Maaga akong nagising dahil Ngayong araw ang examination para sa Section B.
Wala nang ipinagawa ang amo namin ni Gelo dahil Alam nilang exam namin ngayon. Agad akong tumungo Sa kwarto ni Gelo para gisingin siya. Hindi pa siya lumalabas simula kanina. Kumatok muna ako sa kwarto niya ngunit walang sumagot Kaya binuksan ko nalang ang kaniyang kwarto.
"AHHHHHH SHT!" pasigaw kong sabi habang tinitingnan ang hubad na katawan ni Gelo. Hindi ko alam na nagbibihis pa siya. Hindi naman Kasi siya sumasagot!
Tinakpan ko ang aking mga mata at tumalikod sa kaniya. Ayaw Kong isipin niya na gusto kong pagmasdan katawan niya.
"Bakit kaba kasi bigla bigla nalang pumapasok? Bakit dika naghintay sa labas?" pangangaral niya sa akin. Hindi ko naman kasi alam na ganon ang mangyayari at tyaka kanina pa ako kumakatok langya.
"Kanina pa ako kumakatok ayaw mo namang sagutin kaya naisipan Kong tumuloy nalang at baka natutulog Kapa" paliwanag ko.
"Tss defensive" bulong nito. Hindi ko alam kong anong ibig sabihin niya. Baka iniisip niyang sinasadya ko.
"Anong Sabi mo?" tanong ko. Gusto kopa sanang magpaliwanag sa kaniya na Hindi ko sinasadya Iyo ng bigla siyang magsalita.
"Tara na baka mahuli pa Tayo Sa eskwelahan" Sabi niya at agad Nang lumabas. Hindi ko namalayan na nakabihis na pala siya.
Agad akong sumunod sa kaniya palabas ng kwarto. Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at agad nang lumabas ng bahay. Uminom lamang kami ng kape ni Gelo dahil malapit ng magsimula ang examination time namin. Pagkalabas namin ng Bahay ay agad kaming sumakay sa isang tricycle na nakaparada sa labas ng bahay. Habang nasa biyahe kami ay Hindi ko malimutan ang nangyari kanina.
Gosh! He's hot. Ano ba yang iniisip ko, hindi ako na turn on sa kaniya I'm just telling the truth like he's hot. His masculine biceps and his abs are so damn attractive like hell.
"Oh my gosh" Sabi ko ng namalayan Kong iyon ang iniisip ko. Agad Kong binura ang mga konklusiyon ko at agad na nag pokus sa biyahe.
Saktong tumigil na ang tricycle at agad akong lumabas ng sasakyan. Si Gelo ang nagbayad. Hindi ko na siya hinintay pa dahil naiilang ako Sa kaniya ng sobra. Ayaw Kong isipin niya na pinagnanasaan ko siya dahil Sa nakita ko like no way
Nagmamadali akong maglakad ng makasabay ko Si Sabrina na parang natatakot na Kung ano.
"Hoy Shane Dalian mo bilis" agad na bungad Sa akin ni Sabrina. Agad niya akong hinigit at nagmadali kaming tumakbo papunta sa kinaroroonan ng aming classroom Kung saan maraming mga estudyante, Pulis at guro ang nandoon.
Rihanna's POV
Nandito ako ngayon nakatingin sa babaeng nakahandusay Sa sahig. Wala nang mga mata, putol na ang dila at walang damit. Grabe ang gumawa nito sa kaniya. Hindi ko alam Kung paano Nila Ito nagawa. Grabe ang pagkamatay niya.Nakatingin parin ako Sa sahig na Puno ng dugo at nag iisip Kung sino ang posibleng gumawa nito Sa aming kaklase. Habang nag iisip biglang dumating si Sabrina kasama Si Shane.
Tiningnan ko ng mabuti Si Shane. Napaka amo ng kaniyang mukha. Hindi mo mawawari na Isa siya Sa mga pinaghihinalaan ko.
"Hoy Shane! Ikaw siguro ang may gawa nito noh? Ikaw ang pumatay sa kaniya! Ikaw! Ikaw Lang naman ang Naka away niya kahapon eh! Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng to! Ikaw ang pumatay sa kaniya!" sigaw ng kaibigan ng aming kaklase. Hindi ko Alam Kung anong iisipin at nagkaka dugtong dugtong na ang aking mga naiisip.
