PRINCESS' POV
Naglalakad ako sa hallway nang may narinig akong may tumawag sa akin.
"Huy, Princess!"
Napalingon ako sa tumawag sakin. Si Ash pala. Siya nga pala si Ashley Ramirez, bestie ko. Sya yung maganda (kahit di ko inaaamin), matalino at sweet kong best friend.
Nginitian ko naman sya. "Hi Ashley!"
Sabay kaming naglakad sa hallway habang nag-uusap. "Musta si Alvin? Ayieeeeeee."
"Shh! Baka kasunod lang natin yun."
Si Alvin, sya nga pala yung crush ko since... what? 3 years ago? I dunno. Matagal na rin kasi eh, bata pa ko. Ka-service ko kasi sya eh. Kaya sabay kami lagi pagpasok ng school. Yieee parang hinahatid nya ko... pero hindi. Huhuhu.
Sabay kaming pumasok ni Ashley at nagkwentuhan muna habang hinihintay si Cindy sa classroom. Maya-maya lang ay dumating na rin si Cindy.
"Cindy!" kumaway si Ashley para makita nya kami sa loob.
"Hi Ash! Hi Princess!" nakangiting bati nya sa amin. Cindy's a cheerful girl, she's also smart at mahilig din sya sa K-pop.
Then a certain someone crossed my mind. Ano kaya hilig nun noh? Geez! I think I'm obsessing over him!
•
•
•
"This is the..." patuloy na nag-discuss si Mrs. Reyes ng lessons habang nakatulala lang ako at di maka-focus dahil sa kakaisip sa kanya.
Tsk. Katamaran na naman pina-iiral mo tas dinadahilan mo pa crush mo. Tsk tsk!
*tiiiiiiiiiiing!*
Ayy! Recess na pala.
"Okay, class dismissed."
•
•
•
Hays. Ampogi kasi kaya di na maalis sa isip ko. Hahahahaha. Charot lang.
"Uyy, anong iniisip mo dyan?"
Tumabi sa akin si Ashley at sumunod naman sa harap namin si Cindy. Sila Brianna at Percia wala pa.
"I think I'm inlove~"
Wait, ansabe ko?! Bata ka pa, lalo na yang height mo! Inlove ka dyan. Pweh!
Nang ma-realize ko yung sinabi ko ay binawi ko yun agad. "Syempre joke lang. Nasobrahan lang sa drama. Ahahahaha."
Tinignan nila ako na para akong baliw... oo nga. Baliw nga ko. Pagpasenyahan nyo na.
Hays, pero seryoso... lam mo yung feeling na gusto mo na talaga sabihin yung nararamdaman mo para sa kanya? Ganun yung feeling ko... ang problema nga lang mahiyain ako. Yung confidence ko pagdating sa kanya, ubos. Yun bang parang sa phone mo na gustong gusto mong laruin yun app o magbasa sa wattpad pero saktong na low batt. Ganun yun eh. Huhu.
Pagbalik ko sa realidad, nakatitig silang pareho sa akin.
Wait. Was I thinking out loud?!
They gave me a wide grin.
"Wait, narinig nyo ba yun?!"
They just gave me another grin.
Well, there's no point in hiding it anymore huh?
"Well... ang totoo kasi nyan... parang iba na yung naaramdaman ko para sa kanya... parang... parang gusto ko nang umamin. Pero... tsk! Alam nyo namang mahiyain ako eh. Ano ba kaya pwede kong gawin?" napapangalumbaba naman ako.
"Sige tutulungan ka namin." sabi ni Cindy habang di parin natatanggal ang ngiti nya.
•
•
•
Nag-dismissal na. Lumapit sa akin si Cindy. "May naisip ako."
"Ha? Naisip? Na ano?"
"Bigyan natin ng letter si Alvin."
BINABASA MO ANG
Secret Admirer (EDITING)
Ficção AdolescenteSi Princess ay may crush sa iisang tao sa kanilang school. Crush na crush nya ito nang isang araw na isipan nya na mag-confess dito. Dahil sa medyo matagal na nga nya itong crush parang may nararamdaman syang kakaiba... parang LOVE? Napapaisip nga l...
