Chapter 18: Plan gone wrong

8 5 7
                                    

Gelo's POV

Maaga akong nagising dahil ngayong araw na Ito ang pinakahini hintay ko. Ang mawala na ang sumpa sa katawan ni Shane.

Pagkagising ko ay naabutan ko si Shane na kumakain na.

"Oh Gelo gising kana pala kumain kana" sabi nito sabay ngiti sa akin. Ewan ko pero kinikilabutan ako sa tuwing ngumingiti siya, alam ko kasi na pwede niya akong patayin kahit sa anong oras.

Lumalala na ang sumpa sa kaniya. Minsan hinde na niya ma kontrol ang katawan niya. Kailangan Nang mawala ang masamang Espirito na sumasapi sa kaniya. Naaawa ako sa kaniya.

Umupo na lamang ako para di niya mapansin at tyaka kumain ng tahimik.

Matapos naming kumain ay agad kaming naghanda para sa pagpasok.

"Nag review ka?" tanong nito sa akin. Hindi ako nakapag review kagabi dahil sa pag iisip ng maaaring mangyari ngayon. Paano Kung Hindi magtagumpay ang aming plano? Mapapahamak kaming lahat.

"Ah Hinde eh ikaw?" Sabi ko sabay kamot sa batok.

"Hinde rin, kala ko kasi mag re review ka" sabi niya sabay ngiti.
Natawa na lamang ako.

Sabay kaming naglakad papalabas ng Bahay. Agad akong nagbantay ng tricycle. Nang makasakay na kami ay hindi ako mapakali sa kaiisip sa mga posibleng mangyari ngayong araw.

Nakarating na kami sa eskwelahan. Iyon nanaman ang mga titig ng mga Tao sa Amin. Masama ang titig Nila Sa Amin lalo na kay Shane. Naniniwala kasi sila na si Shane talaga ang may pakana ng lahat.

Hinde ko alam kung bakit pero hinawakan ko na lamang ang kamay ni Shane. Sabay kaming naglakad papasok sa eskwelahan.
Nakikita ko sa peripheral view ko na nakatingin si Shane sa akin at sa kamay namin. Gusto ko sanang bumitaw pero parang ang sarap sa pakiramdan ng ganito kaya Hinde kona pinansin ang titig niya.

Nakarating na kami sa aming classroom. Agad kaming umupo ni Shane sa aming upuan. Masasama ang titig ng aming mga kaklase sa aming dalawa. Hinde nalang namin iyon pinansin.

Saktong dumating na ang guro namin na may dalang mga papel para sa examination.

"Good morning class, today is your examination day. Aware naman kayong lahat na bawal mag cheat noe? Ang mahuhuli kong mag cheat ay mapaparusahan" sabi ng guro namin.

"Edi huwag magpahuli" Sabi ni Chenie. Isa sa aking mga kaklase na medyo siraulo. Mabuti na lamang at Hinde narinig ng teacher namin iyon kindi lagot kaming lahat.

Nagsimula ng magbigay ng mga test paper si Ma'am.

"Okay class, answer well" sabi ni Ma'am sabay talikod Sa amin.

Habang nagsasagot ay iniisip ko ang mga mangyayari mamaya. Tiningnan ko sila Rihanna at Sabrina seryoso sila sa pagsasagot. Hindi ko napansin na nandito na pala sila.

Matapos ang isang oras na pagsasagot ay agad na tumayo si Ma'am para kunin ang mga test paper namin.

"Okay pass your papers finish or not finish" sabi ni Ma'am.

Tiningnan ko sila Rihanna at Sabrina. Nakatingin din sila sa akin at nag thumbs up pa si Sabrina sa akin.

Kinakabahan ako sa mga posibleng mangyari ngayon.

Pagkatapos nun ay nag bell.
Lalabas na sana ang iba naming kaklase ng biglang sumara ang pintuan. Pati ang mga bintana ay biglang sumara.

"Calm down students baka nadala lang ng hangin" Sabi ni Ma'am sabay lakad papuntang may pintuan.

"Eh ma'am Hinde naman mahangin noe" Sabi ni Chenie. Grabe talaga itong babaeng to.

Triny buksan ni Ma'am ang pintuan kaso Hinde talaga mabuksan. Tumulong na din ang aming mga kaklase pero wala talaga.

"It's getting creepy na ha" sabi ulit ni Chenie.

Nagulat kaming lahat na may lumipag na ballpen at natamaan nito Si Ma'am sa likod. Bumaon ang ballpen at nakita namin na dumugo ang likod ni Ma'am. Tumingin ang lahat sa pinanggalingan ng ballpen. Nakita namin si Shane na nakangisi at maiitim na ang ilalim ng Mata niya.

"Guys diba I told you siya ang killer" Sabi ni Chenie sabay tago sa likod ng aming mga kaklase.

Lahat sila ay sumigaw at nagtipon tipon sa isang gilid.

"Hinde siya si Shane! May masamang Espirito ang sumasapi sa kaniya" sigaw ko.
Nakuha ko ang attention ng lahat.

Si ma'am naman ay ininda ang hapdi ng sugat at nag try pa siyang maglakad papunta kay Shane.

"Shane? Kami Ito, lumaban ka" Sabi ni Ma'am sabay tingin Kay Shane.

"Dalawang hakbang" wika ni Shane. Hinde siya ito. Mag iiba na ang kaniyang boses Pati na ang kaniyang Mata ay nag iiba na rin.

Humakbang ulit Si Ma'am.

"Isang hakbang" wika ni Shane ng nakangisi.

Sa huling pagkakataon ay humakbang ulit si Ma'am.

Maraming ballpen ang lumipad at natamaan nito ang bawat parte ng katawan ni Maam.

Lahat kami ay nagulat ng biglang napahiga ang walang Malay na katawan ni ma'am at may maraming ballpen ang nakatusok Dito.

Maraming dugo ang umaagos at Alam namin na sa Puntong iyon ay wala na si Ma'am.

Tumingin ako kila Rihanna at Sabrina. Pati sila ay nakatingin na sa akin.

Hinde tumama ang plano.
Hinde namin nailabas ng ligtas ang aming mga kaklase.

Hinde na namin alam ang gagawin.
Lahat kami ay nataranta ng biglang tumayo si Shane. Ngumiti siya ng nakaka kilabot.

"Kumusta? HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA siguro alam niyo naman na katapusan niyo na noe? Tsk tsk tsk. Lahat ng may galit kay Shane papatayin ko. Lahat. Sayang maililigtas ka sana Brian Dave Angelo Sersilivano, kaso sobra na pangingialam mo kaya uubusin ko na lamang kayo" Sabi niya habang nakatingin sa akin. Hinde ako nakapag salita.

"Hey Shane frennn you know naman na Hinde ako mad sayo noe? I'm kind to you ha? Don't kill me ha? Ha bestie?" sabi ni Chenie na nagpa puppy eyes. Sipsip.

Masamang tiningnan ni Shane si Chenie.

Tsk.tsk.tsk. Unahin ka sana.
Biglang namatay ang ilaw sa classroom at narinig kopang magsalita si Shane.

"May susi sa classroom na ito. Tinago ko ang susi. Ang kailangan niyo lamang gawin ay hanapin iyon at makakalabas na kayo. HAHAHAHA habang naghahanap ay unti unti ring mababawasan ang mga kaklase niyo. Sige na hanapin niyo na" Sabi ni Shane sabay tingin sa aming lahat.

May hawak na siya ngayong gunting.
Lahat kami ay na alarma at nagsimula nang maghanap.

-edina🖤

Cursed RoshanneWhere stories live. Discover now