[ Hell ]
Umaga na at maghahanda na ako para sa pagpasok Sa paaralan.
Ito ang unang araw na papasok ako at sana ay maging maganda ang araw na Ito para Sa amin ni Gelo.Naghanda at naligo na ako para sa eskwela. May inihandang almusal si inay Kaya kumain na ako.
Napansin Kong umiiwas Sa akin si inay ano Kaya ang nangyari?
Natapos akong kumain at ganon pa rin ang sitwasyon, parang iniiwasan ako ni inay. Nasaan Kaya si Itay.
Agad Kong hinugasan ang aking kinainan, tinanong ko Si inay Kung nasaan si itay.
"Inay nasaan po si itay?" tanong ko.
Hindi siya kumibo bagkus ay ipinagpatuloy niya Lang ang pagwawalis sa sahig.Nang umuwi naman ako kagabi galing enrollment ay Hindi naman ganito si inay ah. Ano Kaya ang nangyari at biglaan nalang nagkaganito siya.
Tatanungin ko na Sana ulit siya ng biglang lumitaw si itay Sa aking likuran. "Anak, oh aalis kana? Nag almusal ka naba?" tanong ni itay.
"Ah opo, aalis na Sana ako magpapaalam lamang ako sa inyo" sabi ko. Agad akong nagmano at nagpaalam kah itay, Hindi na ako pumunta kay inay dahil parang wala siya sa wisyo.
Aalis na Sana ako ng bigla akong tawagin ni itay. "Shane, may pera ka diyan? Oh Ito pambaon mo kumain ka ng marami ah tingnan mo ang payat mo na at parang Hindi ka natulog kagabi ah" sabi ni itay. Sa sinabi niyang iyan ay biglang lumingon si inay sa amin. Hindi ako sigurado Kung natulog ba ako o Hindi. Parang Hindi naman kasi ako nanaginip.
"Ah wag na po itay may pera pa ako Dito at saka kailangan pa nating magbayad ng kuryente" pagtanggi ko sa pera na bigay ni itay Sa akin.
Ayaw Kong sabihin na pabigat ako Sa kanila. May pera pa naman ako Kaya, Kaya ko pang tugunan ang pangangailangan ko.
Nagpaalam na ako at agad na tumaliwas Sa aming tahanan. Paglabas ko ng gate nakita ko Si Gelo na naghihintay.
"Kanina kapa diyan?" tanong ko Sa kaniya.
"Hindi, kararating ko palang" sabi niya. Hindi na ako nagsalita at hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung bakit Hindi ako pinapansin ni inay.
Sumakay na kami ng tricycle ni Gelo. Agad kaming nakarating Sa eskwelahan dahil medyo malapit lang naman Ito dito.
Pagpasok namin Sa eskwelahan ay agad naming hinanap ang among classroom. Nasa section B kami ni Gelo. Pagpasok namin ay agad naming nakita si Faith.
Masama ang tingin nito Sa akin at parang may ginawa nanaman akong Mali.
Pumunta ako Sa may harapan na upuan ni Faith dahil nandoon ang pangalan ko.
Uupo na Sana ako ng bigla niyang higitin ang upuan at napa upo ako Sa sahig. Masakit ang pwet at balakang ko dahil Sa tiles na sahig nito.
Hindi ko na Sana papansini ang nangyari ng bigla niya akong buhusan ng orange juice galing Sa tumbler niya. Yawa.
"Yan bagay yan sayo. Pabida ka kasi. Dahil sayo Hindi ako nasa section A. Dahil sayo napunta ako Sa Section B. Gago ka kasi" sabi niya habang inuubos ang Laman ng tumbler niya Sa pagbubos Sa akin.
Hindi ako umimik. Ah oo nga pala dahil Sa nangyari kahapon Kaya siya pinatawag ng Lolo niya at pinarusahan yata siya Kaya siya napunta Sa Section B.
Wala namang masama ah. Tatayo na Sana ako ng bigla niya akong sampalin.
"Sumosobra kana, Hindi ko kasalanan na pinapunta ka Dito dahil ikaw ang may kasalanan nun. Kung Sana pumila ka ng maayos ay Hindi ka mapupunta Dito. Wala akong kasalanan" sabi ko Sa kaniya ng masama ang tingin.
"Aba aba-" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng biglang may sumulpot Sa aming harapan.
"Tama na Faith, darating na ang teacher natin at Sana wag niyo kaming idamay Sa gulo niyo. Lahat Tayo mapapagalitan dito" sabi ng babae.
"Oh Ito extra T-shirt magbihis ka muna sa Cr. I'm Sabrina by the way" abot nito sa T-shirt.
Hindi ko na pinansin Si Sabrina at agad Kong kinuha ang damit para makapagpalit na sa Cr.
Pagkatapos Kung magpalit ay may napansin akong umiiyak sa isang cubicle.
Sinundan ko ang iyak na iyon ng biglang mawala ang ilaw. Agad akong kinabahan ng biglang bumalik ang ilaw. Patay sindi ang ilaw Sa loob ng Cr. Anong nangyayari? May problema ba Sa mga ilaw dito?
Naririnig ko pa rin ang iyak ng babae. Nandun na ako sa huling cubicle. Agad Kong tiningnan ang ilalim ng cubicle Kung may tao.
May nakita akong sapatos. Napansin kong may bahid ng dugo ang medyas nito.
Kinilabutan ako Sa aking nakita. Tatakbo na Sana ako ng biglang bumukas ang pintuan ng cubicle at agad na lumapit ang babae sa akin.
Duguan ang uniporme nito. Magulo ang buhok at may mga bahid ng pulang mantsa Sa mukha.
Napaupo ako dahil sa takot. Umatras ako ng umatras ng biglang mapunta na ako Sa pader. Natatakot ako. Ang mga mata nito ay nanlilisik na nakatingin Sa akin.
Palapit na siya ng palapit Sa akin.
"Huwag. Parang awa mo na" sigaw ko sa babaeng duguan na nasa harapan ko.Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari ng biglang tumawa ang babaeng duguan. "Guys did you see that? Natakot siya. Nagtatapang tapangan lang pala kahapon eh. HAHAHAHAHAHAHAHA hayst Shane natakot kana dun? Pano pa Kaya Kung totoong bangkay na ang iharap namin sa iyo? HAHAHAHAHAHAHA" sabi ng babae.
Siya ang babae kahapon. Isa Sa mga alagad ni Faith. Agad Kong kinuha ang bag ko at tumakbo palabas ng Cr. Narinig ko pa ang sabi ng isang babae. "Nice work Sheena" sabi ng isa. So si Sheena iyon.
Humanda ka. Agad akong tumakbo papunta sa aming classroom. Hindi pa rin mawala ang kaba na dulot ng kanina. Akala ko totoong multo na ang nakikita ko.
Mga walang hiya iyon. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng mga luha Sa aking mata.
Buong araw akong tulala at wala manlang akong nalaman na lesson Sa buong araw. Puro pagpapakilala Lang naman eh.
Pupuntahan ko na Sana si Gelo sa kanilang classroom ng biglang tumunog ang selpon ko.
Agad Kong tiningnan Kung sino Ito. Si itay. Bakit Kaya?
Agad Kong sinagot ang tawag ni itay Sa akin. "Itay? Ano pong kailangan niyo?" tanong ko Kay itay Sa tawag. Pero imbes na sumagot siya ay umiyak lamang siya. Anong nangyayari? Bakit umiiyak si itay?
"Tay, anong nangyayari? Bakit ka umiiyak? Si inay? Asan Si inay? May nangyari ba?" kabado Kong tanong.
Takot ako Sa isasagot ni itay Sa akin.
"Shane, ang inay mo. Wala na siya. Nakita ko na lamang siya na nakahandusay sa sahig. Maiitim ang mga mata at walang malay" paiyak na sagot ni itay.
Hindi ako makapaniwala Sa mga narinig ko. Hindi Ito totoo.
I-i-inay hindiii, hindiii.
xoxo
-edina🖤