[ Nightmares ]
7 days have passed. The death of my father is still fresh for me. I am now moving on and want to start a new life with Gelo. He's my only family now. He's the only one who's matters now.
I am here at school. Still the cold girl they know, but in gelos case it's normal for him. I am not used of having so much friends. They're gonna leave you someday.
Second subject na pala. Diko namalayan ang oras sa pag iisip.
"Uy Shane are u okay? Kanina Kapa tulala diyan ah? is there something wrong?" tanong ng isa Kong kaklase. I don't know her name, Kaya di ko na pinansin."Grabe ka naman, I'm Sabrina remember me? Yung nagbigay ng extra t shirt saiyo?" she uttered. Oh I remember her na. She's the one who gave me extra t shirt so i can change.
Pero kaibigan ba to ni Faith?
"Salamat nalang dun" sabi ko Sa kaniya.Nagsisimula na ang klase at Hindi pa rin tumitigil sa pagsasalita si Sabrina.
Ugh. How i hate her voice.
"Uy pwede makipag kaibigan Sabi ko. Parang malalim yata iniisip mo ah?" sabi niya.
"Bakit nasisid mo?" sabi ko sabay irap. Ayoko ng madaldal."You're palaban" sabi niya. Nakangisi pa ang gaga.
"Diba kaibigan mo sila Faith? bakit ka nakikipag kaibigan Sa akin?" sabi ko. Kung nakikipag kaibigan to dahil gusto ni Faith gumanti wala akong oras."Hindi ko sila kaibigan noh, actually wala akong permanent na kaibigan Dito. Pera lang naman habol Nila Sa akin" sabi niya. Biglang nagbago ang ekspreksiyon sa mukha niya.
Naging seryoso bigla ang atmosphere. Well Hindi dahil Sa ayoko Sa kaniya, ayoko Lang talaga Nang bagong kaibigan.
"Ayaw ko ng kaibigan" sabi ko. Hindi ko siya liningon at wala akong balak Makita ang mukha niya. Naaawa ako.
"Okay lang basta dimo lang ako kaaway" Sabi nito.
Nakinig nalang ako sa tinuturo ng aming guro. Kahit na ano yata ang pakikinig ko ay Hindi ko talaga naiintindihan tinuturo nito.
Hindi siya magandang magturo. Liningon ko ang aking mga kaklase. Natutulog na ang iba. Ang booring naman Kasi talaga. Maraming Hindi nakikinig at panay chika lamang sa mga kaklase.
Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa klase.
----
Narito ako ngayon sa isang mahabang kalsada. Madilim ang paligid. Walang makikitang mga Tao. Masangsang ang amoy na iyong malalanghap. Napakadilim.Isang liwanag ang aking naaninag. Pupuntahan ko na sana Ito pero isang lalaki ang lumitaw mula Dito. Napaka pamilyar ng kaniyang mukha. Alam Kong siya iyon.
"Itay! itay! itay!" sumisigaw ako habang papatakbo papalapit sa kaniya. Buhay siya? buhay si Itay?
Nang malapit na ako sa kinatatayuan niya ay agad namang nawala ang liwanag kasama siya.
Isang bagong senaryo ang aking nasaksihan. Si Itay nanaman ngunit Dito isang babaeng medyo matanda na ang kaniyang kaharap. Isang babaeng tila'y isang kaluluwa na lamang.
"Vivian, huwag mong gawin sa akin to, kaibigan mo si Miranda diba? Bakit mo kailangang gawin ito?" pagmamaka awa ni Itay sa babae.
Gusto kong lapitan sila. Gustong gusto ko ngunit parang may humahawak sa mga kamay at paa ko at tila bang pinipigilan akong makalapit sa kanila.
"Huli kana Simon, pinatay ko na si Miranda at alam mo ang mas malala pa dun? Katawan ng Anak mo ang ginamit ko para sa pagpatay HAHAHAHA" sabi ng babae. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko.
Ako ang pumatay Kay Inay. Sa aking mga kamay siya pumatay. Hindi, Hindi ko magagawa iyon. Bakit ako? Bakit nangyayari sa akin to?
"Alam mo na rin ba na Hindi mo Anak si Roshanne? Anak siya ni Raul, anak siya ng kapatid mo. Traydor si Miranda. Pareho niya tayong pinagtaksilan. Sumama ka sa akin. Sabay tayong maghiganti" sabi ng babae.
Hindi maaari. Hindi ko tunay na ama Si Itay? Totoo ba Ito? Nanaginip Lang ako kailangan Kong gumising. Pero parang hindi Ito isang panaginip lamang. Parang ibinabalik niya ako Dito Kung saan namatay Si Itay.
