[ SECOND VICTIM ]
(guess who?)
HAHAHAHAHAHAHARoshanne's POV
Agad akong pumunta sa ospital na tinext sa akin ni Itay.
Hindi ako makapaniwala. Panay ang iyak ko habang nasa biyahe. Gusto ko man sumigaw ay wala akong magagawa dahil Hindi nito maibabalik ang buhay ni Inay.
Ayoko sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
They say that the most painful heartbreak is when losing someone you loved, but for me it is when losing someone that you didn't expect to lose. You didn't expect to leave. It is when they leave without saying goodbye. Leaving you with a heart ache. Leaving you tears.
I was on my way to the hospital when another tricycle bumped into us.
Buti nalang at Hindi Malala ang pagka bangga. Isang ale ang aking nakita na nakaupo Sa kalsada at mukhang nasagasaan.
Agad akong tumakbo para humingi ng tulong ngunit pagbalik ko ay wala na Ito.
"Miss hindi kami nakikipaglokohan sa iyo" anang isang lalaki. "Hindi ako nagsisinungaling, tanungin niyo pa ang driver ng nakabangga namin" sagot ko. Alam kong tama ang nakita ko. Alam kong Hindi ako namamalikmata lamang.
Agad na lumapit ang driver ng nakabangga sa amin. "Miss wala po akong pasahero na matanda. Wala rin pong matanda na nandun kanina" anang driver.
Hindi ako makapaniwala sa narinig. Alam kong tama ako. Alam kong hindi ako namamalikmata. Hindi ko nalang pinansin ang mga nangyari at nagmadali ako papunta Hospital.
Nang makarating ako sa hospital agad Kong nakita si Itay na umiiyak.
Nanghina ako. Akala ko matapang ako. Akala ko matatanggap ko. Akala ko kakayanin ko. Pero nang makita ko si Itay na nakapanlulumo ang kalagayan ay hindi ko nakayanan ang pagpatak ng aking mga luha.
Ang mga luhang kanina kopa pinipigilan. Agad akong lumapit kay Itay. "Itay, kaya natin to magpakatatag ka" sabi ko. Agad na yumakap Sa akin si itay ng mahigpit. Hindi ko na kinaya at naiyak na Rin ako. Ayoko na. Hindi ko kaya.
Yumakap ako kay Itay. Masakit para sa akin. Masakit lang na isipin na nawala na ang isang Mahal ko Sa buhay na lubos Kong iniingatan at minamahal.
Pumunta kami ni Itay sa Morgue. Tiningnan namin ang bangkay ni Inay. Nangatog ang tuhod ko ng Makita ko ang bangkay ni Inay.
Hindi ko kayang tingnan. Ayaw Kong tingnan. Lumapit ako sa bangkay ni Inay.
Maputi na ang mga labi ni Inay. Pero ang lubos na nakapagtataka ang mga maiitim na eyebags nito. Hindi ko alam Kung eyebags pa ba Ito. Parang hindi na.
Hindi ko nakaya at yinakap ko ang malalamig na bangkay ni Inay. Ayokong mawala siya. Nasasaktan ako. Sana ako nalang ang nawala. Sana ako nalang ang namatay. Hindi ko kayang Makita ng ganito si Inay. Sana ako nalang.
"Inay, bakit?" sabi ko. Kung sino pa ang mga mababait at mga pinagpala ay siya pa ang pagkakaitan ng buhay.
+++++++++++++++++
Matapos naming mapag usapan ang libing ni Inay ay agad na nag desisyon si Itay na Mauna akong umuwi. Hindi na ako tumanggi at agad na akong umuwi. Pagod na rin ako. Ayoko na.
Nang makarating ako sa bahay ay nadatnan ko si Gelo sa may gate. Lalapit palang ako ay agad akong yinakap ni Gelo. Bigla nalang tumulo ang mga luha ko.
"Shane, alam kong masakit pero lumaban ka. Lumaban ka para sa ama mo. Para sa akin" wika niya.
Naiyak ako sa mga sinabi niya. Sa mga sinabi niya ay nabawasan ang sakit na aking nararamdaman. Nabawasan ang hapdi sa aking mga puso.
"Salamat lalaban ako" sabi ko. Ngumisi ako ng tipid. Alam kong Alam niyang nasasaktan ako Pero Hindi ko Ito pinahalata.
