagay na hindi natin inaasahan na mangyayari. Mga bagay na alam nating posibleng mangyari. Hindi ko Alam ang sagot sa mga tanong mo. Ang Alam ko Lang ay pagsubok lamang sa Iyo at Sa atin Ito. Lumaban ka Shane dahil ako lalaban ako" sagot ko.
Hinagod ko ang likod niya dahil hagulhol siya ng hagulhol.
Nang makarating kami sa sementeryo ay hindi pa rin mawala ang iyak ni Shane.
Nagsimula na ang panalangin para sa mga labi ng mga magulang ni Shane. Iyak ng iyak si Shane. Ako ito nasa tabi niya at inaalo siya.
"Kawawa naman ang bata"
"Malas naman niya, mga magulang niya ang nawala"Habang tinatabunan na ng lupa ang mga labi ng mga magulang ni Shane ay may narinig pa akong mga bulong bulongan sa likod.
Hindi ko na ito pinansin at inalo na lamang si Shane. Hindi pa rin mawala ang iyak ni Shane. Lumuhod siya Sa lupa at umiyak ng umiyak.
"Shane, Tama na. Madudumihan ka, tara na umuwi na tayo. Magpahinga ka na" sabi ko.
Magkakasakit Si Shane sa ginagawa niya. Simula ng mawala ang mga magulang ni Shane ay kaunti na lamang ang kaniyang kinakain. Lumiban kami sa klase pero alam naman nila ang dahilan.
"Shane, Tara na umuwi na tayo. Hindi ka kumain kagabe pati kaninang umaga kumain muna Tayo sa inyo" sabi ko nanaman. Hindi ako pinapansin ni Shane, bagkus ay humiga pa siya sa lupa at umiyak. Niyayakap niya ang puntod ng kaniyang mga magulang.
Sa gitna ng pag iyak at pag hagulhol ni Shane ay biglang umulan. Hinihigit ko si Shane para makasilong pero bagkus ay hindi pa rin siya tumitigil sa kaniyang pag iyak.
Naiinis na ako, gusto niya bang siya ang sumunod sa mga magulang niya? Pano na ako? Andito pa naman ako ah? Bakit hindi siya lumalaban para sa akin? Alam kong masakit pero hindi na maibabalik ang mga buhay nila sa kaniyang pag iyak.
"Shane! ano ka ba?! umuulan na oh tara na tama na! Kanina kapa! Pinapabayaan mo na ang sarili mo! Makasarili ka masyado! May mga taong nagmamahal pa sa Iyo kaya huwag mong hayaang mangyari ang nangyari sa kanila!" sabi ko. Kanina pa siya eh.
"Hindi mo naiintindihan" sabi niya habang umiiyak. Ano pa bang hindi ko maintindihan? Ano pa ba? Alam kong masakit dahil tinuring ko na ring pamilya ang pamilya niya. Tinuring ko na rin silang mga magulang.
Nagpapakatatag ako para sa amin ni Shane. Kami na lang ang natira ngayon. Imbes na magpakatatag siya ay mas pinili niyang pabayaan ang sarili niya.
Lumalakas na ang ulan. Naiinis na ako kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"Alam mo Shane napaka makasarili ka! Alam mo bang masakit din sa loob ko ang pagkawala ni Inay at Itay? Alam mo bang Gabi gabi ay Hindi ako makatulog Sa pag iisip Kung ano na ang mangyayari sa Iyo? Nagpapakatatag ako para sa iyo Shane. Alam mo bang nasasaktan ako sa tuwing nakikita Kang lumuluha? Nasasaktan ako tuwing nakikita kitang nasasaktan. Hindi ko kaya. Tapos ikaw ito? Pinapabayaan mo ang sarili mo! Pano na ako? Pano na Tayo? Pano na Tayo makakabangon Kung ikaw mismo ay sumusuko na! Shane Hindi na maibabalik ang mga buhay nila sa pag iyak mo! Sa tingin mo matutuwa ang mga magulang mo sa ginagawa mo? Sa tingin mo magiging masaya sila? Diba hinde!" sigaw ko.
Nakatulala lamang si Shane at seryoso ang mukha. Naiinis na ako. Agad akong lumayo palayo sa kaniya. Pumunta ako sa gate ng sementeryo. Iintayin ko nalang siya dito. Hindi ko kayang Makita siyang umiiyak. Nasasaktan ako.
"Gelo, I'm sorry" Hindi ko namalayan na sumunod siya Sa akin. Paglingon ko ay nakita ko siyang tipid na ngumingiti. "Alam mo para kang tanga, huwag kang ngumiti ng pilit alam kong masakit" sabi ko.
Hindi niya na ako pinagpasalita pa at bagkus ay yinakap niya ako. Yinakap niya ako ng mahigpit at naramdaman ko nalang ang mga luha niya sa aking mga balikat.
"Salamat" utal niya. Hindi na ako nagsalita at yinakap ko siya pabalik.
Habang magkayakap ay nahagilap ng aking mga mata ang isang taong sobrang pamilyar ang mukha.
Kinilabutan ako sa aking nakita. Naka cap at Naka jacket siya. Hindi ako makapaniwala. Sino Ito? Paano?
Bumitaw ako sa yakap ni Shane at lalapitan ko sana ang sulok na iyon. Kinikilabutan ako at parang naninigas ang mga paa ko Sa kinakatayuan ko.
"Anong nangyari Gelo?" tanong ni Shane. Hindi huwag mong alalahanin iyon Gelo, hindi siya ang nakita mo. Huwag mong dagdagan ang mga iniisip ni Shane.
"Ah wala, may nakita lang. Tara na uwi na tayo" sabi ko at agad na hinatak Si Shane paalis sa lugar na iyon. Pano nangyaring buhay pa siya? Siya ba iyon? Hindi Hindi baka kamukha lang.
Hindi na ako nag isip tungkol sa bagay na iyon. Ayaw Kong dagdagan ang mga iniisip ni Shane. Tama na siguro ang ganito lang.
Hindi totoo ang nakita ko kanina.
Patay na siya, patay na si ITAY, patay na ang ama ni Shane. Hindi siya iyon.xoxo
+eDiNa🖤