Chapter 22: Killing the Survivors

6 3 0
                                    

Gelo's POV:

"Oh andito ka pala kuya, tss tss tss isa ka rin pala sa nahumaling sa ganda ni Miranda dati HAHAHAHAHAHAHA sayang noh? yung kapatid molang napatay ko pero ang swerte nga naman ni Mira at niligtas mopa siya. Bat ka nandito? Para iligtas ang anak ng kapatid mo?" wika ni Shane na nakangisi.

Lahat kami ay nakatingin kay Mang Brando. Alam Kong Sa mga oras na Ito ay litong Lito na si Sabrina. Wala siyang alam tungkol dito.

"Vivian, nagmamaka awa ako sayo itigil mo na ito" sambit ni Mang Brando.

Nang tiningnan ko si Shane ay walang emosyong matatagpuan sa kaniyang mukha.

"ITIGIL?! TALAGA BA?! TRINAYDOR MOKO NOON! PATI NGAYON ISA KA PA RING TRAYDOR! DAHIL SAYO KUNG BAKIT AKO NAMATAY! SA TINGIN MO MAKIKINIG AKO SAYO?!" sigaw ni Shane. Galit na galit ito na para bang Malaki ang kasalanan ni Mang Brando sa kaniya.

Magsasalita na sana si Mang Brando ng biglang hablutin ni Shane si Sabrina.

"A-anong gagawin mo sa kaniya?" sambit ni Mang Brando.

"Shane bitawan mo siya" sambit ko ngunit tiningnan niya lamang ako at ngumisi.

Iyak ng iyak si Sabrina dahil sa sakit sa pagkaka sabunot sa kaniya. Lahat kami ay nakatingin lamang kay Shane. Nakangisi lamang ito na para bang natutuwa siyang tingnan ang mga mukha naming puno ng pag aalala.

Nagulat kami ng biglang kumuha si Shane ng gunting sa mesa. Pinaglalaruan niya pababa sa leeg ni Sabrina. Lahat kami ay takot na lumapit.

Tumingin ako kay Mang Brando at nakatingin lamang ito kay Brian na para bang may plano silang dalawa.

"Pagbilang ko ng tatlo" wika ni Mang Brando. Litong Lito ako dahil sila lamang ni Brian ang nagkaka intindihan.

"Isa"
"Mang Brando, anong plano?" nalilitong tanong ko.
"Basta sumunod ka na lang sa agos" sambit naman ni Brian.
"Dalawa"

"TATLO!" sigaw ni Brian at biglang hinablot si Sabrina Kay Shane. Agad namang lumapit si Mang Brando kay Sabrina at inalalayan Ito.

Ako naman ay nalilitong nakatingin kay Shane at Brian na nag aagawan ng gunting.

"Gelo! Halika dito, kailangan nating makalabas dito" sambit ni Mang Brando.

Wala na akong nagawa kundi lumapit kay Sabrina at Mang Brando. Tatakbo na sana kami palabas ng biglang hilahin ni Shane si Mang Brando.

"TUMAKBO NA KAYO! DALIAN NIYO!" sambit ni Mang Brando. Takot na takot ako.

Agad naman akong hinila ni Sabrina palabas ng classroom at dali dali kaming tumakbo.

Sa lahat ng nangyayaring ito ay wala manlang akong naitulong. Wala manlang akong nagawa para iligtas ang mga kaibigan ko. Wala manlang akong nagawa. Duwag ako. Isa akong malaking duwag.

Takbo pa rin kami ng takbo ni Sabrina. Hindi namin alam Kung saan kami pupulutin. Iyak lamang kami ng iyak.

Alam kong sa mga oras na ito ay wala na sila. Wala Nang tutulong Sa amin.

"G-gelo hindi ko na kaya tumigil muna Tayo" hingal na sambit ni Sabrina. Nandito kami ngayon sa campus ng gym. Walang katao tao dito.

"Baka mahuli tayo, maghanap muna Tayo ng matataguan" sambit ko. Tumingin kami sa loob ng gym.

"Dito nalang muna Tayo" sambit ni Sabrina na agad ko namang sinang ayunan.

Pumasok kami sa loob ng gym. Medyo madilim pero na aaninag pa namin ang loob nito.

Iyak pa rin ng iyak si Sabrina.

"G-gelo, wala na si Mang Brando at Brian, alam ko na Tayo na ang isusunod niya. Gelo paano na tayo? Mabubuhay paba tayo? Matatapos paba natin ang kasamaang ito?" Hindi pa rin tumitigil sa pag iyak si Sabrina.

Pati ako ay gulong gulo na din. Hindi ko na din alam ang gagawin.

"G-gelo? Naririnig mo iyon?" kabadong tanong ni Sabrina. Agad naman akong kinabahan dahil rinig ko rin ang mga yabag ng mga paa.

Napatakip ng bibig si Sabrina at ako naman ay kinabahan ng todo.

Agad Kong sinenyasan si Sab na magtago sa Isa Sa mga sulok ng gym Pero iyak Lang ang tugon nito.

"Sabrina magtago kana Dalian mo habang wala pa siya" sambit ko pero iling lamang siya ng iling.

"Ayoko. Mamatay na rin naman tayo eh. Alam kong Hindi na Tayo makaliligtas. Okay lang Gelo tanggap ko. Kung mamatay ka mamatay rin ako. Gusto ko na ring makasama si Rihanna" sambit nito at binigyan niya Ako Ng isang ngiti.

Hihilahin ko Sana si Sabrina para  itago pero huli na ang lahat.

Agad na bumukas ang pinto ng gym at iniluwa nito si Shane na Puno ng bahid ng dugo ang uniporme.

Hawak nito ang ulo ni Mang Brando. Agad naman akong naiyak ng makita ang nakadilat na mata ni Mang Brando.

"WALANG HIYA KA KUNG SINO KAMANG DEMONYO NA NASA KATAWAN NI SHANE! MAMATAY KANA! MAMATAY KANA! WALANG HIYA KA! WALA KANG AWA!" Galit na sigaw ni Sabrina. Agad ko naman siyang pinigilan dahil alam kong ikagagalit ito ni Vivian.

Sabrina's POV:

Alam kong matatapos na rin dito ang buhay ko at tama si Rihanna noon mas mabuti pang mamatay na lumalaban.

Agad Naman akong nakag isip ng plano. Nakita ko ang isang matulis na kagamitan na nasa loob ng gym.

Dahan dahan akong naglakad patungo Dito.

"Alam mo Shane? Hindi ako natatakot mamatay. HAHAHAHAHAHA pinatay mo silang lahat eh Sa mismong harapan namin. Paano pa ako matatakot?" sambit ko habang naglalakad papalapit sa bagay na gusto Kung kunin.

"Sabrina! Tumigil ka!" biglang sigaw ni Gelo. Alam Kong nag aalala siya sa akin pero tanggap ko na. Okay nang mawala ako para rin makasama kona sila Rihanna.

Agad Kong nakuha ang matulis n bagay at itinago sa likuran ko.

Palapit ng palapit sa akin si Shane. Oo natatakot ako pero kailangan Kong tatagan ang loob ko.

Nang makarating siya sa Harapan ko ay Hindi ko inaasahan ang pag diin ng isang matulis na bagay sa tiyan ko.

Isang gunting. Tumingala ako kay Shane at nakangisi lamang ito. Napaka demonyo talaga.

"W-walang hiya ka" sambit ko habang hinahabol ang hininga ko.
Buong lakas kong kinuha ang bagay kanina at isinaksak kay Shane.
Idiniin ko ito pero parang wala lamang sa kaniya.

"Hm. Sayang." sambit nito at agad na sinaksak ang dibdib ko ng gunting. Hinang Hina na ako at ubo na ako ng ubo ng dugo. Hilong Hilo ako kaya napahiga ako sa sahig. Tumingin ako kay Gelo at nginitian ito.
Alam Kong Ito na ang katapusan ko.

Hindi pa si Shane na kuntento at agad na tinapakan ang Sugat sa aking tiyan.

Namimilipit na ako sa sakit na nararamdaman.

"Arghhhhh" sigaw ko ng maramdaman ang diin ng pagkaka apak ni Shane sa aking sugat.

Iyak ako ng iyak hanggang sa wala na akong maramdaman.

-edina🖤

Cursed RoshanneWhere stories live. Discover now