[ The Thruth ]
Itay's POV
Nakapasok na ng paaralan si Shane kaya agad akong nagtungo sa aking asawa para tanungin kong may problema siya. Kahapon kopa napapansin ang Hindi niya pag pansin sa akin. Pati sa pagtulog namin ay mailap siya. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong ikinagalit niya.
Pumunta ako sa kwarto naming mag asawa dahil ng makaalis si Shane ay agad itong nagtungo sa aming kwarto.
Hindi ko alam Kung may alitan ba ang dalawa o ano. Kaya tatanungin ko siya. Wala rin naman na akong customer ngayong araw dahil inasikaso ko na iyon kagabe pa.
Bubuksan ko na Sana ang pinto ng aking kwarto ng marinig ko siyang nagsasalita ng mag isa. Ilinapit ko pa ang Tenga ko sa aming pintuan.
Hindi ko talaga alam kung anong nangyayari sa kaniya. Kahapon ng pag alis ko ay okay pa siya. Pero nang pagbalik ko ay parang hindi siya mapakali. Parang Hindi siya ang kasama namin sa bahay.
Dahil sa kaniyang inaasta naalala ko tuloy ang dating kaibigan niya sa kaniya. Si Sita, ang babaeng matalik na kaibigan niya. Ang babaeng pumatay sa unang kalaguyo ni Mira ang aking asawa.
Ang alam ko lang ay si Sita lang ang tumatawag ng buong pangalan ni Mira. Si Sita lang ang hindi niya pinapagalitan sa tuwing tinatawag siya ng buong pangalan niya.
Naging kami ni Mira noon, at naging Anak namin si Shane. Alam ko rin na dahil kay Mira ay may alitan ang pamilya nila at pamilya ni Sita.
Si Sita ang nauna kay Raul. Pero mas pinili ni Raul si Mira. Hindi ko rin masisisi si Raul dahil maganda at matalino si Mira samantalang si Sita ay parang carbon copy lamang niya.
Pinakinggan ko ang mga sinasabi ni Mira. Bumubulong siya ng mga katagang Hindi ko naman maintindihan. Mga katagang alam kong hindi isang lengguwahe. Parang ritwal o ano.
"Semiro semiro kro kro sharakajulagubatayubikarsubna" mga katagang paulit ulit niyang sinasabi.
Hindi ko na napigilan ang aking sarili at bigla kong binuksan ang pintuan ng aming kwarto.
"Mira okay kalang ba?" agad kong pambungad sa kaniya. Pero imbes na sagutin niya ang aking tanong ay Hindi niya ako pinansin at tumayo siya.
Pumunta siya sa may drawer at kumuha ng papel at ballpen. Hindi ko Alam Kung anong gagawin niya. Hindi ko alam ang nangyayari sa kaniya.
Agad siyang nagsulat sa papel. Katapos nito ay ibinulsa niya Ito.
"Kukuha lamang ako ng makakain mo" sabi nito sa isang malamig na tono. Nakalimutan na ba niya na Hindi ako hilig mag almusal sa umaga. Nagkakape lamang ako dahil ito na ang nakasanayan ko.
Pero dahil parang wala siya sa kaniyang wisyo ay hindi ko na rin siya pinigilan. Ayaw kong humaba pa ang usapan namin. Ayaw kong magkaroon ng gulo.
Limang minuto akong naghihintay sa kwarto pero Hindi pa rin siya bumabalik.
May narinig akong kalabog sa kusina kaya agad akong tumayo para tingnan kung ano iyon.
Pagtayo ko ay may nakita ako sa ilalim ng aming kama.
Dahan dahan kong tiningnan Kung ano iyon.
Isang tsinelas? tsinelas Ito ni Shane diba? Pano napunta sa ilalim ng aming kama?
Hindi ko na pinansin iyon. Tatanungin ko nalang mamaya si Shane. Agad akong lumabas Sa aming kwarto at nagtungo sa kusina.
Parang nawalan ako ng lakas ng Makita ko ang aking asawa na nakahandusay Sa sahig. Hindi. Hindi maaari. Anong nangyari?
