SA- Chapter 9

65 2 0
                                    

PRINCESS' POV
Next day of the Acad... sasayaw nanaman! Gusto ko nalang mag punta sa mga booths at mini games at rides...

Kahapon pinapasok na kami ni Ms sa room kaya hindi ko na napanood yung sayaw niya... 😞😞😞 Okay lang kasi ngayon mapapanood ko sya!

Hanap, hanap, hanap... Nasaan sya? Oo nga pala umabsent sya... Kainis ka! Bakit ka umabsent?!

Maya maya ay kami na ang sumunod...
"Brianna, paano ulit? Ganito? Tama ba?"
"Hindi ganito..."
"Eh kaya nga..."
"Gawa mo kasi ganun..."
"Ah okay! Thank you!"
At ayun nag entrance na kami at sumayaw na...

Natapos na kami sumayaw at nagbihis na sa washroom. Lumabas na kami at nagpunta na sa HORROR BOOTH. Ayun linibre ko sila(as in libre talaga hindi utang). At dahil 2nd to the last kaming magperform at maraming maraming tao...

Oh my G! Ang raming taong nakapila, abot na sa canteen! 😨😨😨 Mga 3 rooms! At dahil mahaba ang pila at lunch na ay naisipan namin na isa saamin ay kakain isa isa at pag natapos, yung isa naman. Para hindi na kami aalis pa.

Nung turn ko na bibili na ako sa... Greenwich! Nandito mismo sa loob ng school. O diba! Kaya gusto ko mag Acad! Kaya lang... kulang ako sa pera 😞😞😞
Bumili nalang ako ng spaghetti sa canteen...

Bumalik na ako at hinanap sila sa pila... 😨?😨?😨? Nasaan sila?
Hinanap ko sila sa canteen... WALA! Sa lobby? WALA! Sa grounds? WALA! Sa booths? WALA! Sa mini games? WALA! Sa rides? WALA! At dahil hindi ko sila mahanap pumunta nalang ako sa canteen at doon ko nakita si Ashley na kumakain ng nilaga... gushto ko! Enge ako Ash! Sharap sharap kaya! Oo nga pala! Si Brianna!

"Ash, bakit nawala kayo bigla nung umalis ako?"
"Umalis kasi si Brianna. Eh gusto ko na rin kumain kaya... umalis ako... hehe..."
"Ahhh... eh nasaan si Brianna?" Hmmm... saan kaya sya nagpunta?
"Hinanap ko rin sya kaya ako nawala sa pila. Nung hindi ko sya mahanap nag lunch na ako..."
"Sige, pagkatapos mo kumain hanapin na natin sya."
"Okay."

Natapos na si Ash kumain at naghanap na kami kung nasaan si Brianna. Nang mahanap na namin sya pumila na kami ulit.

Naghintay kami ng ilang minuto pero parang hindi gumagalaw eh... At dahil malapit na magsara ang booth... Ayun humanap ako ng masisingitan... sama ko talaga!

Nakita naman namin ang mga kabatch namin sa harap... sige hintay pa... ngayon susunod na sila pero... magsasara na! Wow! Sayang ang pagpila namin! Ilang oras rin kami nandito! Buti nalang pwede pa daw kahit konti sabi ng ate. At dahil matagal kaming nakapila dito ayaw na daw nila Ashley at Brianna dahil pagod na sila. Sabi nila ako nalang daw MAG ISA. Natatakot akong MAG ISA eh! Kaya no choice ako kundi magpa-refund! Ayun na eh! Sayang! Pero okay lang kasi kasama ko naman sila... 😃😃😃
At dahil nagpa-refund kami at aking pera yon (kung maka pera ako! Syempre nagsesave...) hindi ko alam kung saan ko yon gagastusin 😰😰😰 Eh nakachit na iyon eh! (Chit yon hindi CHEAT) Nagpunta nalang kami sa rides para magride sa Anchors Away. Bago mag Acad nagride kami dyan. First time ko. Ganun pala yung feeling kapag nagride ka dun. Nakakakiliti sa tiyan! 😝😝😝

