Chapter 25: Depression

7 3 0
                                    

SHANE'S POV:

Ilang linggo na ang lumipas at hindi pa ako na di discharge sa hospital. Pagod na akong humilata dito at isipin na ako ang may kasalanan ng lahat ng pagdurusang ito. Pagod na pagod na ako. Ayoko na.

"Bakit? Bakit ako? Gusto ko lang mag aral, makapagtapos pero bakit nangyari ang lahat ng ito?" tanging iyak na lamang ang naging tugon ko sa lahat ng kamalasang ito.

"Ma'am kumain na po kayo, ilang araw na po kayong di kumakain makakasama po yan sa kalusugan niyo" Hindi ko pinansin ang sinabi ng nurse bagkus ay piniling ko na lamang ang ulo ko sa bintana malapit sa kwarto.

Naalala ko ang aking panaginip. Si Vivian, Hindi niya Ako titigilan alam ko.

Siguradong babalik siya sa katawan ko sa oras na lumakas muli ako. Kaya ayokong kumain dahil sa oras na makapag ipon ang katawan ko Ng lakas ay maaaring bumalik Si Vivian. Ayoko nang bumalik muli siya. Ayoko Nang may mapahamak pa.

Ilang Segundo ang lumipas ilang Pulis ang pumasok sa kwarto ko.

"Hija, maaari kaba naming makapanayam?" wala silang nakuhang tugon sa akin at tiningnan ko lamang sila.

"Sir mukhang di magsasalita" isang Pulis ang lumapit sa akin at hinawakan ang ulo ko.

"Hija, Alam naming Hindi mo kayang gawin iyon, sabihin mo sa amin lahat" nakumbinsi ako sa sinabi ng Pulis.

Sinabi ako ang lahat lahat. Pati na ang mga nangyari sa pamilya ko. Wala akong pinalampas na detalye.

"Baliw ata to" sambit ng isang Pulis na mukhang di nakumbinsi sa mga sinasabi ko.

"Nagsasabi Ako Ng totoo, Hindi ako nagsisinungaling, Sir magtiwala kayo Sa akin. Hindi ako ang gumawa lahat ng iyon. Opo katawan kopo ang ginagamit Pero Hindi po ako Yun. Magtiwala po kayo Sa akin. Hindi po talaga ako Yun" napaluha ako habang nakahawak sa braso ng Chef ng mga Pulis.

Walang naniniwala sa mga sinasabi ko. Kaya minabuti ko na lamang na pumikit at tumingin muli sa bintana.

"Sir, tara na po wala naman po tayong nakuhang mabuting sagot galing sa kaniya, mukhang guilty na nga po siya" Yan na lamang ang narinig ko. Umalis sila sa aking kwarto at naiwanan nanaman ako. Wala akong kakampi. Walang naniniwala sa akin.

Ano pang silbi ng buhay ko? Ano pang silbi ko Kung wala din naman akong makakapitan para mabuhay? Wala na sila. Wala na akong kakampi.

Habang umiiyak ay may naisip akong plano para matapos na ang lahat ng ito.

Agad Kong  kinuha ang mga tube na Naka Kabit sa akin at tumayo. Wala akong pakealam kung pagalitan ako. Gusto ko Nang matapos ang lahat ng ito.

Agad akong lumapit sa malapit na bintana sa kwarto. Binuksan ko ang bintana at nakita ko Kung gaano kataas ang palapag ng inookopahan ko.

Kung tatalon ako siguradong mamatay ako. Siguradong magwawakas na Rin ang mga paghihirap ko.

"DOC! ANG PASYENTE!" isang sigaw ng pumukaw sa pagmumuni muni ko. Pumasok ang nurse sa kwarto ko.

"Huwag Kang lalapit tatalon ako" sambit ko habang nakahawak sa bintana.

"Miss huwag, pag usapan natin ito, bumalik ka rito" Hindi ako nakumbinsi ng nurse at wala Rin akong balak na magpa kumbinsi.

"Ayoko na! Pagod na pagod na ako! Wala Nang silbi ang buhay ko! Hindi na dapat ako mabuhay pa!" Hindi ko namalayan ang biglang pagtulo Ng mga luha ko.

"Kasalanan ko ang lahat ng ito. Wala na sila. Marami Nang buhay ang napatay ko Alam mo ba iyon ha? marami na. Pwede kitang patayin din Kung lalapit Kapa Kaya please lumayo kana ayokong makasakit pa. Ayokong may mamatay nanaman Nang dahil sa akin" iyak ako ng iyak Pero Hindi pa rin nagpatinag ang nurse.

"Miss maraming Tao ang may problema, Malaki talaga ang kasalanan mo Pero Hindi ang pagpapakamatay ang sagot Kaya huwag mo Nang ituloy ang binabalak mo" pagkatapos magsalita ng nurse ay maraming Pulis ang narinig ko sa ilalim ng building. Lahat sila ay nagkakagulo.

"Miss lumapit kana Dito" lalapit na Sana ako ng biglang may humawak sa balikat ko.

"V-vivian?" Nagulat ako Ng Makita ko ang babaeng may kasalanan ng lahat. Nakatayo Ito malapit Sa akin at nakahawak sa mga balikat ko.

"Miss sino po ang kausap niyo?"

"Anong ginagawa mo Dito? Bat ka andito? TIGILAN MO NA AKO!" sigaw ko Pero Hindi pa rin siya bumibitaw sa pagkahawak sa akin at nakangisi Ito na para bang may binabalak na masama.

Lalayo na Sana ako para lumapit sa nurse Ng bigla niya akong itulak at Hindi ko namalayan ang sarili na nakawak Sa dulo Ng bintana. Mahuhulog na ako.

"TULONG! TULONG!" lumapit ang nurse sa akin at sinusubukan akong hilahin pero dahil sa hindi gaanong kalaki ang nurse ay nahihirapan siya sa paghila sa akin.

Laking gulat ko Nang makita si Vivian sa likuran ng nurse. Hindi maaari.

ANG tanging nasa isip ko na lamang ngayon ay katapusan ko na. Katapusan na Ng sumpa kung mahuhulog ako.

"B-bitawan mo na ako, pakiusap" tumulo ang mga luha ko habang nakatingin sa nurse.

"Hindi kumapit ka, malapit na ang rescue, pakiusap kumapit ka" Hindi ko pinakinggan ang nurse at agad na binitawan ang kaniyang kamay.

Simula ngayon malaya na ako. Simula ngayon wala Ng sumpa. Simula ngayon wala Ng paghihirap. Wala na. Matatapos na rin Sa wakas ang lahat ng kademonyohang ito.

Isang patak ng luha ang aking pinakawalan Bago ako tuluyang bumagsak sa lupa. Dito nagtatapos ang sumpa ko. Ang sumpa ng kumitil ng maraming buhay. Ang kumitil sa sarili Kong pamilya, kaibigan at ang kumitil sa lalaking Mahal ko.

Wala na akong naramdamang sakit pa, wala na.

-edina🖤

Cursed RoshanneWhere stories live. Discover now