Maitim ang mga mata nito at pati ang kulay nito ay nangingitim na rin.
Hindi ko namalayan ang aking sarili na sumisigaw dahil sa lungkot at sakit.
"A-anong nangyari? s-sino ang may gawa nito? P-pano?" tanong ko na alam ko namang hindi niya ito masasagot na.
Wala na akong ibang naisip kundi tumawag ng saklolo. Agad akong tumawag ng ambulansiya.
Limang minuto akong nakatungo at umiiyak sa harapan ng bangkay ng aking asawa.
Pano nangyari ito? Ano ang nangyari? Kahit yata tanungin ako ng mga doktor kung ano ang nangyari ay Hindi ko Ito masasagot.
Wala na ang asawa ko. Wala na ang babaeng kailan man Hindi ako sinukuan. Ang babaeng minahal ako ng lubos pa sa kaniyang buhay. Wala na siya. Wala na. Pano na ito? Pano na kami ng anak natin? Pano na?
Hindi ko namalayan ang pagdating ng tulong. Agad nilang binuhat ang bangkay ng aking asawa at isinakay sa stretcher. Iyak ako ng iyak.
Tatayo na sana ako ng may Makita akong papel na nakapatong sa mesa. Kinuha ko Ito at tiningnan.
Lalo pa yata akong nanlumo sa aking nabasa. Hindi maaari. P-pano?
Hindi magagawa ni Mira iyon. Hindi niya kayang gawin iyon. Hindi. Kilala ko ang asawa ko. Hindi siya magsisinungaling Sa akin. Alam kong hindi Ito totoo. Hindi dapat.
Hindi totoo na hindi ako ang ama ni Shane. Ako ang ama niya hindi si Raul. Bago naging kami ay hindi siya buntis. Sinabi niyang ako ang ama ng bata. Kahit kailan Hindi magsisinungaling si Mira sa akin.
Agad Kong tinawagan si Shane. Ilang segundo ay sumagot rin Ito.
"Tay, anong kailangan niyo?" tanong niya sa kabilang linya. Iniisip ko palang na Hindi ako ang tunay niyang ama ay nasasaktan na ako. Ang pagkawala ng aking asawa at ang aking mga nalaman ay masakit na sobra sobra. Hindi ko na kaya Ito. Ayaw ko na.Iyak lang ang naging tugon ko sa Anak ko. Ayaw kong masaktan siya.
"Tay bakit kayo umiiyak? Anong nangyari? Nasaan si Inay? Anong nangyayari?" sunod sunod na tanong ni Shane.
Wala akong nagawa kundi sabihin ang totoo sa kaniya.
"Shane, wala na ang inay mo. Nakita ko na lamang siyang nakahandusay sa sahig at maitim ang mga mata" sagot ko sa Anak ko.
Wala akong nakuhang tugon sa kabilang linya. Napansin Kung pinatay niya na ang tawag.
Nagmadali akong pumunta Sa hospital Kung saan nandoon ang asawa ko.
Pagsisimula palang ng klase ni Shane at ito agad ang kaniyang nadatnan. Napakasakit para Sa akin ang lahat.
Alam kong kailangan Kong maging matapang at malakas para may makapitan si Shane. Ayaw Kong dalawa kaming maging Mahina.
Agad akong sumakay ng tricycle at sinundan ang ambulansiya. Wala na akong naiisip kundi Pano na ang buhay namin ni Shane.
Pagkarating ka sa hospital ay agad siyang itinungo sa Morgue. Nag intay ako sa pagdating ni Shane.
Biglang dumating ang isang doktor at lumapit sa akin. "Doc, may Alam po ba kayo Sa posibleng nangyari?" tanong ko sa doctor.
"As of now wala pa po, Hindi po namin ma identify ang posibleng nangyari sa asawa niyo" sabi ng doktor.
Agad akong nanghina at napaupo sa sahig.
Masakit. Ang sakit sakit. Hindi ko kaya. Tanggap ko na. Wala na si Mira. Ang babaeng naging dahilan ng pag iwan ko sa pamilyang Mariano. Ang aking tunay na angkan.
xoxo
-edina🖤