Gelo's POV
Kakauwi Lang ng bahay si Shane. Mukhang pagod siya Kaya hinayaan ko siyang dumiretso Sa kwarto at magpahinga. Ako naman ay pupunta sa pamilihan para bumili ng ma uulam Ngayong Gabi.
Lumabas ako ng Bahay at laking gulat ko ng madatnan ko ang isang may edad na lalaki na nakatingin Sa akin. Mukha siyang taga bukid. Hindi ko Sana papansinin dahil baka naligaw Lang ng bigla itong nagwika.
"Demonyo ang kasama mo. Demonyo ang kaluluwang nasa katawan niya. Papatayin ka niya. Papatayin niya kayo" Sabi nito. Agad na nakuha ng matanda ang atensiyon ko. Kinilabutan ako Sa mga sinabi niya. Anong Alam niya tungkol sa sumpa na mayroon Si Shane? Oo Alam ko ang tungkol doon dahil minsan ng na i kwento ni Shane sa akin yun.
"Sino ka? Ano bang kailangan mo? Wala kaming panahon makipag biruan sayo" Sabi ko at akmang tatalikuran na siya. Bigla niya akong hinigit sa madilim na parte ng kalye. Hindi ko Alam Kung bakit nagpadala lamang ako Sa higit niya.
"Bakit mo ako dinala rito? Ano bang kailangan mo? Pwede ba wala akong Alam Sa pinagsasabi mo! Adik kaba?" Sabi ko. Kailangan Kong itanggi ang Alam ko dahil baka Isa Itong Pulis at iniimbestigahan kami Sa pagkawala ng Megan na iyon.
"Alam Kong alam mo na mayroong Mali Sa kaibigan mo. Nakita ko siya kahapon na pinatay ang kaklase mo. Nakita ko ang lahat. Alam ko na Rin ang lahat. Kailangan mo ng tulong ko. Kailangan niyo ako.
Hindi ako nakapag salita. Natameme ako. Mukhang Alam ng matandang Ito Kung sino si Shane at Kung anong meron sa kaniya. Inaamin ko na Alam ko ang lahat. Hindi ko Lang dapat ipahalata kasi Alam Kong Hindi magdadalawang isip Kung sino man ang sumasapi Kay Shane na ako ang isunod niyang biktima.
Tiningnan ko lamang ang matanda ng isang malalim na tingin. Agad akong lumapit sa kaniya at bumulong.
"Anong tulong ang inaalok mo?" tanong ko. Ilang sandali ay sumagot ang matanda. Hindi ko alam Kung ano ang sasabihin ko pero maganda ang solusyon na inaalok niya. Pero huli na ang lahat dahil marami na ang namamatay. Kailangan naming mapa alis ang kaluluwa ng sumasapi Kay Shane. Kailangang mapaalis Ito Sa madaling panahon.
Ikinuwento ng matanda ang kaniyang sarili at Kung sino siya. Hindi ako makapaniwala Sa aking mga naririnig. Malaki ang papel niya Sa buhay ni Shane. Gulat ang namayani sa aking kalooban. Gulat na gulat ako. Hindi ako makapaniwala na nakaligtas siya.
Siya Yung nakita ko noon Sa libing ng ama ni Shane. Siya iyon. Hindi ako nagkakamali. Nagpatuloy ang kwento ng matanda. Ngayon Alam ko na talaga ang nangyari Sa Kung bakit nag away ang pamilya ni Shane at Pamilyang Mariano. Ang pamilyang matagal ng kaalitan ng pamilyang Shemiren.
~Flashback~
++++++++++++
Panahon noon ng kabilugan ng buwan at masayang nag uusap ang matalik na magkaibigang Miranda at Vivian. Ang matalik na magkaibigan ay parang magkapatid na Kung magturingan. Palagi silang magkasama. Pati Sa pagpasok Sa pasukan hanggang Sa uwian. College students na sila noon ng magkaroon sila ng matinding alitan. Ito ay dahil lamang Sa isang lalaki. Matagal Nang gusto ni Vivian si Raul. Ngunit ang gusto ni Raul ay Si Miranda. Sa panahon na iyon Mahal ni Miranda si Brando. Ang kapatid ni Simon. Nalaman ni Vivian na ang gusto ni Raul ay ang kaibigan niya at Hindi siya. Nagalit ng husto si Vivian Kaya minarapat niyang siraan Si Miranda Kay Raul. Hindi naniwala Si Raul Sa kaniya at Sa halip ay ipinagtanggol pa ni Raul si Miranda. Nalaman ni Miranda ang kataksilan ni Vivian Kaya kinompronta niya Ito. Nag away ang dalawa at simula noon ay nasira na ang pagkakaibigan Nila.Nalaman ni Vivian na kapatid niya Si Brando Sa ama Kaya Sa Galit niya Kay Miranda ay inatasan niya itong wasakin ang kaniyang puso. Nakipag hiwalay si Brando Kay Miranda. Lingid Sa kaalaman ni Vivian na nagkaka mabutihan na si Raul at Miranda Kaya Hindi Ito labis na nasaktan.
Isang araw ay nalaman na lamang ni Vivian na magkasintahan na si Raul at Miranda. Sa Galit at poot ni Vivian kay Miranda ay humingi Ito ng tulong Sa kampon ng demonyo para patayin Si Miranda. Gumawa siya ng plano para sila ay magkausap ni Miranda at Doon ay papatayin niya Ito gamit ang itim na mahika.
