[ DREAM THE UNEXPECTED ]
What the hell happened? Parang kanina lang ay masama ang tingin ng babaeng Ito Sa akin pero ngayon tumatawa siya. Adik ba to?
"Naku Roshanne matatakutin ka , btw I'm Rihanna kapitbahay bahay mo ako, HAHAHAHAHAHAHAHA nakakatawa ka pala. Nandito ako kasi pinapabigay ng mga magulang ko ang ulam na Ito" she uttered. I was about to accept the food when she smiled at me and hand me her hand. "Can we be friends?" she said.
I don't think i am ready to have a friend except gelo. I don't want any connections, lahat ay iiwan Tayo Sa huli. Swerte mo kung may mag stay pero lahat ng taong mga minamahal natin ay siya ring magpapaiyak sa atin. Iniiwasan ko ang mga kaibigan sa lugar na ito. Ayaw Kong may mapahamak ng dahil sa akin. I don't want to accept her hand pero huli na ang lahat ng mapagtanto kong siya na mismo ang kumuha ng aking mga kamay. After letting go of my hand she handed me the food.
"Ito oh, aalis na ako dahil madilim Dito sa may inyo may nasira kasing street light Sa may Banda dun" turo niya sa isang eskinita na napakadilim. Oh, that's how. Kaya naman pala madilim Dito. Lima Lang kasi ang street light na matatagpuan sa may amin. "Okay sige bye" she uttered with a smiling face. I didn't reply at her. Bahala siya sa buhay niya. Hindi ko napansin na wala na siya.
I was about to enter our gate when someone called my name. "Shaneeeeeeee" Gelo shouted. Niyakap niya ako na para bang miss na miss niya na ako. Parang timang naman ng taong Ito maygahd. "Uy, matulog ka ng maaga ngayon dahil bukas ay pupunta tayo ng school para magpa enroll" sabi niya. Ah oo nga pala muntik ko nang makalimutan na papasok na pala ako sa makalawa. "Ah oo alam ko, tara pasok ka saan kaba galing?" tanong ko. "Dun lang HAHAHA sige lang Hindi muna ako papasok dahil baka hinahanap na ako ng amo ko" sabi niya. "Sabi ko naman kasi sayo na wag kanang mag trabaho at okay Lang na Dito ka tumira sa amin" sabi ko sa kaniya. Oo alam kong Hindi kami mayaman pero Kaya naman naming Maka kain ng tatlong beses sa isang araw.
Hindi ko Alam Kung ano bang pumasok sa isip ng kaibigan ko at mas pinili niyang magtrabaho. "Naku wag na HAHA Kaya ko naman at tyaka Alam ko namang mas kailangan niyo ng pera para Sa pag aaral mo at Kaya ko naman buhayin ang sarili ko" sabi niya.
Akmang aalis na Sana siya ng mapagtanto kong baka hindi pa ito kumakain. Ang amo niya kasi ay mahigpit at maliit lamang ang pinapakain sa kaniyang mga trabahante. "Gelo Ito oh sayo na bigay ng bago naming kapitbahay" abot ko Sa kaniya ng ulam na bigay ni Rihanna. "Naku Salamat sakto gutom na ako, mukhang masarap Ito ah. Sige Shane Alis na ako babye" sabi niya sabay flying kiss. HAHAHAHA nakakatuwa talaga tong di Gelo. "Mag iingat ka" sabi ko na Alam kong Hindi niya na maririnig.
Pagpasok ko Sa aming bahay ay nadatnan Kong nakaupo si inay sa may sofa at si itay naman ay nanonood ng TV.
Simula ng lumipat kami Sa bahay na ito parang naging normal na ulit ang takbo ng aking buhay. "Nay, Tay kumain na kayo? Tapos na po ako kumain at may nagbigay ng ulam sa atin kaso ibinigay ko nalang kay Gelo kawawa naman siya" sabi ko. Walang imik sila inay at itay at mukhang nag e enjoy pa manood ng TV.
Agad akong pumasok Sa aking kwarto. Ang kwarto na saksi sa lahat ng mga masasamang napapanaginipan ko. Pagod na pagod ako sa araw na Ito Kaya agad akong nakatulog.
------
Takbo ako ng takbo sa isang napakadilim na mahabang pasilyo. Nasaan ako? ano Ito? tangina naman wala akong makita. Sa aking pagtakbo isang liwanag ang aking nakita. Ayun, tinahak ko ang liwanag.
Sa di inaasahan ay nakita ko ang aking sarili na duguan at may hinahabol. Agad na naagaw ng aking pansin ang bagay na hinahabol ng taong nakikita Kung ako.
Laking gulat ko ng Makita Kung sino Ito. Tangina. May hawak na kutsilyo ang babae at agad na sinaksak ang kaniyang hinahabol. Walanghiya. Hindi ako to, hindiiiii. Anong nangyayari Sa akin? Bakit ko to nakikita? Hindi ako ang may gawa niyan. Tangina naman oh.
Parang totoo ang aking panaginip, parang totoo na ako ang pumapatay.
Agad na sinaksak ng babae ng walang awa ang nilalang na nasa harap niya. Gamit ang isang kutsilyo ay pinagsasaksak niya Ito at agad na lumabas ang mga lamang loob ng nilalang na iyon. Napakasangsang ng amoy. Dugo, Puro dugo ang aking nakikita. Natalsikan ng dugo ang mukha ng babae.
Natuptop ko ang aking mga bibig ng Makita na pinutol niya ang ulo ng nilalang na iyon. Tangina. Naduduwal ako Sa aking nakikita. Gusto kong lumayo at paniwalain ang sarili na Hindi ako ang may gawa nun. Hindi ako iyan.
Tatakbo na Sana ako ng lingunin ako ng babae. Tangina kamukha ko talaga siya. Ano to? Ako ba Ito? Ngumisi siya ng nakakakilabot Sa akin at nakita ko ang kaniyang bibig na Puro dugo. Walanghiya. Kinain niya ang lamang loob ng nilalang. Nasusuka ako Sa aking nakikita. Ang atay ay nasa bibig pa niya. Ang mga mata ng nilalang na kaniyang pinatay ay kaniyang nginunguya. Naiiyak ako Sa sakit at takot. Naiiyak ako dahil Alam ko na ako nga Ito. Ako ang pumatay Sa kawawa naming pusa.
Tatakbo na Sana ako ng bigla niyang iabot sakin ang kutsilyo na hawak niya. Parang sinasabi na ako ang may ari ng kutsilyong hawak niya tangina talaga.
Ayokoooo naaaaaaaa. I want to wake up. Please can somebody wake me up.
My heart beat fast when she started walking towards my direction. I want to run but my feet can't move. My feet cant function well because of terror. I'm sweating because of terror. My hands are shaking. What is happening? I can't breathe.
Nandito na ang babae sa harapan ko. Nahihirapan na akong huminga. Inabot ng babae ang kutsilyo at akmang sasaksakin ako ngunit biglang may sumigaw Sa pangalan ko.
"ROSHANNE!" napabalikwas ako ng bangon ng Makita ko si inay na umiiyak habang hawak ang aking mga kamay. "Anak binabangungot ka kanina. Sigaw ka ng sigaw Kaya agad na pumunta kami ng tatay mo saiyo anong ba kasing napanaginipan mo?" tanong ni inay.
Hindi ako nakapagsalita at inalala ko ang aking panaginip.
Si markudo ang pusa ko. Ako ang pumatay sa pusa ko.xoxo
-edina🖤