[ The Death ]
INAY'S POV
Hinihintay kong dumating si Shane sa aming bahay. Akala ko ay hapon siya uuwi galing enrollment pero alas sais na ng Gabi at wala pa siya.
Naghain na ako ng hapunan para sa amin. Wala pa ang kaniyang itay dahil may customer na dumating kanina at nagpapa lechon.
Ako lang ang naiwan Dito sa aming bahay.
Habang naghihintay ay naisipan ko munang linisin ang aming kusina.
Nakita kong may mga hugasan pa sa lababo kaya agad ko itong hinugasan.
Habang naghuhugas ng mga pinggan may narining akong kalabog galing sa Sala.
Baka si shane na ito. Kaya agad akong nagpunas ng kamay para tingnan Kung sino Ito.
"Shane, kain kana dito, bat ka pala ginabi?" tanong ko. Wala akong nakuhang tugon. Kaya agad akong nagmadali para tingnan ang sala.
Laking gulat ko ng makita ko si Shane na nakangisi at maiitim ang mga mata. Naka pambahay na siya. Kanina pa kaya siya? Baka Hindi ko napansin na dumating siya kanina.
Anong meron sa mga mata niya ngayon? Parang nangingitim na iwan.
"Shane kanina kapa?" tanong ko sa kaniya parang wala siya sa kaniyang sarili.
Nanatili lamang ang kaniyang tingin Sa akin. Walang ka emo emosyon ang mukha ni Shane. Parang Hindi Ito siya.
"Kumain ka muna Dito at naghanda ako ng makakain natin, wala pa ang itay mo kumain ka nalang hihintayin kopa siya" sabi ko ngunit walang tugon galing sa kaniya.
Nanatili lamang siyang nakatingin Sa akin. Ang mga mata niya ay nangingitim. Parang puyat siya.
Hindi na Sana ako magsasalita ng bigla niyang kinuha ang isang gunting malapit sa side table ng Sala.
Palapit siya ng palapit Sa akin. Natatakot ako na dapat ay Hindi ko naman maramdaman. Anak ko siya wala siyang magagawang masama Sa akin.
Malapit na siya sa kinatatayuan ko ng bigla itong magwika.
"Malapit na ang katapusan mo, Miranda" sabi niya.
Hindi ako makapaniwala sa mga narinig. Ang pangalang iyon. Ngayon ko nalang ulit narinig ang mga pangalang iyon. Hindi maaari. Isa Lang ang tumatawag Sa akin ng ganoon. Hindi pwede. Hindi pwedeng siya ang gumugulo sa mga panaginip ng Anak ko. Hindi pwedeng siya.
Hindi ko sinasadya ang mga nangyari noon. Nadala lamang ako sa tukso noon. Hindi maaari. Baka malaman ni Shane ang sikretong matagal ko nang kinalimutan.
Ang sikretong matagal na naming tinatago Sa kaniya.
"Sino ka? Hindi ikaw si Shane! Anong kailangan mo?" kinakabahan Kong tanong. Dahil Sa takot ay agad akong kumuha ng pamalo malapit sa may mesa. Agad ko itong hinawakan.
Hindi ko kayang paluin ang katawan ni Shane. Panakot lamang Ito para Hindi siya makalapit Sa akin.
"Kaya mo bang saktan ang Anak mo?" Sabi nito at biglang naging maamo ang mukha nito. Biglang bumalik ang Shane na Anak ko.
Patay sindi ang ilaw Sa aming tahanan. Ang tanging nakikita ko na lamang ngayon ay si Shane na nasa harapan ko at maamo na ang mukha.
Akmang lalapitan ko na Sana siya ng bigla itong tumawa. "Akala ko ba matalino ka Miranda? Bakit uto uto kana ngayon?" sabi nito.
Hindi Ito maaari. Hindi Ito siya. Matagal ko nang kinalimutan ang nakaraan. Matagal ko ng kinalimutan ang mga pangyayaring iyon. Patay na siya. Wala na siya. Wala na silang dalawa. Pinatay niya ang dahilang Kung bakit siya nagkakaganito ngayon. Wala akong kasalanan Sa mga nangyari. Biktima lamang ako sa mga pekeng salita niya.