"Ayokong sumama Sa Iyo! Mas gugustuhin ko nalang mamatay kesa maging isang demonyo katulad mo!" sabi ni Itay. Nagbago ang ekspresiyon ng babae. Tila naging seryoso ang mukha nito.
"Sige pagbibigyan kita. Gusto ko sa huling hininga mo anak mo ang makikita mo" sabi nito at agad na lumingon sa kinatatayuan ko.
Ngumisi Ito Sa akin. Isang mala demonyong ngisi. Ngayon ko Lang napansin na ang mga mata nito ay maiitim. Mapayat Ito. Ang anit nito ay tila bang unti unti nang nalalagas. Nakakasuka ang muka nito. Ang bibig niya ay may uod pa.
"Pagmasdan mo ang Anak mo Simson. Napakahina niya. Hindi ka niya maililigtas dahil ang Hina Hina niya. Kaya nga katawan niya ang ginagamit ko dahil Alam Kong Mahina siya" sabi nito sabay tawa. May uod na nahulog mula sa bibig nito. Hindi ko kayang pagmasdan ang nakakadiring pagmumukha nito.
"Shane, anak wag kang makikinig Sa kaniya. Matapang ka. Harapin mo ang mga pagsubok na darating Sa Iyo dahil Alam Kong ngayon Ito na ang katapusan ko" Sabi ni Itay.
Hindi, ililigtas ko siya. Ililigtas ko Si Itay. Gusto kong lumapit kay Itay Pero Hindi magawa ng aking mga paa. Parang Naka Kadena na ako Sa kinakatayuan ko.
"Itay ililigtas Kita. Itayyyy!" utal ko habang patuloy na kumakawala sa Hindi nakikitang mga kadena.
"Nagtatapang tapangan ka nanaman ba? HAHAHAHAHAHAHA ngayon pagmasdan mo Kung paano mamatay ang Itay mo
SA MGA KAMAY MO!" sabi nito.
Hindi ko namalayan ang aking sarili na nakasakay sa isang sasakyan.
Hindi ako marunong magmaneho Pero tila bang may sariling utak ang aking mga kamay.Unti unting umaandar ang sasakyan patungo sa kinatatayuan ni Itay. Hindi, hindi ko sasagasaan Si Itay. Pinipigilan ko ang aking Kamay Pero Hindi ko ito napipigilan.
"Hindiii, Itay tumabi ka! Itayyyyy!" sigaw ko habang papalapit ng papalapit Kay Itay. Ngayon ko Lang napansin na Naka Kadena Si Itay. Hindi, Hindi maaari.
Pinag sisipa ko ang break ng sasakyan ngunit Hindi talaga.
Pagtingin ko sa Harapan ay Hindi ko na namalayan ang pag bunggo ko Kay Itay. Hindiiiii. Ilang ulit ko pang pinabalik balik ang sasakyan na para bang pinapatay ko siya ng ilang ulit.
Iyak ako ng iyak habang pinagmamasdan ang katawan ni Itay. Halos di na Ito makilala. Durog na ang mukha nito. Ayoko na, Hindi ko na kaya.
"Itayyyyyyy" sigaw ako ng sigaw ng biglang isang malamig na tubig ang aking naramdaman.
"Shane, ayos kalang? Anong nangyari? Kanina Kapa sumisigaw Sa klase Kaya dinala ka namin sa clinic Pero ayaw mo talagang magising" Sabi ni Gelo.
Tumingin ako Sa paligid. Nasa clinic ako, maraming guro ang nakapalibot Sa akin. Pati Si Gelo ay nandito.
Agad akong tumingin sa bintana, Hindi ko matanggap ang sinapit ni Itay. Ang sama ng panaginip ko, panaginip lamang iyon.
Pati mga nalaman ko ay sobra sobra na. Hindi ako ang pumatay Kay Inay, Hindi ko magagawa ang bagay na iyon.
Hindi ko rin magagawa ang pagpatay Kay Itay, ayoko.
Liningon ko ang pintuan ng clinic. Nakita ko ang babae na nakatayo mula Dito at nakangisi sa akin. Tiningnan ko ito. Hindi ko kayang magsalita. Hindi ko masikmura ang aking mga nalalaman.
Ang babaeng Ito ang kaibigang matalik ni Inay. Nakita ko na Ito Sa mga litrato sa Bahay.
Vivian, siya si vivian. Kapatid siya ni Itay sa ama.
xoxo
-edina🖤