Ride kami ng ride hanggang konti nalang pera ko mga P100? (Nagtitipid at nagiipon ako! Hindi ako mayaman!) Sila Ash at Brianna gusto mag catterpilar. Eh gusto ko sila makasama sumakay. Kaya kailangan ko magdesisyon. Bumili na ako ng ticket at pumila na.
"Ashley! Sama!" hindi naman sa gusto ko sumingit pero basta!
Umiling sila. What? Hindi ko sila nagets. Sinabi ko lang sasama ako. Hindi sisingit. Maya maya lang nasa likod ko si Cindy kasama ang classmate namin.

Nung pinapasok na kami pumunta na sila sa pwesto nila... Solo nila ang isang cart ba yun? Ewan ko basta. Ako naman kasama ko si Cindy at ang kasama nya. Bale tatlo kami... na nagsisiksikan. Because gusto nila Ash at Brianna mag SOLO. Habang nasa ride sorry ako ng sorry dahil ako ang nasa dulo, nasisiksik sila.
"Sorry!"

Natapos ang ride at iniwanan NILA ako. Wow! Saan kaya sila pumunta? Ayun nakita kong nagpapachit
"O, Ashley, ibinabalik ko na sainyo."

Nang makaalis si Cindy nagpaANTAY ako dahil bibili ako ng drinks. Pagkabili ko tumingin ako sa likod at... WALA. Hinanap ko sila kung saan saan pero wala. Nahanap ko si Cindy tinanong ko kung nakita SILA. Hindi daw. Wala parin talaga kaya sumama nalang ako kay Cindy. Nandun lang kami sa malapit sa canteen. At sinabi ko nalang yung nangyari.

Nakita ko SILA naglalakad. Papunta siguro sa canteen. Pumamewang ako sa harap nila at hindi ako pinansin. Tuloy tuloy ang paglakad. Dahil doon umupo nalang ako sa tabi ni Cindy. Nakita namin si Percia (remember her?) at sinabi ni Cindy ang nangyari.

Nagkabati na rin kami ni Percia. Nag away kasi kami kanina lang. Nagsama kami buong araw. Meron pa naman akong pera, kaya bumili ako sa Greenwich ng pizza. Nakita ko na nandito pala si Daddy. Bili ko daw sya. Humingi ako ng pera at bumili narin ng fried chicken pang merienda.

Binigyan ko sila Percia at Cindy ng fries.

Natapos na namin kumain at malapit na mag dismissal kaya pumunta sila sa grounds na naka assign na place sakanila. Sila nakaassign na maglinis ngayon. Ako dapat kahapon, hindi ako naglinis kahapon kaya tumulong na ako ngayon.

Naglilinis kami nang dumating si Angelo. Nalaman nya tungkol dun sa away namin kaya gusto nya kaming pagbatiin. Sabi ko ayaw ko muna. 'I need some time'

At pumunta sya sa lobby kung nasaan SILA. Kinausap yata? Habang nagpupulot kami biglang dumating si Ashley kasama si Brianna at ito ang sinabi sa akin ni Ashley...
"Sorry. Wag mo na gagawin yon ulit." at inilahad ang kanyang kamay. Ang kulit talaga ni Angelo! Sabi ko I need some time! Hindi ko muna tinanggap iyon at lumapit kila Cindy at Percia. Sinabi ko yung tungkol dun... Ang dependent ko naman masyado! At seriously?! What did I do?! I know that meron akong kasalanan sakanila, pero sila rin. Nasaktan kaya ako. 😢😢😢
===========================
Kawawa naman si Princess! Next chapter malalaman nyo ang side nila Brianna at Ashley...
Dedicated to gicel_hart hirap talaga mag plano, right? Excited na ako! 😆

Secret Admirer (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon