Gelo's POV:
Umaga kaming nagising ni Shane dahil kailangan pa naming pagsilbihan ang pamilya nila Rihanna. Wala si Rihanna sa bahay kaya naman hindi naiilang si Shane.
Matapos kaming magluto at maghanda ng agahan ay agad kaming naligo at nagbihis. Kumain muna kami sa kusina at katapos ay tinawag ang aming amo para sabihin na nakahanda na ang pagkain.
"Shane bakit may sugat ka?" tanong ko habang nakatingin sa palad ni Shane. Kanina kopa napapansin na may sugat siya Doon at parang sariwa pa.
"Huh?" Sabi ni Shane. Hindi niya yata alam na may sugat siya. Itinuro ko ang palad niya at agad niya naman itong tiningnan.
"Ah ito? Baka Kung saan kolang nakuha iyan diko napansin" sabi nito at naglakad papalabas ng gate. Hindi kona inusisa pa ang tungkol sa sugat niya at naglakad papalabas ng gate. Agad kaming pumara ng Tricycle at sumakay.
Pagkarating namin Sa eskwelahan ay bumungad Sa Amin ang ingay ng sirena galing sa mga Pulis at ambulansiya. Agad nitong naagaw ang aking pansin Kaya agad agad akong lumabas Sa tricycle. Agad namang sumunod sa akin Si Shane. Tumakbo kami patungo sa nagkukumpulan na mga tao.
Nawala ako Sa ulirat ng Makita na classroom namin ang crime scene. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at nag iisip Kung sino ang biktima. Noon Si Megan sino naman ngayon?
Agad akong humakbang para Makita Kung sino ang biktima. Laking gulat ko ng Makita na tatlo Ito. Kung Hindi ako nagkakamali ay Ito ang mga kaibigan ni Megan. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Duguan ang dalawa na nakahandusay sa sahig at ang mga mata nito ay Puno din ng dugo. Napalingon ako Sa teachers table at nakita ko Doon ang isa pa nilang kaibigan na nakaupo at walang malay. Nakatahi ang bibig nito at ang mga mata Rin nito ay Puno ng dugo.
Agad na naagaw ng pansin ng blackboard ang aking paningin. Dugo ang gamit sa pagsulat nito.
"LAHAT KAYO AY MAMAMATAY" iyon ang nakasulat sa blackboard. Tumindig ang mga balahibo ko at hindi makapaniwala sa nabasa. Sino naman ang gumagawa nito? Agad akong napalingon kay Shane na ngayon ay gulat na nakatingin sa blackboard.
May dumating na mga rescue team at agad na binuhat ang mga bangkay ng aming kaklase. Huling inilabas ang babaeng nakaupo sa teachers table.
Nang inilabas ang panghuling biktima ay agad na naagaw ng aking pansin ang hita nito na may nakasulat.
"Shane" iyon ang nabasa ko. Agad akong napalingon kay Shane at pinagmamasdan ang inosente nitong mukha. Tama ang sabi ng matanda. Malala na si Shane ngayon.
Agad namang may Pulis na dumating sa Harapan naming lahat.
"Ayon sa pagsusuri ay gumagamit ng mga pinagbabawal na gamot ang mga estudyanteng ito kaya posibleng taga labas ng eskwelahan ang gumawa nito" Sabi ng Pulis Sa Harapan namin. Agad namang may dumating na Isa pang Pulis at may ibinulong Sa pulis na nasa Harapan namin.
"Sino sa inyo si Shane?" agad na sambit ng Pulis. Lahat kami ay napalingon sa kinatatayuan ni Shane. Agad namang humakbang Si Shane patungo sa kinatatayuan ng Pulis.
"Sabi ko na nga ba mamamatay tao iyan"
"Siya nga tss"
"Mag ingat tayo sa kaniya"
"Gr. I'm scared Pano Kung Tayo isunod niya?"Nagbubulong bulungan pa ang iba naming mga kaklase. Nang makarating na sa unahan si Shane ay agad siyang kinausap ng pulis.