Hindi ko Alam na hahantong sa puntong iyon. Ito ang naging dahilan ng alitan ng angkan namin. Pinagsisihan ko na ang lahat.
Habang nasa harapan ko siya ay agad nitong ibinuka ang bibig at nagwika, "Ikaw ang pangalawang biktima. Una ang pusa. Pangalawa ka lamang total dun ka naman nababagay, sa pangalawa. Gagawin ko ang lahat para Hindi kayo maging masaya. Gagawin ko ang lahat para walang matira sa angkan niyo. Ang Anak mo ang gagawin Kong katawan para gawin ang lahat ng gusto ko. Ang Anak mo ang paghihigantihan ko. Walang dapat magmahal Sa anak mo. Alam mo Kung bakit?wika nito. Hindi ako umimik.
Tumulo ang mga luha Sa aking mga mata. Hindi maaari. Dahil Sa akin pati pamilya ko ay magiging miserable. "Sabihin mo bakit!" sigaw nito na agad akong nagulat sa pagsigaw nito Sa aking tainga.
Hindi ko alam kong magsasalita ako o Hindi. Pero wala akong nagawa kundi sundin siya. Wala akong nagawa kundi sundin ang mga sinabi niya.
"B- bakit?" takot na tanong ko sa babaeng dati na ring naging parte ng buhay ko. Natatakot ako. Natatakot ako dahil Alam kong pwede niya akong patayin kahit sa anumang oras ngayon. Natatakot akong mamatay. May pangarap pa ako para Sa anak ko.
Tumawa siya ng napakalakas.
"HAHAHAHAHAHA uto uto ka talaga Miranda Kaya ka naloloko eh. Kaya ka naloko. Kasi nagpapaloko ka. HAHAHAHAHAHAHA sasabihin ko na dahil Hindi naman ako manloloko tulad mo. Hindi naman ako traydor tulad mo. Hindi ako tulad mo" sabi nito.Ito nanaman. Bumabalik nanaman ang mga alaala na dapat ay kinalimutan Kona. Bumabalik nanaman ang mga pangyayaring dapat ay ibinaon na. Ang mga pangyayaring dapat ay kalimutan na. Ang nakaraan na dapat ay Hindi na balikan.
Unti unting bumabalik ang sariwang nakaraan.
Wala na akong nagawa at biglang tumulo ang mga luha Sa aking mga mata. Ang mga matang saksi sa lahat ng mga kasalanan na nagawa ko noon at nagtulak Sa kaniya para gawin iyon. Ang mga matang naging saksi sa pagpatay sa tunay na ama ni Shane.
"Bawal mahalin ang Anak mo dahil ang pagmamahal ay NAKAKAMATAY" wika nito.
Tama siya. Nabulag na ako ng pagmamahal dati. Ang pagmamahal na naging dahilan ng kamatayan ng lalaking minahal ko. Ang pagmamahal na naging dahilan na gawin niya ang lahat ng Ito. Ayaw ko na. Naalala ko nanaman ang mga pangyayaring iyon.
"Paalam Miranda, akin na muna ang katawan mo bukas ko nalang ipupunta sa impyerno" sabi nito.
Magsasalita pa Sana ako ng bigla niyang ibuka ang kaniyang mga bibig at biglang may lumabas na maitim na bagay Dito. Napunta Ito Sa katawan ko.
Agad akong napalibutan itim na kulay. Anong nangyayari?
Hindi ko na kayang magsalita at pati sa paghinga ay nahihirapan na ako.
Unti unting nawawala ang paningin ko. Tanging itim nalang ang aking nakikita. Hindi ko namalayan ang pagbadya ng aking mga luha.
Ito na ang katapusan ko. Alam kong ito na. Bago pa man makatulo ang aking mga luha ay nawalan na ako ng hininga at isang imahe ang aking nakita. Ang imahe ng lalaking minahal ko noon. Ang lalaking dahilan ng lahat ng Ito.
Ang ama ni Shane.
"R-raul" Yan ang huling mga salitang aking nabitawan Bago ako napahiga Sa sahig.At Sa isang iglap Lang ay nawalan na ako ng hininga. Lahat ay madilim. Tanging itim nalang ang makikita.
And everything went black.
xoxo
-edina🖤