Gelo's POV:
Lahat kami ngayon ay nandito sa stock room. Wala sa aming nagsasalita. Lahat kami ay takot. Takot na baka di kami makaligtas. Takot na baka di namin matalo ang Vivian na nasa katawan ni Shane. Tiningnan ko si Mang Brando, malalim ang kaniyang iniisip.
"PAANO NA TAYO MAKAKALIGTAS NGAYON? TANGINA NAMANG BUHAY TO. GUSTO KOPANG MABUHAY AYAW KOPANG MAMATAY" umiiyak na sambit ni Sabrina.
Pati ako ay naawa na rin sa aming kalagayan. Lahat kami ay mapapahamak. Wala akong nagawa kundi mag buntong hininga nalang."Tahan na Sab, wag kang umiyak kaya natin to" pang aalo ni Rihanna. Kung titingnan ay matapang at parang walang takot na nararamdaman si Rihanna pero Alam kong natatakot at nahihirapan na rin siya.
Agad akong tumingala sa ceiling ng classroom. Medyo madilim dito dahil ang ginagamit lang naming ilaw ay yung makaluma at hindi buong classroom ang nasasakupan ng ilaw.
"May naisip akong plano" sambit ni Mang Brando. Lahat kami ay nabuhayan sa kaniyang sinabi. Lahat kami ay nakaramdam ng isa pang pag asa.
"S-sure naba kayo diyan na hindi sasablay at hindi tayo mapapahamak?" nag aalalang tanong ni Sabrina.
Tiningnan ko si Mang Brando, napasinghap lamang siya sa hangin.
"Hindi ako sigurado kung mabubuhay tayo pero ang alam ko ay magtatagumpay tayo na wakasan ang kademonyohang ito" seryosong sambit sa amin ni Mang Brando.
Lahat kami ay nadismaya sa sagot ni Mang Brando. Walang kasiguraduhan ang plano para sa aming buhay. Napabuntong hininga na lamang ako at tyaka tiningnan si Rihanna. Bakas sa kaniyang mukha ang lungkot at takot.
"Natatakot akong magsugal ng buhay, marami pa akong pangarap" sambit ni Rihanna.
Lahat kami Dito ay takot mamatay. Lahat kami ay takot na baka pagkatapos nito ay wala nang matira sa amin.Inisip ko ang mga masasayang alaala ko kasama si Shane. Nalulungkot ako na baka hanggang alaala na lamang iyon.
"Payag ako sa plano" sambit ko. Wala akong pakealam kung mawawala ako. Ang gusto ko lamang ay maibalik na muli ang dati. Ang matigil na ang lahat ng ito.
"GELO! NAHIHIBANG KANA BA? MAMATAY TAYO NIYAN! ISIPIN MO NAMAN ANG MGA MAHAL MO SA BUHAY NA IYONG MAIIWAN!" sigaw ni Sabrina sa akin. Wala na akong Mahal sa buhay na maaaring maiwan. Si Shane na lamang ang tangi kong kinakapitan.
"KASALANAN NIYO TO EH! KUNG BAKIT KASI LUMIPAT PA KAYO DITO! KUNG BAKIT KASI NAG ARAL PA KAYO DITO!" umiiyak na sigaw ni Sabrina. Wala akong magawa kundi tanggapin na lamang ang masasakit na salita niya.
"Ano ba Sab Tama na! Lahat naman Tayo ay susugal sa pisteng plano na ito! Kung Hindi Tayo kikilos ay pwede Rin tayong mamatay. Anong gusto mo? Mamatay na Hindi lumalaban o mamatay na lumalaban?" seryosong sambit ni Rihanna. Tama siya, mamatay rin naman kami kailangan na rin naming magsugal ng buhay.
"H-hindi, may iba pang paraan" iyak na sabi ni Sabrina. Naiintindihan ko siya, Kung ako Rin naman ay naiiyak na sa aming sitwasyon.
"Anong plano natin?" Sabi ko na agad na tiningnan si Mang Brando.
"Basta sumunod na lamang kayo sa aking sasabihin" sambit ni Mang Brando."Kelan natin isasagawa ang plano?" seryosong tanong ni Sabrina. Sa wakas umapi na rin siya sa amin. Alam Kong nahihirapan siya pero kailangan niyang magpakatatag.
"Mamaya natin isasagawa kapag malapit na dumating ang mga Pulis, kinontak ko na sila ang Sabi ay matatagalan daw dahil may nakawan na malapit sa eskwelahang ito at lahat ng Pulis ay nandoon" sambit ni Mang Brando.
"ANO?! MAS UUNAHIN PA NILA IYON?! PISTENG MGA MAGNANAKAW NA IYAN! WALANG MAGAWA SA BUHAY" saad ni Rihanna. Pati ako ay hindi alam kong gaano pa kami magtatagal sa pagtatago Dito dahil Alam Kong maaaring matunton ni Shane ang aming pinagtataguan.