Pumunta sa eskwelahan si Miranda Kung saan Doon ang sinabing tagpuan ni Vivian. Hindi Alam ni Miranda na sinusundan siya ni Raul dahil Sa Hindi Ito nagtitiwala Kay Vivian. Lingid din Sa kaalaman Nila na nandoon Si Brando dahil nais nitong ibalik Muli Sa kaniya Si Miranda. Kasali Si Brando Sa plano ni Vivian na patayin Si Miranda ngunit Si Brando ay umatras at nais niya sanang sabihin Kay Vivian na huwag na lamang patayin Si Miranda at ilalayo niya na lamang Ito.
Huli na ang lahat ng mapagtanto ni Brando na papatayin na talaga ni Vivian si Miranda. Naabutan niyang nag uusap ang dalawa at ilang saglit pa ay biglang nagalit si Vivian Kaya agad itong kumuha ng isang baraha na animoy panawag ng mga demonyo at ilang saglit pa ay biglang napalibutan sila ng itim na ulap. Tumakbo Si Brando patungo sa direksiyon ng dalawa.
"Vivian huwag!" pagpigil ni Brando Sa akmang pagtutok ng baraha Kay Miranda.
"Anong ibig sabihin nito Brando? Umaatras kana? Akala koba kakampi Kita? Akala koba pareho tayong niloko?" Galit na sigaw ni Vivian kay Brando.
"Hindi ko hahayaang may mangyaring masama Kay Miranda. Pakawalan mo siya ilalayo ko na lamang siya at pwede na kayong
magsama ni Raul" Sabi ni Brando. Hindi nakinig si Vivian at akma na niyang papatamaan ng isang malaking ulap na hugis kutsilyo si Miranda ng biglang iharang ni Brando ang kaniyang katawan at Sa halip ay siya ang natamaan sa may bandang tiyan niya. Nagulat Si Miranda Sa nangyari kaya agad siyang natameme at napahawak Sa bibig. Si Vivian naman ay tumakbo patungo Sa direksiyon ni Brando. Kinuha niya ang kamay nito na animo’y hindi makapaniwala na siya ang natamaan."Hindi. Hindi! Walanghiya ka Miranda! Kasalanan mo ang lahat ng ito! Kasalanan mo Ito! Papatayin Kita!" Sabi ni Vivian na Puno ng poot at Galit.
"Brando!" Gustuhin mang lumapit ni Miranda ay Hindi niya magawa sapagkat Hindi siya maalis Sa pwesto niya.
Inilabas Muli ni Vivian ang baraha at lumikha Muli Ito ng ulap na itim na may hugis kutsilyo. Papatamaan na Sana nito si Miranda ng bigla itong nagwika.
"Huwag! Parang awa mona. Buntis ako" umiyak Si Miranda matapos sabihin ang mga katagang iyon. Oo buntis siya at ang ama ay Si Raul. Pero Sa halip na maawa Si Vivian ay agad na dumagdag pa ang Galit nito. Kaniyang kinuha ang baraha at lumikha Ito ng mas maraming maliliit na kutsilyong ulap.
"MAMATAY KA! MAMAMATAY KAYO!" sigaw ni Vivian at agad na pinakawalan ang mga kutsilyo. Pero imbes na Si Miranda ang natamaan ay agad na dumating si Raul at iniharang ang sarili. Lumabas Si Raul si pinagtataguan nito matapos marinig na buntis Si Miranda.
Tumumba ang katawan ni Raul na walang malay. Ang katawan niya ay parang nangingitim. Ang mga mata niya ay maiitim na at may mga dugong umaagos Sa kaniyang bibig. Agad na umiyak Si Miranda.
"I-ingatan mo ang Anak natin" Sabi ni Raul. Umuubo siya ng dugo. Hindi Alam ni Vivian na ganoon ang mangyayari. Lumapit siya Kay Raul at agad itong yinakap.
"Hindi. Hindiiiii!" sigaw ni Vivian. Ngayon na wala na si Raul ay wala nang pulos ang kaniyang ginagawa.
"Demonyo ka Vivian" sigaw ni Miranda. May kinuha siyang isang matalim na bato at agad na ibinato Sa ulo ni Vivian. Malaki ang impact ng bato Kaya agad na dumugo ang ulo ni Vivian. Gaganti na Sana Si Vivian ng biglang may pumokpok Sa ulo niya at nawalan Ito ng Malay hanggang mamatay. Nahimatay Si Miranda dahil Sa sobrang stress. Lingid Sa kaalaman niya na Si Brando ang nagligtas Sa kaniya. Agad na binuhat ni Brando Si Miranda at inilayo.
Hindi na muling nagpakita Si Brando Kay Miranda dahil Sa Galit nito Sa batang dinadala niya.
~End of flashback~
Brando's POV:
Matapos Kong I kwento ang lahat Kay Gelo ay agad itong umalis. Agad Kong tiningnan ang tiyan ko. Narito pa rin ang sugat dulot Sa mapait na alaalang iyon. Tinanggap ni Gelo ang Alok ko Sa kaniya. Natuwa ako Sa pagtanggap niya Sa Alok ko. Sa paraang Ito makakabawi ako Kay Miranda. Gusto kong iligtas ang anak niya.