Third Person's Point of View:
Gabi na at nasa eskwelahan pa rin ang tatlong kaibigan ni Megan. Ang mga kaibigan niyang umapi kay Shane at pinagbibintangan nilang Si Shane ang pumatay Kay Megan.
Silang Tatlo ay gumagamit ng mga candy drugs at dahil Alam nilang pinagbabawal ito pumunta sila Sa eskwelahan dahil Dito wala Sa kanilang makakaisip na hulihin. Papauwi na Sana sila dahil dis oras na ng Gabi.
Walang kaalam Alam ang mga guro at guard Sa pinag gaga gawa nilang tatlo.
"Hoy! Dahan dahan Sa paglalakad masakit head ko arghh." sambit ng pinakabata sa kanila. Si Selene ang pinakabata at pinakamaganda Sa Tatlo. Inalalayan naman ng isa si Selene.
"Dalian niyo Kung ayaw niyong mahuli Tayo" Sabi ng pinaka maangas Sa kanila. Si Bea. Lahat sila ay gumagamit ng mga pinagbabawal na gamot at Sa oras na mahuli sila maki kick out sila Sa eskwelahang Ito. Ang eskwelahan Kung saan naririto ang mga itinalagang matatalino.Papalabas na sila ng gate ng eskwelahan ng biglang may naaninag sila Sa labas at tinitingnan sila. Isang babae na Naka pantulog at masama ang tingin Sa kanila. Hindi Nila masyadong makita ang mukha ng babae dahil Sa madilim na Sa labas ng eskwelahan.
"Buksan mo nga ilaw ng cellphone mo tingnan mo Kung sino Yan" Sabi ni Bea na natatakot. Baka kasi magsumbong ito Sa mga guro.
"Ay, lowbat ako" Sabi ni Selene na ngumingiti. Mukhang malakas ang Tama ng drugs Sa Sistema niya at ngiti pa siya ng ngiti.
"Ako Rin lowbat" Sabi naman nung Isa. Walang nagawa si Bea Kung hindi ilabas ang cellphone niya at tingnan Kung sino iyon. Natatakot siyang humakbang papalapit sa direksiyon ng babae.
Palapit na siya ng palapit Sa direksiyon ng babae. Hawak niya ang cellphone niya at nakatutok ang flashlight nito sa direksiyon ng babae. Nang naaninag na niya ang mukha ng babae ay agad siyang napangisi na para bang sinasabi na walang dapat katakutan.
Sumigaw siya para ipagpa alam kung sino ang nakita.
"Guys si-----" hindi na ni Bea natapos ang sasabihin ng biglang lumapit ang babae at sinaksak siya gamit ang gunting na dala dala nito. Sinaksak nito ang leeg at mata ni Bea. Nagtalsikan ang mga dugo nito sa mukha ng babae.Nagulat ang dalawa Sa kanilang nasaksihan. Hindi sila nakagalaw Sa kanilang kinatatayuan. Nganga pa rin si Selene Sa mga nakita at Hindi makapaniwala. Tiningnan nilang dalawa ang babae at laking gulat Nila ng tumingin ang babae sa direksiyon nila.
"Walang dapat na manakit sa kaniya" turo ng babae Sa sarili nito. Hindi maintindihan ng dalawa ang ibig sabihin ng babae Kung bakit tinawag niyang "niya" ang sarili niya.
"Dahil ako lang dapat ang magparamdam sa kaniya ng sakit at hirap, papatayin ko kayong lahat. Lahat kayo walang matitira" patuloy ng babae sabay tawa ng napakalakas. Ang mga mata nito ay maiitim at ang bibig nito ay maitim na rin.
"AHHHHHHHHHHHHHH" sigaw ng dalawa at tatakbo na sana sila ng biglang mahawakan ng babae ang paa ni Selene. Sa takot ni Selene ay hinawakan niya ang kaibigan niya. Hindi niya ito binibitawan at sa isip nito ay Kung mamatay man siya ngayon dapat kasama siya.
"Bitawan mo ako! Selene bitawan mo ako!" sigaw ng kaibigan niya. Nagmamakaawa siya na bitawan ni Selene. Kikalmot na niya Si Selene ngunit ayaw pa rin ni Selene bitawan Ito. Agad na humakbang ang babae Kay Selene. Hawak hawak nito ang gunting na Puno ng dugo. Ngumisi Ito ng nakakatakot. Hawak ng Isa niyang kamay ang paa ni Selene. Gumagapang siya ng dahan dahan. Pagkarating sa Harapan ni Selene ay agad niya itong sinaksak ang Mata. Sumigaw Sa takot ang kaibigan niya at nagpupumiglas parin na makawala pero malakas pa rin ang kapit ni Selene sa kaibigan.