Lahat kami ay nakaupo at iniisip ang mga mangyayari sa amin.
Tiningnan ko si Sabrina, makikita siyang iyakin at sensitibong tao pero alam Kong matapang Ito Sa kaniyang kaloob looban.
Si Rihanna naman ay makikitang matapang. Mas ipinapakita niyang matapang siya dahil alam niyang kung magiging Mahina siya ay ikakapahamak niya iyon.
Nakaupo kaming lahat at tanging ang paghinga lamang namin ang aming maririnig.
Walang nag uusap sa amin. Lahat may sariling mundo.
"Naririnig niyo iyon?" sambit ni Mang Brando sa amin. Lahat kami ay naalarma sa sinabi niya.
Gumawa ng sign si Mang Brando na huwag maingay. Lahat kami ay pinakinggan Kung ano ang naririnig ni Mang Brando.
YAWA. Lumalakas ang tibok ng aking puso. Isang mga yabag ng paa na papalapit sa pintuan ng classroom. Papalakas at papalapit ito kaya sinenyasan kami ni Mang Brando na magtago.
Kaming lahat ay naalarma at Dali daling nagtago. Si Sabrina ay nagtago sa isang cabinet malapit Sa may table na luma. Madilim Sa parteng iyon Kaya Hindi siya madaling Makita.
Si Rihanna naman ay nandoon sa likod ng mga newspapers at papel na nakatambak. Maraming papel ang nakatambak Doon at Hindi siya madaling Makita. Ako naman ay dali daling pumasok sa isa sa mga cabinet na malapit sa dulo ng classroom.
May maliit na butas ang kabinet kaya nakita ko si Mang Brando na nakatago sa dali daling nagtago sa isang malaking kurtina na nakabalot sa sofa. Pumunta siya sa likod ng sofa. Malapit Ito Sa may pintuan sana ay hindi siya makita.
Habang tumatagal ay mas lumalakas ang yabag ng mga paa. Papalakas at papalakas ito hanngang tumigil Ito Sa harap ng aming pintuan. Nakikita Kong unti unti nitong binubuksan ang door knob ng pintuan.
Yawa nakalimutan naming I lock ang pintuan.
Isang malakas na sipa ang aming narinig. Tiningnan ko ang butas ng kabinet. Papalapit siya sa kinaroroonan ni Sabrina. Napatakip ako sa aking bibig. Papalapit na si Shane. Dali dali akong naghanap ng maaaring ipampalo.
Lalabas na sana ako ng biglang lumabas si Rihanna Sa pinagtataguan niya.
"Hoy! Ako ang harapin mo!" matapang na sigaw ni Rihanna. Tangina.
Tiningnan ni Shane si Rihanna. Nakangisi na ito habang pinaglalaruan ang gunting na hawak nito.
Lumabas ako sa pinagtataguan ko.
"AKO NA ANG BAHALA DITO! LUMABAS NA KAYO! ISAMA NIYO SI TATANG BRANDO" sigaw ko habang hawak ang isang bakal nahanap ko Ito sa kabinet.Tatakbo sana si Sabrina papalapit sa gawi namin ng bigla siyang hablutin ni Shane.
"Siya ang gusto ko eh" sambit ni Shane habang pinaglalaruan ang gunting na hawak nito.
"Tangina mo Shane! Bitawan mo siya!" sigaw ni Rihanna at tumatakbo papalit Kay Shane.
"RIHANNA HUWAG!" sigaw ko. Tatakbo na sana ako papalapit sa kanila ng bigla akong hablutin ni Mang Brando.
"Sila Rihanna! Tulungan natin sila" sambit ko. Agad namang tumango Si Mang Brando.
Nagulat kami ng biglang binitawan ni Shane si Sabrina at agad na hinablot si Rihanna. Nanlalaban Si Rihanna kaya nahihirapan Si Shane Sa kaniya.
"UMALIS NA KAYO! ILIGTAS NIYO SI SABRINA! HAYAAN NIYO NA AKO! PUMUNTA KAYO AGAD SA LIGTAS NA LUGAR! DALIAN NIYO!" sigaw ni Rihanna sabay sipa sa tiyan ni Shane.
Nagulat kami Sa nangyayari Kaya wala Sa Amin ang nakakagalaw.
Agad naman akong tinapik ni Mang Brando. Nagbalik ako Sa huwisyo at agad Kong tinulungan si Sabrina na makatayo.
"TUMAKBO na kayo!" sigaw ni Rihanna.
"H-huwag, Rihanna" iyak ni Sabrina. Wala na kaming nagawa kundi hilahin si Sabrina papalabas at tumakbo kami ng tumakbo.
-edina🖤