Chapter 17: The Plan

11 5 0
                                    

Rihanna's POV:

Kahapon ay buong gabi kong inisip Kung dapat ko ba talagang pagka tiwalaan si Gelo at Shane. Paano kung Si Shane nga ang pumapatay I mean marami na ang ebedinsiya. Pero hindi makuha ng kalooban ko na maniwala sa mga ebedensiya na iyon.

Kasama ko si Sabrina ngayon at narito kami sa bahay nag aantay kay Gelo at Shane. Hindi ko Alam Kung darating ba sila o Hindi Pero wala akong pake kung ayaw Nila Hindi ko sila pinipilit.

Mahigit isang oras na kaming nag aantay ni Sabrina Dito Sa Bahay. Si Sabrina ay nanonood ng Tv habang ako Hindi mapakali Sa kakaisip Kung Tama ba ang ginawa kong pagbigay ng Alok na tulong sa kanila.

"Buo naba ang desisyon mo? I mean akala koba pinanghihinalaan mo din si Shane?" biglang tanong ni Sabrina sa akin. Hindi ko alam kung tama ba Ito Pero naniniwala akong walang kinalaman si Shane dito.

"Oo naman siguro. Diba naniniwala ka rin na inosente si Shane? Baka tama ka nga" sagot ko. Baka naman talaga walang kasalanan si Shane dito kami lang itong judgemental.

"Oo naniniwala ako dahil kung titingnan mo si Shane parang inosente siya pagdating sa mga bagay na iyan" sagot niya. Magsasalita pa Sana ako ng biglang may kumatok sa pintuan.

"Buksan mo baka sila na iyan" Sabi ni Sabrina sabay subo ng isang popcorn. Hindi ko alam Kung matutuwa ba ako na tinanggap Nila ang Alok ko O ano.

"Ayusin mona ang mesa at patayin mo na ang TV, Dalian mo" sabi ko. Pagkatapos gawin ni Sabrina lahat ng iyon ay agad akong tumayo para pagbuksan ang pinto.

Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad Sa akin si Gelo kasama ang isang matanda. Nasaan si Shane?

"Bat di niyo kasama si Shane?" tanong ko. Hindi sila sumagot bagkus ay tiningnan lamang nila ako.

Magsasalita na Sana ako ng biglang magsalita ang matanda.

"Hindi maaaring sumali si Shane dito baka mapahamak tayong lahat" Sabi ni matanda. Medyo may katangkaran ang matanda at Hindi maipagkakaila ang maganda nitong katawan at gwapong mukha.

"Sa loob Tayo mag usap usap baka may makarinig" Sabi ni Gelo sabay tingin Sa akin.

Pinapasok ko sila Sa Bahay. Walang Tao ngayon Dito Kaya kami kami lamang ang naririto.

"Umupo muna kayo kukuha lamang ako ng juice" Sabi ko.

Pag alis ko ay narinig kopang nagwika si Sabrina.

"Bat di niyo kasama si Shane?" tanong nito pero wala sa kanila ang sumagot. Ipinagpatuloy ko nalang ang aking ginagawa.

Matapos kong kumuha ng juice ay agad akong pumunta sa kanila. Inilapag ko sa mesa ang juice.

"So bakit nga hindi kasama si Shane? At sino siya?" turo ko sa kaninang matanda na kasama ni Gelo.

"Okay Tama kayo at Hindi. Hindi Si Shane ang pumapatay pero katawan niya ang gamit sa patayang nagaganap" wika ni Gelo.

Hindi ko maintindihan. Pwede ba iyon?

"Ano? Papaano naman mangyayari iyon?" naguguluhang tanong ni Sabrina. Maski ako hindi ko alam kung maniniwala ako.

"Alam kong mahirap paniwalaan kaya nandito si Tatang Brando para mag explain sainyo" sagot ni Gelo.

Lahat kami ay tumingin Kay Tatang at nag aantay ng mga sasabihin niya. Hindi ko alam kun maniniwala ako sa kanila pero may nagsasabi sa diwa ko na Hindi sila nagsisinungaling.

