[ Meet the Queen ]
Tanghali na nang makapunta kami ni Gelo sa eskwelahan para makapagpa enroll. Enrollment ngayon para sa mga late enrollees. Hindi ko pa rin makalimutan ang aking napanaginipan.
Pumunta kami sa pila ng mga nag e enroll, well maganda ang eskwelahan medyo makaluma nga lang. "Saint Anthony School" ang pangalan ng eskwelahan na Ito. Maramimg kabataan ang nakapila at nasa panghuli kami.
Hayst, kasi naman ang bagal bagal ni Gelo kanina, ang amo niya kasi ay mahirap pag paalaman.
Tirik ang araw at saktong may nakita akong buko juice sa may eskinita ng eskwelahan.
"Gelo, bumili ka muna ng buko juice mainit eh nauuhaw na ako" sabi ko Kay Gelo. Agad namang tumugon sa utos ko si Gelo. Pagbalik niya ay tig isa kami ng buko juice.
Iinom na sana ako ng biglang may tumulak Sa akin sa likod na naging dahilan ng pagkabuhos ng buko juice sa puting T-shirt ni Gelo. Wtf. "Hala, sorry Gelo may tumulak kasi Sa akin" paliwanag ko. Hindi pa nakakatugon si Gelo ay may nagsalita na sa likuran ko.
"Excuse me losers, you're blocking our way" sabi ng maganda at sexy na babae pero ubod ng sungit ang mukha. Panay kolorete at make up ang kaniyang mukha. Well maganda na sana siya kung di lang pangit ugali.
Hindi ko na sana papansinin ng bigla ulit itong nagsalita. "Are you deaf or something?" sabi nito pero agad akong nag iwas ng tingin. Iniiwasan ko ang gulo sa eskwelahan na Ito dahil gusto kong pumasa at Hindi magka bad record.
Kumuha ako ng panyo Sa aking bag at pupunasan ko na Sana si Gelo ng biglang magsalita ulit ang babae. Di ba Ito nagsasawa? "Hey bitch, i said you're blocking our way, padaanin mo naman ang mga magaganda" sabi nito ang kapal ng mukha yawa.
"Ahm, first of all I'm not blocking your way dahil Hindi Ito Daan, pila po Ito andun ang Daan oh" turo ko sa Daan papasok sa school. Nasa labas kaming mga nag e enroll.
"Duh, obviously andito kami para magpa enroll, ayaw naming mahuli Kaya padaanin mo kami bitch" mataray na tugon nito. "Kanina pa kami dito nag iintay at kararating mo lang, sa tingin mo sinong tanga ang magpapadaan sayo?" sagot ko naman."Ikaw. Paparaanin mo ba kami or hindi, di mo ba kilala Kung sino ang kinakausap mo?" tugon ng isa sa mga alalay niya. Aba aba, pake ko kung sino itong babaeng Ito.
"Hindi at wala akong pake" tugon ko. "Miss, ipapakilala namin siya sayo mukha ka kasing baguhan kaya Alam kong di mo pa siya kilala" sagot naman ng isang babae na kasama rin niya.
"Siya si Faith, Faith Sersuasva siya lang naman ang apo ng may ari ng school nito" sabi nito. Eh apo naman pala siya eh bakit Hindi pa siya enroll. Gaguhan ba Ito.
"Lahat naman Tayo nagbayad ng tuation fee sa school na ito ang pinagkaiba lang apo ka ng may ari at saka kanina pa kami rito Kaya maging patas naman kayo, Hindi kaman lang nag sorry Sa pagkaka tulak Sa akin at ngayon ikaw pa itong may lakas ng loob na itaboy kami Sa pilang Ito" sagot ko. Oo, mahirap lamang kami pero nagbayad kami Dito para mag aral hindi para maging sunod sunuran lang ng mga nagmamaganda. "Shane, Tama na paunahin nalang natin sila siya ang apo ng may ari baka ipa talsik tayo sa eskwelahang ito" sagot ni Gelo.
Hindi tumugon ang babae at tinitingnan lamang kami Kung aalis kami o hindi. Umalis si Gelo sa pila at ako naman ay nanatili kung nasaan ako. Hindi ako magiging sunod sunuran.
"Kung gusto mong magpa enroll pumila ka" yun lang ang sinabi ko at agad na akong tumalikod. Wala akong pake kung awayin Nila ako ngayon Basta ako hindi ako susunod sa ipag uutos nito. Bahala sila Sa buhay nila.
Agad na may humigit Sa aking braso paharap sa babae. Pag tingin ko ay akmang sasampalin na Sana ako ng babaeng Ito ngunit biglang may nagsalita Sa aking likuran.
"Miss Faith, huwag mong itutuloy ang binabalak mo. Pinapatawag ka ng iyong Lolo at pagsasabihan ka niya dahil kanina Kapa niya pinapanood mula dito" sabi ng isang gwapong lalaki. Ang gwapo niya, matangkad at maputi.Masamang tumingin si Faith Sa akin dahil Sa ginawang paghadlang ni Bryan Sa nais niya sanang gawin.
"Hi I'm Bryan, just call me Bry" pagpapakilala ng lalaki Sa akin. Ngumisi lamang ako ng tipid. Ngayon ko Lang na realize kapangalan niya si Gelo. Bryan din si Gelo eh. Tatanggapin ko na Sana ang kamay niya ng biglang hinigit ni Faith ang kamay ni Bryan at iniwas Sa akin.
"Tara na Bryan, their losers we shouldn't talk to them" sabi ni Faith. Napahiya ako dun. Agad Kong ibinalik ang kamay ko Sa bulsa ng aking jeans.
"Sige Alis na kami" sabi ni Bryan.
Tumango na lamang ako bilang tugon. Naglakad na paalis sina Faith at Bryan."You just meet the Queen" sabi ng mga alalay nito at nag loser sign pa sila.
"Papansin ka masyado no? Nagtatapang tapangan ka para lamang mapansin ng Queen Bee at ng Campus Heartrob. Ganon ka naba ka desperada?" sabi ng isa sa mga alalay ni Faith. Tangina wala akong pakealam. And I'm not an attention seeker, wala akong pake kung mapansin ako o Hindi. Wala akong pakealam. "Tss Tara guys Alis na tayo, may mga basura kasi Dito" sabi ng babae. At agad na umalis sila.
Queen? so yun ang Turing Nila sa babaeng iyon? HAHA she's pathetic.Marami talagang mga Tao na nabubulag sa ganda at pera.
Hindi Nila Alam na ang pera at ganda ay hindi panghabang buhay. Ang kabutihang loob ang mas maganda kesa sa pera at ganda na sinasabi nila."Hoy shane, nakatulala ka na diyan? Apektado ka dahil sweet sila? Crush mo si Bryan no? HAHAHAHAHA ako nalang Bryan din naman ako di hamak na mas maputi Lang iyon Pero mas gwapo naman ako" sabi ni Gelo.
Nag wink pa ang Gago. Loko talaga Ito kahit kailan. "Gago, sige na magpunas kana at pumunta ka Sa Cr, magpalit ka ng damit at baka mag malagkit ka" sabi ko. "Opo boss" sabi nito at sabay takbo ng nakangisi parang loko lang.
Pero Hindi ko pa rin malimutan ang sinabi ng babae kanina. I just meet the Queen daw. Wala akong pakialam kung sino siya at Kung ano siya dahil iba ako.
I didn't meet the Queen, the Queen meets me.
xoxo
-edina🖤