"Shane, pumasok kana may kukunin ako sa kabilang bayan, utos ng aking amo" sabi niya. Gabi na at lalakad pa siya. Malayo ang kabilang bayan.
"Gelo, malayo ang kabilang bayan hindi pa pwedeng ipagpa bukas na iyan?" sabi ko. Malayo ang kabilang bayan kahit na sumakay Kapa. Baka Kung anong mangyari sa kaniya. Hindi ko kayang may mawala pa sa mga mahal ko. Sila nalang ni Itay ang meron ako ayoko kong pati sila ay mawala pa.
"Mag iingat ako. Ipinapangako kong babalik ako ng ligtas. Ano ka na Shane ako mapapahamak? Si Gelo? HAHAHAHAHAHA wala sa bokabularyo ko iyan" sabi niya.
Sa huli ay hindi ko na napigilan si Gelo. Trabaho niya iyan baka ma suspende pa siya, sayang lang.
"Sige aalis na ako, paalam. I lock mo ang mga pinto at bintana sa inyo" sabi niya bago tuluyang umalis."Mag iingat ka!" sigaw ko. Lumingon siya at ngumiti ng tipid. Hindi na ako nagtagal sa labas at pumasok na ako sa bahay.
Pagpasok ko ay agad kong linock ang mga pinto at bintana.
Agad akong naligo para makatulog. Hindi na ako kakain, wala akong gana.
Naalala ko si Inay sa lahat ng gawin ko. Pati pag palit ng damit ay naalala ko siya. Siya ang naghahanda ng damit ko tuwing umaga, siya ang nagplaplantsa ng mga damit ko.
Pagkahiga ko ay hindi ko na nakaya ang pagbadya ng aking mga luha. Agad akong naiyak Sa mga alaalang alam kong hindi na maibabalik pa.
Mga alaalang alam kong hanggang alaala na lamang.
Lumalalim na ang Gabi at hindi pa rin ako makatulog dahil sa pag iisip. Hindi ko kayang matulog.
Habang nakahiga ay biglang tumunog ang selpon ko. Agad kong pinulot Ito. Unknown number ang tumatawag. Sino Kaya Ito? Agad Kong sinagot ang tawag.
"Sino Ito?" bungad ko sa tawag. Hindi ko Alam kong sino ang posibleng tumawag Sa akin. Malalim na ang Gabi.
"Miss Shane?" sabi sa kabilang linya. "Opo ako po ito, ano pong kailangan niyo?" tanong ko.
Nagsalita ang nasa kabilang linya. Pulis daw ang tumatawag sabi nito.
Agad kong natutop ang bibig ko ng marinig ang mga sinabi niya.
"Miss Shane, pumunta po kayo ngayon sa Hospital nandito po ang labi niya. Halos hindi na po siya makilala dahil sa pagkakasagasa sa kaniya. Hindi po namin alam kong aksidente ba ito o sadya" sabi ng Pulis Sa kabilang linya. Hindi ko na kaya, Hindi Ito totoo. Alam kong okay Lang siya.
Nakayakap ko pa siya kanina. Sabi Kong magpapakatatag ako para sa kaniya. Ayoko na. Hindi Ito totoo. Hindi Ito dapat. Ayokong mawala siya.
Agad akong bumangon at tumakbo papalabas ng bahay. Hindi na ako nagbihis pa at agad na akong sumakay sa tricycle. Mabuti na lamang at may nakasalubong pa akong tricycle.
Iyak ako ng iyak habang papunta sa hospital.
Nang makapunta Sa hospital agad akong tumungo Sa morgue. Nadatnan ko ang mga Pulis na kinakausap ng doktor. Lumapit agad ako Sa bangkay para I check Kong siya talaga Ito.
Natutop ko ang bibig ko. Hindi, Hindi maari. Maraming sugat ang mukha at katawan niya. Hindi na siya makikilala. Pero pagtingin ko sa singsing niya ay alam kong siya ito.
"Itay, bakit? akala koba lalaban tayo? bakit moko iniwang mag isa? itayyyy" iyak ako ng iyak sa harap ng bangkay.
Hindi ko kaya ayoko na.
Lahat ng mga mahal ko sa buhay unti unti nang nawawala.
xoxo
-edina🖤