Chapter 12: The Killer

20 14 0
                                    

Someone's POV

Habang naglalakad sa isang mahabang kalsada isang tili ng Babae ang aking narinig. Malalim na ang Gabi kaya agad akong natakot Sa aking narinig. Papunta ako ngayon sa bayan para mamili ng pagkain. Nasa may bundok ako nakatira dahil Isa akong albularyo. May katandaan na ako kaya iniingatan ko ang aking katawan.

Nasa may malapit na ako ng eskwelahan ng Saint Anthony ng marinig ko ang tili ng isang babae.
Hindi ko Alam kung anong gagawin ko Kaya nagmadali nalang ako Sa paglalakad. Nang makarating ako Sa tapat ng eskwelahan ay sumilip muna ako dahil Sa kyuryosidad.

Agad Kong natutop ang aking bibig ng Makita ko ang isang babae na tinatanggalan ng mga mata. Naduduwal ako Sa aking nakita.
Tiningnan ko ang babaeng gumagawa nun. Sa tantiya ko ay isa siyang estudyante Rin at ka edad ng babaeng kaniyang pinapatay.

Itim ang ilalim ng mga mata nito. Umaatras ang babae sa kaniya at gumagapang Sa lupa. Hindi ko kayang tingnan ang babae. Hindi na Ito nakakapaglakad Sa tingin ko ay binalian siya.

Gumagapang ng gumagapang ang babae ng biglang mahagip nito ang aking kinaroroonan. "Tulong! Tulungan mo ako! Tulong! Tulong!" sigaw ng Babae. Sa tak toot na baka ako ay Makita ng babaeng pumapatay ay agad akong pumunta Sa may mga halaman at nagtago. Nagdadasal ako na Sana ay Hindi pumunta Sa kinaroroonan ko ang babae.

Babae Lang Ito Pero Hindi parang babae lang, parang may Kung anong masamang Espirito ang nasa katawan nito. Nararamdaman ko ito. Pamilyar ang mukha ng babaeng pumapatay sa akin.

Nang tumagal ay wala akong narinig na ingay mula Sa loob Kaya agad akong tumungo at sumilip Muli Sa gate ng eskwelahan.

Nakita ko ang babaeng wala ng Malay. Ang babaeng kanina ay sumisigaw ay patay na.

Agad namang hinatak ng killer ang babae at ipinasok Sa eskwelahan. Hindi ko Alam Kung saang room nito dadalhin at Hindi na ako nagtagal Doon. Natatakot ako na baka ako ang isunod na patayin. Mababaliw ako Sa kaiisip Sa mga nangyari. Pamilyar ang babae. Parang Isa siyang Shemiren. Ang pamilyang sumira sa pamilya namin. Kilala ko na siya. Siya ang anak ng aking kapatid. Si Raul.

Shane's POV

Nandito ako ngayon sa presento dahil ako ang kanilang gusto makapanayam. Hindi na ako nagsalita pa at komontra bagkus ay sumasagot na lamang ako Sa mga tanong Nila. Ang kinakatakutan ko ay wala akong masyadong maalala. Hindi ko masyadong maalala ang mga nangyari. Wala akong maalala na nangyari Sa akin kahapon.

"Miss, nasaan ka kagabi? Sa bandang mga alas nwebe?" tanong ng Pulis. Hindi ko Alam ang isasagot ko dahil wala akong maalala. Hindi ko Alam Kung anong sasabihin ko. Sa tingin ko Lang naman ay natutulog ako Pero parang Hindi sumasang Ayon ang diwa ko.
"Kasama ko po siya" biglang may sumingit Sa aming usapan. Hindi ko Alam Kung Si Gelo Ito dahil nasa likuran ko Ito. Akala Koba ay may importanteng utos ang amo namin Kaya agad na pinauwi si Gelo. Ako Lang ngayon ang dinala rito dahil tumawag ang amo namin at pinapatawag Si Gelo. Kaya ko naman ang sarili ko Kaya okay Lang Sa akin iyon.