Si Shane. Nakita ni Sabrina kahapon na may babaeng medyo matanda na nakatingin ng maigi Kay Shane. Nasa likuran iyon ng mga bookshelves. Nakita ni Sabrina na minamasdan nito si Shane. Yun nga Lang ng tiningnan Ito ni Sabrina ay agad itong ngumisi ng mala demonyong ngisi na tila ba sinasabing umalis na Si Sabrina. Lahat ng ito ikinuweto ni Sabrina Sa akin.
Biglang sumingit Si Gelo sa babaeng nagsasalita.
"Anong pinagsasabi mo Erika? Walang kasalanan Si Shane sa pagkamatay ni Megan" Sabi ni Gelo. So Si Megan ang namatay.Shane's POV
Megan? Sa narinig Kong salita ay agad Kong inalala ang nakita Kong sulat kahapon. "M3G4N" Megan ang nakasulat dun. Naka jeje words lang. Hindi ko alam Kung bakit biglang kinilabutan ako sa aking nalaman. Hindi ko Alam ang iisipin ko. Ako nanaman ang pinagbibintangan nila. Hindi ko magagawa ang bagay na iyan. Patuloy pa rin akong pinagtatanggol ni Gelo. Ngunit agad na sumingit sa usapan Si Rihanna.
"Shane, alam ko na ang totoo. Alam Kong ikaw ang gumawa ng Lahat ng ito. Alam Kong ikaw ang pumatay Kay Megan. Alam ko na" patuloy na sinasabi ni Rihanna. Anong pinagsasabi Nila? Wala akong alam Sa pagkamatay ni Megan.
Agad na hinawakan ni Sabrina Si Rihanna para patigilin Ito Sa pagsasalita. Marami na ang nakatingin Sa akin. Pati mga Pulis at guro ay parang kwini kwestiyon ako Sa mga tingin Nila.
"Sab, lumayo ka Sa babaeng iyan. Demonyo yan! Demonyo! Ikaw ang gumawa ng Lahat ng ito!" sigaw ni Rihanna. "Saan ka galing kagabi? Sigurado ka bang nasa bahay ka? Pumunta ako Sa Bahay kagabi dahil tulad ng sinabi mo Doon ka nagtratrabaho. Dahil Sa kagustuhan Kong maging kaibigan ka ay pinuntahan Kita ngunit Si Gelo na mahimbing na natutulog ang naabutan ko, sige nga Shane, Nasaan ka ng mga oras na iyon? Ha?!" patuloy na sinasabi ni Rihanna.
Agad namang sumigaw Si Sabrina Kay Rihanna.
"Pwede ba tumigil kana! Hindi natin alam ang totoo! Wag mong palala lain ang problema!" Sabi ni Sabrina. Hindi ko Alam kung ano ang iisipin ko. Sa aking naalala ay natulog na ako kagabe ng maaga. Hindi na Rin ako umalis ng Bahay.Magsasalita pa Sana si Rihanna ng biglang sumingit ang isang guro.
"Lahat ng estudyante ng Section B ay umuwi na muna. Cancelled ang examination day niyo at maaaring Sa susunod na linggo na lamang.Maraming natuwa Sa sinabi ng guro at ang kabilang section naman ay marami pang sinasabi pa tungkol sa Amin. Hindi ko Alam Kung anong iisipin ko ngayon. Lahat ng pinag aralan ko ay nawala. Sa kalagitnaan ng pag iisip ay biglang may bumato ng papel Sa akin. Sinundan Ito ng napaka maraming papel. Tiningnan ko Kung sino ang nambabato, mga kaklase namin ito. Mga kaibigan ni Megan.
"You're a bitch!"
" Magaling ka ring umacting no?"
"Mamatay kana!"Sabi ng tatlong kaibigan ni Megan. Agad akong hinigit ni Gelo papalayo Sa mga Tao. Hindi ko Alam na naiiyak na pala ako. Bakit ganito? Gusto ko Lang naman mag Aral para maging proud ang aking mga magulang Sa akin. Pero bat Ito na ngayon ang nangyayari? Pinahid ko ang mga luha ko at nagpadala Sa pagtakbo ni Gelo. Ngayon Lang niya akong nakitang umiyak. Agad siyang pumara ng Tricycle.
Someone's POV
Nakita ko ang babaeng responsable Sa pagkamatay ni Megan. Tiningnan kong mabuti ang nagnga ngalang si Shane. Nakatayo Ito habang inaaway ng kaniyang mga kaklase. Alam Kong siya ang pumatay sa kaniyang mga magulang at kaklase. Alam ko ang lahat. Nakikita ko ang lahat.
-enamazing🖤