"Hindi Si Shane ang pumapatay pero katawan ni Shane ang ginagamit. Inaanak ko si Shane. Dati kong naging girlfriend ang ina niya. Siya ay isinumpa. Ang babaeng sumasanib sa kaniya para pumatay ay si Vivian siya ang babae na dahilan ng pagkamatay ng totoong ama ni Shane. Siya ngayon ay naghihiganti sa pamilya ni Shane at magagawa niya lamang Ito Kung gagawin niyang miserable ang buhay ng bata. Kailangan natin siyang tulungan dahil sa pagkaka alam ko may binabalak na masama si Vivian" Sabi ni tatang. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Tama ba Ito? Tama ba ang lahat ng ito?

"Paano naman namin nasisiguradong totoo ang lahat ng iyan?" tanong ko. Hindi sila sumagot at tiningnan lamang nila ako.

"Kung gusto mopang mabuhay maniwala ka" Sabi ni Gelo.

"So ano nga ang plano?" tanong naman ni Sabrina.

Hindi ko na Alam ang gagawin litong lito na ako. Hindi Si Shane ang kalaban namin kundi isang mas makapangyarihan pa kesa Kay Shane. Paano kung Hindi kami magwagi?

"Paano kung sa gagawin nating plano ay Ito ang ikamatay natin?" tanong ko naman. Hindi ko alam pero nagdadalawang isip na ako na tulungan si Shane at Gelo. Ayaw ko pang mamatay.

"Hindi ko kayo pinipilit na tulungan kami Kung ayaw niyo huwag na" Sabi ni Gelo.

Hindi ko alam pero may parte sa akin na gustong tumulong kay Shane Ewan koba.

"Sige tutulong ako" Sabi ni Sabrina. Tiningnan ko si Sabrina at nakatingin lamang siya Sa akin na inaantay ang sagot ko. Hindi ko Alam Kung tutulong ba ako o Hindi.
Humugot ako ng malalim na hininga bago magsalita.

"Sige tutulong ako" Sabi ko sabay tingin sa kanila.

Nagsalita naman si Tatang.

"Eto ang plano, bukas ay examination niyo diba?" tumango kaming lahat Kay Tatang.
"Ang gagawin niyo pagkatapos Sa pagsagot niyo siguraduhin niyong makalabas lahat ng iyong kaklase ng ligtas. Magpa iwan kayong tatlo doon at libangin niyo si Shane. Pupuntahan ko kayo doon bukas. Sa pagkaka alam ko bukas ang kabilugan ng buwan. Sakto ang araw na iyon para sa ating plano. Bukas nalang natin ito pag usapan dahil kailangan niyong maghanda. Buhay niyo ang nakasalalay sa planong Ito" Sabi ni Tatang.

Lahat kami ay Hindi nakapagsalita. Buhay namin ang nakasalalay dito paano Kung Hindi magtagumpay ang plano namin?

"Aalis na kami maghanda na kayo isang itim na kaluluwa ang makakalaban natin sana hindi magbago ang isip niyo" Sabi ni Tatang.

Napa upo ako at Hindi na pinansin ang pag alis ni Tatang. Naiwan kaming tatlo nila Gelo at Sabrina.

"Kaya ba natin Ito?" tanong ni Sabrina. Hindi ko Alam Kung paano sasagutin ang tanong ni Sabrina. Hindi na ako nagsalita bagkus ay ipinikit ko ang aking mga mata at nag isip Kung paano malalagpasan itong pinasok ko.

Nagising na lamang ako ng wala na si Gelo sa Bahay Si Sabrina na lamang.

"Sab, sure naba tayo sa pinasok natin?" tanong ko sa kaniya. Lumapit Si Sab Sa akin at hinawakan ang mukha ko. Hinalikan niya ang noo ko.

"Oo naman love, para naman Sa atin ito. Pag mawala na yung Vivian na yun pwede na tayong bigyan ng ritwal ni Shane. Isa siyang Shemiren siya nalang ang Shemiren na nabubuhay kailangan natin siya para sa ating dalawa" Sabi ni Sabrina.

Tumango na lamang ako Hindi ko kayang hindian ang taong Mahal na mahal ko.

-edina🖤

Cursed RoshanneWhere stories live. Discover now