Agad Kong nilingon ang lalaking nagsalita Sa aking likuran. Laking gulat ko ng Makita ang SSG president namin. Si Bryan. Naaalala ko pa siya. Siya ang tumulong Sa akin noong nagpapa enroll ako Dito.

"Nag date po kami Sa mga oras na iyon Kaya imposibleng siya ang pumatay at saka Kaya nagalit si Megan Sa kaniya dahil nalaman nilang girlfriend ko siya" Sabi pa niya. Hindi ko Alam Kong saan galing ang mga pinagsasabi niya Pero parang naniniwala naman tong mga Pulis Kaya Hindi na ako sumabat pa. Gusto ko na ring makauwi.

"Kung gayon saan kayo nagpunta ng mga oras na iyon?" tanong pa ng isang Pulis. Hindi ko Alam Kung anong isasagot niya. Tiningnan ko siya at nakatingin siya Sa akin na para bang nagtatanong Kung anong dapat sabihin. Aba Hindi ko Alam siya ang nagsimulang magsabi na kasama ko siya.

"Pumunta po kami Sa bahay namin para ipakilala ko siya Sa aking mga magulang" Sabi niya ng nakangisi. Agad ko siyang nilingon at parang natutuwa siya Sa pagsisinungaling niya.

Ilang oras kaming naghintay ni Bryan Sa sasabihin ng Pulis Kong pwede na ba akong Maka alis. Sa wakas ay isang officer ang pumunta Sa Amin at sinabing  pwede na raw akong umalis.

Lalabas na Sana ako ng hawakan ni Bryan ang braso ko.
"Hindi mo man Lang ako pagpasalamatan? you're welcome ah" Sabi nito.
"Hindi naman ako humingi ng tulong" Sabi ko at Dali daling naglakad palabas. Sumunod naman siya Sa akin.
"Ang bilis mo namang maglakad" Sabi nito. Katabi ko siya ngayon habang naglalakad. Hindi ko pinansin ang mga sinasabi niya at patuloy na naglalakad patungo sa may sakayan.
"Shane, Hindi naman ikaw talaga ang pumatay diba?" wika niya. Hindi ko Alam Kung saan niya napulot ang ideya na posibleng ako ang gumawa noon. Hindi ko magagawa ang bagay na iyon. Alam ko Sa sarili ko na Hindi ko magagawa iyon. Napatigil ako Sa paglalakad at tiningnan Si Bryan. Tumigil din siya Sa paglalakad.

"Sa tingin mo?" tanong ko. Hindi niya ako sinagot at tumingin lamang siya Sa mga mata ko.

"Sa tingin ko Hindi" iyon lamang at tumingin siya Sa kalangitan. "Sana" may sinabi siya Pero Hindi ko narinig. Agad siyang naglakad palayo sa akin at naiwan akong mag isa Dito habang nag aantay ng masasakyan. Hindi ko Alam Kung bakit ngayon parang nagdadalawang isip na ako. Maaaring........ Hindi Hindi Hindi. Hindi mo magagawa iyan Shane. Hindi. Alam ko. Agad akong pumara ng Tricycle.
Sinabi ko ang address ng Bahay ng amo namin. Habang nasa biyahe ay may nahagilap ang aking paningin. Isang lalaki. "Kuya itigil mo muna" wika ko. Agad namang itinigil ng lalaki. Agad akong lumabas para tingnan kung sino iyon. Parang pamilyar ang mukha niya. Hindi kopa siya nakikita Pero parang may koneksiyon kami. Hindi ko Alam Kung Tama ba ang aking naiisip, nababaliw na yata ako. Agad akong pumasok Muli Sa tricycle.
"Sige kuya okay na" Sabi ko. Agad na umandar Muli ang sasakyan hanggang Sa makarating na ako ng Bahay.

-enamazing 💀

Cursed RoshanneWhere stories live. Discover now