SA- Chapter 59

54 0 0
                                        

ALVIN'S POV
Bakit ako cold...? Ang sagot... yun ang dapat kong sasabihin kay Princess kanina... Pero duwag yata ako pagdating sa kanya... Nasaktan din ako nung sinabi nyang feeler daw ako... I know na ganun na rin nga ako (dahil sabi ni author)... Pero ang nasasaktan ako ay ang akala ko I know her really well but I guess not... Para bang di ko na sya kilala at di narin nya ako kilala...

"So paano ba yung steps? Yung unang line na tayong lahat?" tanong nung Ivan.

"Since nandun kami yayakapin ko si kuya Alvin. Tapos papasok ka sa same line. Tapos kayong dalawa, nasa dalawang dulo ng stage. Tapos sa sunod na line, tatakbo ako sa'yo at yayakap. Makikita nyo ang isa't isa sa next line at pupunta kayo sa gitna tapos titignan nyo ng masama ang isa't isa. Tapos, para bang pipigilan ko kayo. Ganun."

Kuya? Ngayon ko lang ata sya narinig na tinawag akong kuya.

"Sa next stanza?" tanong nya kay Princess.

"Hmm... Paano kaya kung... Since nandun na tayong lahat, kukunin mo a-ang k-kamay k-ko? T-tapos s-sa susunod na l-line s-si kuya Alvin ay kukunin na naman yung k-kamay k-ko... Tapos sa susunod ay maghihilahan kayo... Tapos sa last line ay yayakap ako kung sino man sa inyo? Done. Hirap din mag-isip! Bato bato pick nalang kayo."

Nakita ko syang nagblush. Siguro nahihiya dahil iyon ang inisip at gagawin nya?

Lumipas ang mga araw at performance na namin ngayon.

Nakasuot kami nung Ivan ng checkered polo at pants. Parehas nakataas ang buhok namin. Si Princess naman nakalugay. May konting bangs. At nakasuot sya ng isang white shirt and skirt.

Nga pala, di nyo pa yata kilala kung sino ang yayakapin ni Princess mamaya? 😐😶

Natapos na sila Christopher. Kami na.

"Love can build up for a while,"

Silang dalawa pumasok na.

"And it will make us widely smile."

Nginitian nila ang isa't isa. Tch. Napa-irap nalang ako.

"Love can make two people together,"

Tumingin sila sa isa't isa. O ano naman?

"Love can take us to our forever."

Naghawakan lang sila ng mga kamay.

"KYAAAAAAAAAAA!!!" sigaw ng ilan sa mga tao.

Umalis na si Ivan sa stage at nagmamadali akong umakyat.

"Love is the feeling when you're with the one,"

Humawak si Princess sa kanyang dibdib.

"The one with your heart that he has won."

Tapos nagyakapan kami.

"A love between lovers has no measure,"

Tapos hinawakan ko yung cheeks niya. Wala na yung nandidiri look ko dati nung partner ko pa si Chelsea.

"UYY! KINIKILIG SI ATE PRINCESS!" sigaw nung isa sa audience. Diba sya din yung tumatawag sa akin dati nung may binibili ako? Yung nasa gray na van?

Secret Admirer (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon