Chapter 19: Death of the Whole Class

7 5 0
                                    

Gelo's POV:

Lahat kami ay naalarma na at nagsimula nang maghanap ng susi na sinasabi ni Shane.

Sa halip na maghanap ay pumunta ako kela Rihanna at Sabrina. Hindi ko na alam ang gagawin, hinde umayon ang aming plano.

"Rihanna, Sab ano na ang ating gagawin? Lahat ng ating kaklase paniguradong mapapahamak" sabi ko. Tiningnan namin ang aming mga kaklase na aligagang maghanap ng susi. Lahat ay naghahanap.

Tiningnan ko si Shane, bigla siyang tumayo at tiningnan ang orasan.

"Limang minuto na ang nagdaan kailangan kong magbawas ng isa" sabi nito at ngumiti ng nakaka kilabot.

Nakita ko ang grupo nila Faith na aligaga ding naghahanap ng susi. Silang tatlo ang tinitingnan ni Shane. Naglakad si Shane papalapit sa kanila. Nang mapansin iyon ni Faith ay bigla siyang tumakbo at hinila ang isa sa kasama niya. Naiwang mag Isa ang isa niyang kaibigan. Bigla itong hinablot ni Shane sa buhok.

"T-tulong pakawalan mo ako Shane parang awa mona. Faith! Tulungan mo ako!" sabi nito. Iyak siya ng iyak habang hawak ni Shane ang kaniyang buhok.
Nakita ko sila Faith na nasa gilid lamang at tinitingnan Kung anong mangyayari. Parang mga walang pinagsamahan kung umasta.

"Hmm. Gunting o Ballpen?" tanong ni Shane. Kinikilabutan na ako sa susunod na mangyayari.

Tiningnan ko ang iba Kong mga kaklase abala sila sa paghahanap ng susi. Hindi sila tumitigil ang Ilan ay iyak ng iyak.

"S-shane please wag" sabi ng kaibigan ni Faith at patuloy lamang ang pag iyak.

Hindi nakinig si Shane at bigla na lamang na sinaksak ang aming kaklase gamit ang gunting na hawak nito.

Pinagsasaksak ni Shane ang aming kaklase, sinaksak sa mata, dibdib at pati sa leeg. Tuwang tuwa siya sa ginagawa niya. Hinde ko na alam kong may Shane paba na kilala ko. Nasakop na ang katawan niya ng Vivian na tinutukoy ni Mang Brando.

Naalala ko ang plano namin, pupunta pala dito si Mang Brando. Hindi na ako nanood pa dahil Hindi ko na Kaya. Iyak ng iyak ang aming ibang kaklase. Ang iba ay naghahanap ng susi.

"Sab, Rihanna, kailangan nating makalabas dito dahil paniguradong pupunta si Mang Brando dito. Kailangan nating ilabas sila. Hanapin nating ang susing tinutukoy ni Shane" Sabi ko na agad nilang sinang ayunan.

"Paano kung isa Tayo Sa mamatay dito? Paano kung Hindi Tayo makalabas ng buhay?" umiiyak na sambit ni Sabrina.

"Lalabas Tayo ng buhay Sab magtiwala ka" pang aalo ni Rihanna.

Pati ako ay hindi mapigilang mag isip.

"Tara maghanap tayo" sambit ko. Agad naman kaming naghiwa hiwalay para maghanap sa susing sinasabi ni Shane.
Kada limang minuto ay may mababawasan sa amin.

Iyak at sigaw ang aking naririnig sa loob ng classroom. Sa maraming minutong lumipas ay paunti kami ng paunti.

"Isa nanaman ang mababawasan" sambit ni Shane. Agad naman kaming kinilabutan dahil anim nalang kaming natira.
Si Faith at ang kaibigan niya, si Chenie, ako at si Rihanna at Sab.

Agad na lumapit si Shane sa kinaroroonan ni Chenie.
Biglang natuwa pa sila Faith dahil hindi sila ang punterya.

"S-shane sorry sa lahat, pakawalan mo ako promise ipagdadasal nalang kita" sambit ni Chenie.

Hindi ko alam kung maawa ba ako sa kaniya.

