Rihanna's POV:
Naiwan kami dito ni Shane sa loob ng stock room. Hingal na hingal na ako sa kaka takbo para lang di ulit niya ako mahawakan.
"Arghhhh" tili ko ng masabunutan ako ni Shane. Tangina naabutan pa ako.
"S-shane kung nandiyan kaman pakawalan mo ako please" pagmamaka awa ko. Wala akong magawa kundi ang umiyak at magmaka awa pagod na pagod na ako."Tss. Tss. Tss. Pasensiya kana ha wala siya eh" bulong nito sa aking Tenga at naramdaman ko nalang bigla ang pagbaon ng isang matulis na bagay sa aking likuran.
Umuubo na ako ng dugo at ang sakit sa pakiramdan tuwing sisinghap ako Ng hangin. Mas ibinaon pa nito ang matulis na bagay sa aking likuran.
"S-shane" utal ko ng unti unting nahihirapan na ako sa paghinga.
"Vivian. Hindi ako si Shane. Ako si Vivian" sabi nito at dahan dahan na tinapakan ang aking leeg.
"Paalam" yan na lamang ang narinig ko at unti unting nawalan na ako ng hininga.
Ang alam ko lamang ay ligtas ni Sabrina. Ligtas na ang Mahal ko.
Gelo's POV:
Takbo kami ng takbo nila Mang Brando sa mahabang pasilyo ng eskwelahan. Iyak ng iyak si Sabrina. Tumigil kami sa may SSG office ng eskwelahan. Dito nagtitipon tipon ang mga SSG sa aming eskwelahan.
"Dito nalang muna tayo magtago, pagod na tayong tumakbo" sambit ko. Hingal na hingal na kami. Kanina pa kami takbo ng takbo.
"Si Rihanna, maaaring wala na siya" iyak na usal ni Sabrina. Nag sakripisyo si Rihanna para sa kaligtasan namin.
Pumasok na kaming tatlo sa classroom. Pagpasok namin ay agad kaming nagulat ng Makita ang mga computer kung saan makikita ang buong eskwelahan.
May mga surveillance camera sa eskwelahang ito. Malaking tulong ito para Makita namin Kung nasaan ngayon si Shane. Agad namang lumapit si Mang Brando dito at tiningnan ang paligid ng eskwelahan. Walang katao tao. Wala na ang ibang mga estudyante sa paaralan.
"Teka nasaan na ang mga Pulis? Tangina naman Kung kelan kailangan sila tiyaka sila wala" inis na sambit ko. Hindi ako mapakali dahil alam Kong sa anumang oras ay maaaring mamatay kaming tatlo.
"Teka naririnig niyo iyon?" gulat na tanong ni Sabrina. Humihikbi pa ito dahil kanina pa siya iyak ng iyak. Agad naman naming pinakinggan ang tinutukoy ni Sabrina.
"MGA yabag ng paa galing sa labas" Sabi ni Mang Brando. Agad akong kinabahan dahil baka Si Shane iyon.
"Tingnan niyo ang computer Dalian niyo" sambit ko.
"Wala akong makita nag lo loading pa" sambit ni Mang Brando na binubusisi ang computer system.
"Magtago ka doon Sabrina Dalian mo" sambit ko. Agad namang sumunod si Sabrina at nagtago sa isa sa mga locker sa room. Medyo Malaki ang locker Kaya pwedeng magkasya ang isang tao.
"Mang Brando wala paba?" sambit ko. Umiling lamang si Mang Brando.
Pagtingin ko sa gilid ay nakita ko ang isang baseball bat. Agad ko naman itong kinuha dahil baka mamaya bigla nalang umatake si Shane.
"Mang Brando magtago na kayo Dalian niyo" sambit ko. Agad namang tumango si Mang Brando at nagtago Doon sa may malapit na mesa sa dulo ng classroom. Medyo masikip Doon Kaya Hindi iisiping may nagtatago Doon.
Agad naman akong nagtago sa likod ng pintuan ng classroom. Wala akong balak na saktan ang katawan ni Shane. Panangga ko lamang ito Kung aatake siya.
Palapit ng palapit ang yabag at Alam Kong nasa likuran lamang Ito ng pintuan. Akmang bubukas na Sana ang pintuan ng biglang may nagsalita.
"May Tao ba diyan? Kung sino man kayo ay umalis na kayo dahil delikado kung magtatagal kayo dito" wika nito. Pamilyar ang boses ng lalaki.
"Brian? Kami ito! Kaklase kami ni Shane" wika ni Sabrina na agad na lumabas sa kaniyang pinagtataguan.
Agad ko namang ibinaba ang hawak ko na baseball bat. Lumabas ako sa aking pinagtataguan at humarap sa lalaking tinatawag na Brian ni Sabrina.
Kilala ko siya. Siya ang lalaking nakilala namin ng nagpapa enroll kami sa eskwelahang ito. Kung Hindi ako nagkakamali ay siya ang SSG president sa eskwelahang ito.
Agad namang lumabas si Mang Brando at pumunta rin sa harap ng lalaking tinatawag na Brian.
"Anong ginagawa niyo dito?" sambit nito.
"D--" Hindi na niya kami pinatapos at sinenyasan niya kami na huwag mag ingay. Agad siyang pumasok ay isinarado ang pintuan. Ine lock niya ang pintuan at agad kaming pinalayo dito.Nagtungo kami sa may mga computers. Nakita namin Sa surveillance camera Si Shane na naglalakad sa pasilyo ng eskwelahan. Malapit na siya sa kinaroroonan namin.
"Mang Brando anong plano?" sambit ni Sabrina. Halata sa boses niya na kagagaling lamang siya Sa kaiiyak.
"Kailangan nating mapa alis sa katawan ni Shane si Vivian. Kailangan nating iligtas si Shane. Hihina si Vivian Kung mapapa alis natin siya sa katawan ni Shane" sambit ni Mang Brando.
"Paano naman natin magagawa iyon?" tanong ni Sabrina. Lahat kami ay tumingin kay Mang Brando.
Tiningnan ako ni Mang Brando na para bang sinasabi na ako ang sagot sa mga tanong Nila.
"Ikaw Gelo. Ikaw ang makakapagligtas kay Shane. Ikaw ang lalaking nagmamahal sa kaniya ng lubos. Ikaw Rin ang Mahal ni Shane" sambit ni Mang Brando.
Hindi lamang ako ang nagulat at Pati na Rin si Sabrina.
Tiningnan ko si Brian, walang emosyong makikita sa kaniyang mga mata. Napaupo ako Sa upuang malapit sa mesa. Gusto kong mag muni muni.
"Guys! Tingnan niyo yung monitor!" sigaw ni Sabrina. Lahat naman kami tumingin sa monitor at laking gulat namin ng makita si Shane sa labas ng pintuan ng classroom.
"Sa tingin ko ito na ang katapusan natin" sambit ni Mang Brando ng nakangiti.
"Pasensiya na kayo kung hindi ko kayo natulungan" sambit ni Mang Brando na para bang sigurado na siya na mawawala siya.
"Hindi, gagana ang plano. Maliligtas tayo" sigaw ko. Kahit di ako sigurado.
"Itigil niyo na muna iyan kailangan nating ihanda ang mga sarili natin" sambit ni Brian. Lahat naman kami ay sumunod sa kaniya.
Kumuha ako ng isang rosaryo na malapit sa mesa. Hindi ko alam Kung anong gagawin ko dito basta sigurado akong kailangan ko ito.
Lahat kami ay nakatingin sa pintuan na alam naming sa likuran nito ay ang dahilan ng aming kamatayan ngayon.
Malakas na tunog ang aming narinig galing sa pintuan. Pagbukas ng pintuan ay biglang pumasok si Shane na Puno ang uniporme ng dugo.
Dugo ng aming guro at mga kaklase. Dugo ng taga section B.
-edina🖤