Sinaksak ng sinaksak ng babae ang mata nito hanggang Sa mawalan Ito ng Malay. Ibinuka niya ang bibig nito at ginunting ang dila. Mahirap magunting ang dila kaya tumagal siya Sa pag gunting Dito. Ang natira na lamang ay si Messy. Ang babaeng kaninang hinahawakan ni Selene ay Malaya na ngayon at pwede na siyang tumakbo. Pero dahil Sa takot ay Hindi na siya nakagalaw Sa kinatatayuan niya.
Humakbang ng humakbang ang babae papalapit sa umiiyak na Si Messy. Nagmamakaawa itong patakasin at Hindi Ito magsusumbong.
"Hmm, ano Kaya ang magandang gawin sayo?" tanong ng babae. Sa halip na patayin niya Si Messy ay pinukpok niya muna Ito ng bato sa ulo katapos ay nawalan Ito ng Malay.Agad na dinala ng babae ang katawan ng tatlo Sa kanilang classroom. Katapos ay nagsulat Ito sa blackboard gamit mismo ang mga dugo nila.
Messy’s POV:
Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo. Pagmulat ko ng Mata nakita ko na nasa classroom ako. Teka buhay ako? Hindi ako nakagapos at nakaupo lamang ako sa teachers table habang ang mga kaibigan ko ay nakahandusay Sa sahig at walang malay.
Naaninag niya ang mukha ng babae kanina. Nakaupo ito sa Isa Sa mga upuan ng classroom at nakangisi sa kaniya.
"Bakit moko binuhay?" tanong ko. Bakit niya ako binuhay? Nakakapagtaka lamang na binuhay niya ako."Dahil iba ang gagawin ko sayo" Sabi ng babae sabay tayo at kumuha ng isang sinulid at karayom. Kinuha nito ang cellphone ni Bea at binuksan ang camera. Kinuha rin niya ang isang Puting maskara siguro ay para hindi siya makilala.
Natatakot ako posibleng mangyari sa akin. Ano ang gagawin niya? Dahil Sa madilim ang room ay Hindi ko makita na may nakasulat sa blackboard. Dahil dito nagkaroon ako ng ideya Kung paano Nila malalaman Kung sino ang pumatay sa mga kaibigan ko at pwedeng pumatay sa akin. Alam Kong Sa teachers table ni ma'am ay mayroong mga ballpen. Kumuha ako ng Isa ng Hindi pinapahalata.
Dahil Sa walang papel ay isinulat ko na lamang Ito Sa aking hita. Ngayon ay malalaman Nila Kung sino ka at Kung sino Rin ang pumatay Sa Amin at Kay Megan.
Nagulat ako ng bigla siyang sumulpot Sa aking Harapan Kaya nabitawan ko ang ballpen. Tumingin ako Sa kaniya na para bang wala akong ginawa. Parang Hindi naman niya nalaman ang aking ginawa at pagkanuway kinuha niya ang Kamay ko at inilapag Sa lamesa.
"Anong gagawin mo?" tanong ko. Takot na takot ako sa posible niyang gawin sa akin. Hindi ko Alam Kung bakit Hindi ako makagalaw. Hindi ko rin siya kayang pigilan dahil Alam Kong Sa anomang oras ay pwede niya akong patayin.
Kinuha niya ang gunting at agad na isinaksak Sa kamay ko na nakapatong sa lamesa. Sumigaw ako sa sakit.
"AHHHHH" sigaw ako ng sigaw dahil sa diin ng pagkakasaksak nito sa akin.Agad naman niyang kinuha ang karayom at sinulid. "Ang ingay mo" sabi nito na nakangisi. Ang pinagtataka ko ay Kung bakit maiitim ang Mata nito.
Bigla siyang lumapit sa akin at Hindi pa rin mawala ang takot Sa akin. Sumigaw ako ng sumigaw ng bigla niya akong pinalo na naging dahilan ng pagkawala ko ng malay.
___________
Paggising ko ay Hindi ko na kayang magsalita pa. Gamit ang Isa Kong kamay ay hinawakan ko ang bibig ko. Nakatahi Ito. Masakit ang aking mga labi at Sa tuwing gumagalaw Ito ay sakit ang aking nararamdaman.
Lumapit siya sa akin at tiningnan ko siya na nagmamakaawa na patayin niya na lamang ako.
Agad siyang lumayo para patayin ang camera at lumapit muli Sa akin. Kinuha niya ang gunting Sa aking palad at Hindi ko nagawang sumigaw dahil sa nakatahi ang aking bibig. Ininda ko ang sakit at umiyak na lamang.Agad niya namang sinaksak ang aking mata at naramdaman ko ang baon nito. Napakasakit. Lumuluha ako ng dugo. Dahil Sa natutuwa siyang tingnan ako ay kinuha niya ang cellphone at kinuhanan ako ng litrato. Agad na nagdilim ang aking paningin ng bigla niyang saksakin ang aking isa pang mata. Sakit at hapdi ang aking naramdaman hanggang Sa mawalan na ako ng malay.
-edina🖤