Papa alis na sana si Shane ng bigla itong lumingon sa akin at nagwika ng
"Babalik ako mauna ka nalang kakausapin lamang nila ako" Sabi nito sabay talikod sa akin.
Bago paman siya Maka alis ay agad siyang pina ulanan ng mga papel. Binabato na siya ng mga papel agad naman akong tumulong sa mga Pulis para siya ay protektahan.Nang Maka alis na siya ay agad namang bumungad sa Harapan ko si Faith.
"I'll make her life miserable. Pinatay niya ang kaklase natin. Hindi niya deserve mabuhay" Sabi ni Faith na nakatitig ang mga Mata sa akin.
"Wala kang pruweba" sabi ko at nilabanan ang mga tingin niya.
"I know that you know the truth. Alam Kong Alam mo Kaya wag mo akong gawing Tanga" Sabi nito sabay talikod sa akin. Sumunod sa kaniya ang iba niyang kaibigan.Agad naman akong natulala. Pano na ngayon si Shane? Pano na?
Kailangan ko ng tulong ng matanda. Si Brando.
Shane's POV:
Narito ako ngayon sa police station para daw kausapin Nila ako. Hindi ko Alam Kung bakit. Kanina ay labis akong nainis Sa aking mga kaklase. Bakit Nila ako pinagbibintangan? Kagabi ay nasa bahay lamang ako, yata. Arghhhh pati ako nalilito na rin.
Hindi ko alam pero parang may nagsasabi sa akin na ako nanaman ang responsable sa ganoon kahit hindi naman.
Agad na lumapit ang isang pulis sa akin.
"Miss Shane kilala moba ang mga biktima? May alitan ba kayo?" tanong ng pulis.
"Kilala kopo sila pero hindi ko alam mga pangalan nila. Naiinis po sila Sa akin dahil ako ang pinagbibintangan nilang pumatay sa kaibigan nilang Si Megan" sabi ko. Hindi ko Alam Kung Tama ba na sabihin ko na pinagbibintangan akong pumatay.
"Pero Hindi naman diba ikaw ang pumatay sa Megan na iyong sinasabi?" tanong Muli ng pulis. Hindi ako nakapagsalita. Gusto kong sabihin na hindi ako pero parang hindi ko kaya. Kumuha muna ako ng lakas ng loob at saka nagsalita.
"Hindi ako ang pumatay at pumapatay" Sabi ko at tumingin sa Pulis. Alam Kong Hindi ako. Alam ko.
Tulad nga ng sinabi ng Pulis na gumagamit ng illegal drugs Yung tatlo Kaya baka mga ka alitan Nila sa labas ang may gawa nun. Hindi ako. Alam Kong Hindi ako.
Pinalabas na ako ng mga Pulis. Agad akong sumakay papunta sa eskwelahan. Pag apak ko ay agad akong pumunta Sa classroom. Bumungad Sa akin ang aking mga kaklase na Galit na nakatingin sa akin. Papasok na Sana ako ng biglang bumungad Sa Harapan ko si Faith. Sinampal niya ako. Gusto ko sanang gumanti kaso baka mas lalo pa lamang akong pagbintangan.
"Mamatay Tao!" Yung ang sigaw nilang lahat sabay bato ng papel Sa akin. Wala ang guro namin kaya naman pwede nilang gawin ang lahat ng gusto Nila sa akin.
"Ano Shane? Paano mo nasisikmura na pumasok pa? Eh apat na silang pinatay mo at baka nga kaming lahat ang isunod mo!" Sabi ni Faith.
Ikinuyom ko na lamang ang mga kamao ko. Binabato Nila ako ng papel at ako heto nakatayo at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko.
Agad namang may humigit sa akin papalabas ng classroom at nagpadala na lamang ako Kung sino man ito.
-edina🖤