Hindi ni Shane pinakinggan ang mga sinasabi ni Chenie. Bigla niya itong sinaksak sa tiyan na siyang dahilan ng pagsigaw ni Chenie.

"Ayoko nang mag aksaya ng oras kaya mamadaliin ko ito" sabi ni Shane at biglang sinaksak sa leeg si Chenie.

Maraming dugo na ang bumalot sa classroom. Ngayon ay lima na lamang kami. Natatakot na ako sa susunod na mangyayari.

"NAHANAP KO NA ANG SUSI" sigaw ni Sabrina.

Tatakbo na sana ako papalapit sa kaniya ng biglang harangan ako ni Faith. Sinuntok ni Faith si Rihanna na nasa tabi ko.

"Kunin mo ang susi sa kaniya Dali" utos ni Faith Sa kaibigan.
"Tss. Kami muna ha? bye" Sabi ni Faith. Hindi kami lubos na makapaniwala na Pati dito ay ubod parin ang kamalditahan ni Faith.

"WALANG HIYA KA FAITH! TRAYDOR KA! MAKASARILI! WALANG HIYA!" sigaw ng sigaw si Rihanna habang tumatakbo ang dalawa papuntang pintuan. Nang mabuksan ang pintuan ay agad namang hinablot ni Shane ang kaibigan ni Faith.

Hinawakan ng kaibigan ni Faith si Faith Kaya silang dalawa ang hawak ngayon ni Shane.

Agad naman kaming nakakuha ng tyansa na makalabas sa aming classroom. Tinulungan ko si Sabrina na tumayo dahil pinagsisipa ito ng kaibigan ni Faith.

"Tara na lumabas na Tayo, hanapin natin si Mang Brando" Sabi ko sa kanila. Agad namang tumayo si Sabrina. Hinila ko Si Rihanna papalabas ng classroom. Habang pinagsasaksak ni Shane sila Faith ay takbo naman kami ng takbo.

Lahat ng estudyante ay nagsisi uwian na at maraming nagkukumpulan na mga estudyante sa building namin kaya mahihirapan kaming makalabas.

Lumiliit na ang bilang ng mga estudyante sa eskwelahan. Lahat ay nagsi uwian na.

Kami nalang ang natira. Kaming mga kaklase ni Shane. Ang iba naming kaklase ay patay na. Pati na ang guro namin.

Takbo kami ng takbo Kung saan saan. Wala Nang mga estudyante sa eskwelahan at Pati ang guard ay umuwi na rin. Hindi ko maiwasan na matakot dahil wala pang mga Pulis na rumeresponde sa Amin.

Habang tumatakbo ay nahagilap ng aming mga Mata ang pamilyar na pigura ng tao.

"MANG BRANDO" sigaw namin. Takbo pa rin kami ng takbo.

"Sht. Bilisan niyo nasa likuran si Shane!" sambit naman ni Sabrina.
Tiningnan namin ang aming likuran at laking gulat namin n Makita si Shane sa aming likuran. Sumusunod siya sa amin habang hawak ang isang gunting.

Mabilis itong maglakad.
Takbo kami ng takbo hanggang marating namin ang kinaroroonan ni Mang Brando.

"Mang Brando, ano na? Anong gagawin natin? Hindi umayon ang ating plano" sambit ko na hingal na hingal. Papalapit ng papalapit si Shane sa Amin.

"Tumakbo na Tayo, tumawag na ako ng mga Pulis papunta na sila rito" sambit ni Mang Brando.

"TUMAKBO NA TAYO MALAPIT NA SIYA" sigaw ni Sabrina at Dali daling tumakbo papaalis. Pati kami ay naalarma at nagsimula na kaming tumakbo papalayo. Takbo kami ng takbo.
Pagod na ang mga paa ko.

"Sa stock room Tayo Hindi Tayo Doon makikita dahil tago ang lugar na iyon, Doon ako nagtatago pag nagmamanman Kay Shane Sa loob ng eskwelahan" sambit ni Mang Brando.

Walang sinuman ang nagsalita sa Amin at sumusunod lamang kami Kay Mang Brando.

-edina🖤

Cursed RoshanneWhere stories live. Discover now